When Angels Fall - 031

819 7 4
                                    

Chapter 031

Dahil sa sobrang tuwa, nakalimutan ko na ang panghihina ng katawan ko at nagtatatalon ako sa ibabaw ng malambot na higaan. "Yes! Yes! Yes!" Ngiting ngiti ako at di ko talaga mapigilan magsasasayaw doon. Malapit na akong maging tao wohoo!

"malapit na akong maging tao wohoo!"

"Ay palakang kulay pula!" 

"Palakang kulay pula? saan ka naman nakakita non? Tsaka bakit talon ka ng talon? Para kang palakang kulay tanga."

Ang masaya kong mukha, biglang sumimangot dahil sa isang dilubyong dumating. Ayan na naman si DJ, nagpapakasungit nanaman. Bigla bigla na nga syang papasok sa pintuan, aasarin nya pa ako. Hay naku, kung ganyan sya ng ganyan, hindi ko nalang gugustuhing maging tunay na tao. Mas gusto ko pa kapag si Jerry ang bigla biglang sumusulpot eh. At least alam ko na mawawala rin si Jerry, ngunit itong si DJ na ito? Nandito lang siya palagi, wala akong kawala sa kanya.

"HOY. HUY. HUUUUUY." kinakalabit ako ng kinakalabit ng taong si DJ. Napakawalang puso niyang talaga. Nanumbalik tuloy muli ang panghihina ng aking katawan.

"Okay ka na ba? Sabagay, di ka naman makakatalon ng ganun kung di ka pa okay eh." Tumawa ng bahagya si DJ. Nakakunot ang aking noo nang ako'y mapatingin sa kanya. Hinampas ko siya ng unan. "Masakit yun ha!" sabi niya. Bilang ganti, hinampas niya rin ako ng unan. 

Hindi ako masyadong makalaban sa kanya subalit pinagpatuloy ko pa rin ang paghampas ng unan. Naghampasan kami ng unan. Nakakatawa lang, kasi kanina magkaaway kami, ngayon naghahampasan naman kami ng unan, nagkukulitan.

Nang bigla akong maubo, itinigil na ni DJ ang paghampas sa akin. "Kita mo na. WEAK." sambit niya. Hay, bahala nalang siya sa mga sinasabi niya. Nahiga na akong muli. Nahiga rin naman sa tabi ko si DJ.

"Kwentuhan mo pa ako tungkol sa langit." biglang sabi ni DJ. Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Ano bang napasok sa'yong isipan at bigla bigla kang nagtatanong tungkol sa langit? Dati naman... 'di ka interesado don ah."

Napabuntong hininga siya, lumihis siya ng tingin at dinako ito sa pagtingin sa kisame.

"wala lang. Baka lang, naligaw din dun ang tatay ko. Naligaw din sa langit." at matapos ng kanyang sinabi, ako naman ang nagbuntong hininga. Nilihis ko ang tingin ko sa kanya at dinako ang aking mga mata sa kisame.

"Maganda sa langit. Puro ligaya lamang ang naroroon." sambit ko.

"Kung puro ligaya pala e bakit bumaba ka dito sa lupa? Panget dito." Bumangon si DJ at naupo. Nakatingin padin siya sa akin. Nakitingin na din ako sa mukha niya. Seryoso siya ngayon. Pero hindi na masungit. Nanumbalik nang muli ang maamo na natural niyang itsura.

"Gaya nga ng sinambit ko kanina, may pakiramdam ako na ginawa talaga ako upang maging tao."

"Pakiramdam? May pakiramdam ka pala?" natatawang sagot ni DJ sa akin. Ayan nanaman ang pang-aasar niya. Naupo na rin ako. Mga dalawang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa.

"Siguro anghel din ako." bigla niyang pahabol na sinabi.

"Ikaw anghel?" tumawa tawa ako kunwari. Pero totoo naman talagang nakakatawa, si DJ anghel? MALABO. 

"BAKIT?! Seryoso ako ketek ha." nagulat ako nang bigla siyang magmukhang naiinis. Naku seryoso pala sya hehe!

"Isang beses, nung, binubully ako sa school nung kinder ako, bigla akong nawala. Napunta ako sa isang lugar na inisip ko lang na sana nandon ako." dugtong niya. Malamang panaginip lamang iyong kanyang naaalala. Matagal tagal na ring panahon ang kanyang kinukwento. 

"Imposible yun." sambit ko. 

"Walang imposible, kita mo nga ngayon, ikaw, nandito ka katabi ko, sa halip na nandon ka sa langit nagliliwaliw. Lalalala." nagkunwari siyang isang ibon na lumilipad. Ampanget ng pakpak na ginawa niya parang sa manok. Hehe!

"Pangmanok na pakpak naman yan eh." sabi ko habang humahagikhik.

"Alam mo kath," napatigil ako sa paghagikhik nang bigla nanamang naging seryoso ang paligid namin. Hinihintay ko ang kanyang sasabihin ngunit ito'y naudlot dahil may biglang nagbukas ng pintuan.

"Nandyan ka lang pala DJ." Si Ericka, dumating na. Kasama ang iba pa naming kasama. Narinig ko ang boses ni Alfred na niyayaya na si DJ na pumunta sa kanilang silid.

"Sige Kath. Pahinga kana. Ikaw din, Sharlene, Ecka, tsaka Aica, tama?" Ngumiti siya sa aming lahat at lumabas na ng pinutan.

"Uuuy, anong ginawa niyo ha?" Kinukulit kulit ako ni Sharlene nang makalabas na si DJ. Kahit sinabi ko nang wala naman kaming ginawa, kinukulit niya padin ako. Loko talaga ni Sharlene hehe!

DJ's POV

"Alam mo kath..." Teka sasabihin ko ba? Naguguluhan ako. Paano kung bastedin niya ako? Ito panamang "anghel" na ito ay walang ibang alam kundi ang mga pangpanahon ni Jose Rizal. 

Sobrang bilis na ng takbo ng puso ko nun. Ganun nanaman ang nararamdaman ko. Tss! "Nandyan ka lang pala DJ." hanggang sa may biglang sumabutahe sa pagamin ko. Sino paba? Si Ericka syempre. Siya lang naman ang palaging sumasabutahe ng moment namin ni Kath, bukod kay Alfred.

Umalis na ako dun sa kwarto nila. "Oh, anong nangyari?" tanong sa akin ni Tofer pagkalabas ko. Pansin niya sigurong para akong nalugi.

Ngumiti lang ako sa kanya. Inakbayan niya ako at nagconyo conyo nanaman siya ng kwento. Pumunta kami sa isang bar sa beach, nag-inuman kaming mga lalaki. Dun na din kami nagdinner. Yung mga babae daw, bumili na ng fastfood kaya panigurado kumakain na daw yun sa kwarto nila. 

Buong gabi, puro sex experiences lang nila Enrique at Paul John ang naririnig ko. Kesyo ganito ang magandang posisyon, ganito ganyan. Basta ako, inom lang ako ng inom. Iniisip ko padin kung dapat ba akong umamin kay Kath o wag nalang. 

When Angels Fall - FinishedWhere stories live. Discover now