Epilogue

221 4 0
                                    

Dala ang mga bulaklak, lumabas ako ng kotse at pumasok sa apartment namin ni Tiana. Nakasalubong ko pa ang french friend nya na si Amandale Fuenca sa daan at ngumiti sya sa akin.

"For Tiana?"he asked me, her eyes on the boquet.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.Dumiretso na ako sa apartment at agad kong pinihit ang doorknob.Hayun na naman, nainis na naman ako ulit.Di na naman sya naglock.Tuwing ginagawa nya yun ay lagi kaming nag-aaway.Nandito kami sa France, di ito Pilipinas at di ganun kalakas ang impluwensya ko dito.Natatakot akong baka pasukin sya pag wala ako at gawan ng masama.

Halos dalawang taon na kami dito sa France.Gusto kong umuwi na kaso ayaw nya pa dahil nanghihinayang sya sa trabaho nya.Ayaw ko namang iwan sya mag-isa dito.Di ko yun kaya.Sabi din ni Lolo Ignacio mas makakabuti nga na dito daw muna kami para palamigin ang lahat.Nang inanunsyo kasi ni Adam na di na sila ikakasal ni Tiana ay lumikha iyon ng ingay sa iba.As for me, wala akong pakialam.Kaso may iba talaga na nakakaalam na dahil sa akin ang lahat kaya wala nang kasal na magaganap at kinukutya nila si Tiana dahil doon.Ang bilis daw magbago ng isip.Naisip kong tama nga si Lolo, dapat nga lumayo muna kami ni Tiana kasi nahihirapan akong makita sya na nasasaktan sa mga husga nila.

Napangiti ako habang napatitig sa bulaklak na dala ko.Alam kong magugustuhan nya ito.

Ang bilis lang talaga ng panahon.Naalala ko pa ang lahat.Nung una ko syang makita, may stampede nun sa Black Bar at natulak ako sa kanya dahilan para mamudmod sya sa mesa.Sa inis nya ay sinabuyan nya ako ng alak.Ni wala sa isip namin na magugustuhan namin ang isat-isa pagdating ng araw.Ni wala nga sa isip ko na sya pala ang fiancee ni Adam.At heto na kami ngayon, second anniversary na namin ngayong araw na to kaya may dala akong bulaklak.Mamaya ilalabas ko sya.

Napailing nalang ako nang maalala kung kailan ako nagkagusto sa kanya.Di ko talaga mawari kung kelan yun.Basta ang alam ko maganda ang fiancee ni Adam pero wala akong paki.
Natutuwa ako tuwing galit sya dahil namumula sya at lalo syang naging maganda kaya iniinis ko sya lalo.Pero isang time na nalasing sya, medyo nakainom ako, di ko alam pero di ko napigilan ang sarili na halikan sya.Yeah, ugali ko minsan mangnakaw ng halik sa mga babae at nagugusuhan naman yun ng iba pero di ko inisip gawin yun sa kanya kasi nga off limits sya.She was Adam's fiancee at di ko ugaling gawin ang ginawa ni Adam sa akin.

"Shit Alec, anong gulo ang pinasok mo?Si Tiana yun!Fiancee sya ng kapatid mo!"sigaw ni Will sa mukha ko.

Di ko sya nasagot.Ano nga bang pinasok ko?

"Ganito nalang,"singit ni Matt "Tiana is too drunk to remember everything.Palabasin mo nalang na sya ang unang humalik.Syempre lalaki ka, kunwari di ka makatanggi sa grasya."

Napatango ako.Ganun nga.Ganun nga ang gagawin ko.Pero nang tinitigan ko sya sa tabi ko kung saan nasa backseat kami ng kotse ni Will, himbing na himbing sya.Ewan pero buong byahe ko syang tinitigan.Kahit nong pinahiga ko na sya sa sofa, ilang sandali pa rin akong nakatanga sa malaanghel nyang mukha.

Nasabi ko bigla sa isip ko na maswerte din kahit paano si Adam dahil ang ganda ng mapapangasawa nya.Siguradong magiging maganda ang mga magiging anak nila.Di ko alam pero nakaramdam ako ng inggit.Pero bakit?Ni hindi ko nga gusto ang mag-asawa kaya bakit ako naiinggit?

"What now, dude?Bakit ka nakatitig sa kanya?Takot ka bang magsumbong sya kay Adam at mapatay ka ng kapatid mo dahil ninakaw mo si Tiana?"sungaw sa akin ni Matt.Nakahubad ito sa uper at nakapamewang.Bigla gusto kong ipasok si Tiana sa kwarto na di sya makikita ni Matt.Alam kong hayup to sa babae, baka mapano pa si Tiana.

"Matakot?Sya ang dapat matakot sa akin pagkatapos nang ginawa nila ni Celine."

Nabuhay ang galit ko sa dibdib.Lalo na nang kinabukasan, pumunta si Asam sa pad ni Will para hanapin ako.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن