Assurance

155 2 0
                                    

Napatitig ako sa picture namin ni Alec.Yun yung picture na nasa bumper ako at nakatayo sya at naghahalikan kaming dalawa.

Inikot ko yun at nakita ko ang nasa likod niyon.

Baby, keep me in your heart and everywhere you are.

Naalala ko rin ang kanta ni Ed Sheeran na Photograph.Ang ending num ay may sabing wait for me to come home.Wait?Pero ano na?Dalawang linggo na nong umalis si Alec pero wala pa rin ito.Wala man lang itong text na ipinadala.

Biglang kumulo ang dugo ko.Akmang pupunitin ko yun nang inagaw sa akin yun ni Matt.

"Tama na yan, Tiana,"pigil nito.

"Ibalik mo yan, Matt,"galit na sambit ko."Ayoko na!Sana wag na syang bumalik!"naiiyak na sigaw ko.

Napakamot sa ulo si Matt."Sana kasi di mo na sya inaya ng ganito,"bulong nito kay Cole.

Nanlaki bigla ang mata ni Cole."Kasalanan to ng kaibigan mo!Wag na wag mo akong sisihin!Bakit ba kasi di kayo makontento sa isa?Ang bababoy nyo talaga!"bulyaw nito.

"Wow, tiwala ang kailangan naming mga lalaki!Hindi yang mga panghuhusga nyo.Malay natin may nangyari lang kina Alec."

"Tiwala yang mukha mo!Pano kami magtitiwala kung di nga kayo makapagkatiwalaan?"

Imbes na maiyak pa ay nanood nalang ako sa kanila na ngayon ay nag-aaway na.Personalan na ang away ng dalawa.Sa harap namin ay ilang bote ng beer at mga finger foods.Nasa condo kami ni Matt ngayon.

Naglasing ako dahil sa sobrang gulo ng isip ko.Masakit din ang puso ko dahil nakita namin sa facebook three days ago na nag-upload ng picture si Celine kung saan kasama nya si Alec at Will sa isang bar.Nakapulupot sa bewang ni Celine ang kamay ni Alec at si Celine naman ay nakahilig sa balikat ni Alec.Sa tabi nila ay si Will na nakangisi ng maloko.Para bang pinagtatawanan ako dahil naisahan ako ng kaibigan nila.

"Is this some of Will's pranks?Ginamit nya ba si Alec para pagtawanan ako matapos mabilog ang ulo ko?Kung yun nga bilib na ako sa kanya.Isa nga syang dakilang prankster ng SIC,"sabi ko kay Matt at uminom pa ng isa pang shot.

"No, Tiana.Si Alec mismo ang papatay kay Will kung gagawan ka nya ng prank.Mahal ka ni Alec-"

"Mahal?Eh, bakit di nya sinasagot ang tawag natin para maconfirm nga ang lahat na ito?"putol ni Cole.Sa totoo lang naiinis na rin ako kay Cole.Puro negative ideas ang binibigay nito.Lalo lang sumasakit ang puso ko.

"Sabi ko di ba?Tingin ko matagal na ang picture na yun!"

"So tingin mo lang?Ibig sabihin, walang kasiguraduhan!"

Nagsalin ako ng ilang shot sa baso hanggang sa nalasing na ako ng tuluyan.Sa kalasingan ko, di ko na kaya pa ang tumayo.Binuhat nalang ako ni Matt at dinala sa spare room nya habang si Cole naman ay sumusunod sa amin habang tumatalak pa rin.Matagal ako nakatulog.Umiyak pa ako ng husto.

Kung ganitong di ako sapat para kay Alec, pano ako magkakaroon ng lakas para ipaglaban sya?

Bago ako nakatulog ng gabing iyon ay narinig kong may nagsigawan sa sala na mga boses ng mga lalaki.

"No, I told you to look after her.Bakit mo sya hinayaan uminom?"

Yun ang last kong naalala bago ako tuluyang nakaidlip.Umaga na nang magising ako dahil pakiramdam ko may mabigat na bagay ang nakadagan sa akin.
Nakita kong kamay iyon at nang mapagsino ko kung sinong may-ari nun ay bigla akong napabangon.

Si Alec iyon.Nasa tabi ko sya at natutulog.Hinila nya ako kaya napahiga ako ulit.Muli nyang pinatong sa tiyan ko ang braso nya.Mas siniksik pa nya ang ilong sa leeg ko.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now