Stuck

105 2 1
                                    

Isinilong ni Alec ang kotse sa isang shed.Mas lumakas pa kasi lalo ang ulan at may natumba pang puno na humarang sa kalsada.Buti nalang ang shed ay malayo sa mga puno.Kung sakali man di kami mababagsakan.

"Ano?Low pressure?Bakit parang bagyo na to?"bulalas niya sa kabilang linya na si Will."Oo sige.Di nalang kami tutuloy dyan.Pero bukas ba ng umaga makakadaan na kami?"

Sandali syang natahimik.Nakamasid lang ako sa kanya habang yakap ko ang sarili.Sobrang lamig talaga kahit patay ang aircon.Basa kasi ang dress ko.Si Alec naman ay nakatopless at hantad ang katawan nito.Iniiwasan kong mapatingin sa katawan nya, naalala ko kasi na may namagitan sa amin noon at di ko maiwasang pulahan ng mukha.

"Okay, thanks.Ikaw na ang tumawag kina Lolo.And please tell Adam, I know hahanapin nya si Tiana.Malo-lowbat na kasi ako.Baka di ko na sila-"
Napatingin ito sa phone nito."Shit, lowbat na nga."

Bumaling sya sa akin.Di na sya tulad kanina na galit bagkus ay ang lamyos na nga ng tinig nya.

"We're stuck,"pahayag nya."May mga kahoy na nagharang sa kalsada pabalik kina Will kaya di din tayo makakabalik doon.We are staying in this car tonight."

Tumango lang ako.

Ibinaling nya ang tingin sa labas.Ang lakas pa rin talaga ng ulan at hangin.

"May tubig ako sa likod at burger.Baka may biscuits din kung di kinain nila.Noong isang araw pa kasi yun."

"Noong isang araw?"

Tumango ito."Yung burger kaninang tanghali lang bago kita sinundo."

Tumango ako.

Nakatutok pa rin ang mata nya sa akin.Kinuha nya ang T shirt nya na halos tuyo na.Kumpara sa akin, mas basa ako kanina dahil matagal akong nababad sa ulan.

"Wear this,"bigay nya sa akin ng shirt nya."Change yout clothes."

"Wag na.Tutuyo din naman ito mamaya."

Tamad syang huminga ng malalim at pinatong sa lap ko ang shirt nya."Just wear it.Masama matuyuan ng damit at saka....."lumunok sya at sumulyap sa aking dibdib."Bakat ang bra mo."

Tumalikod sya at ako naman ay nag-init ang pisngi.Bat ba di ko napansin yun?

Naghubad ako ng dress at isinuot ang tshirt nya na hanggang hita ko lang ang haba.

"Tapos na,"saad ko at nilagay sa backseat ang dress ko.May mga biscuit nga at burger doon.Meron ding malaking bote ng tubig.May vitamilk pa nga isa at isang C2.

"You stock foods in your car?"tanong ko.

"Hmm,"yun lang ang sagot nya.Nakahalukipkip sya at nakasiksik sa gilid.

Maya-maya ay kumuha sya ng towel.Nabigla ako nang itinaas nya ang mga binti ko at pinatong sa lap nya. Pinunasan nya ako sa paa hanggang tuhod.Halos di ako humihinga habang ginagawa nya yun.Para kasing may kuryenteng dumaloy sa akin.

Nakita kong napalunok sya ng mapatingin sya sa nakahantad kong hita.Kasunod nyon ay may pinunasan din sya sa panga ko.

"Bakit nagkaputik ka?Saan ang sapatos mo?"tanong nya na ang mga mata ay nakatutok sa akin.

I cleared the lump in my troath."Itinapon ko.Nasira kasi.Nadulas ako kanina.Pinuntahan ko kasi yung bahay na nasa unahan."

I see him grinning and look away.Umayos sya ng upo at ibinaling sa labas ang tingin.

"Di ka sana bumalik.Di naman talaga ako lumayo.Nasa unahan lang ako at huminto."

Eh malay ko ba?Ang akala ko iniwan nya talaga ako.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now