Screamer

126 3 1
                                    


Pumasok kami at bumulaga sa akin ang puti na loob ng kanyang unit.Halos wala pang gaanong gamit doon.Isang TV lang ang naroon at isang black sofa.May isang mini-ref at ang dalawang kwarto ay cabinet at kama lang ang naroon.

Sumunod ako sa kanya sa counter.Gumagawa ito ng kape.Ang isa gatas.

"Why is it so bare?"

"Kakabili lang nito.Since I helped with the business, kinuha ko to.May half pa nga akong babayaran dito.Gusto bayaran ni Lolo kaso ayaw ko,"sagot nito.

Tumango ako."Bakit mo naisipang tumulong na?Wala ka namang amor doon."

"May negosyo na kami nina Will at Matt.Gusto kong mabihasa."

"Seryoso ka?"

Tumango ito at binigay sa akin ang gatas."Drink."

Tiningnan ko lang iyon."Di ako bata."

"Alam ko.Gagawa tayo ng bata kaya kailangan mo yan."
Tumawa ito ng bahagya.

"Tigilan mo ako ha!"bulyaw ko at pagalit na kinuha ang gatas."Madami ka pang kasalanan sa akin."

"Bakit?Sinabi ko bang ngayon tayo gagawa?"tumawa ito lalo."Pwede rin kung talagang mapilit ka."

Iniwan ko sya at naglakad ako papunta aa kwarto."Saan ako matutulog?"

"Dyan."

Inikot ko ang paningin sa loob.May mga damit na nakalatag sa sahig at sa kama nito.Not fully furnished pa nga pero ang gulo na.

Naramdaman kong sumunod sya sa akin. Tumigil sya sa pinto at sumandal doon saka ininom ang kape nya.Ako naman palakad,lakad habang umiinom ng gatas.

"Nakapunta na si Celine dito?"tanong ko.

"Just you so far."

"Bakit kayo naghahalikan?"

Gumuhit ang isang ngiti sa labi nito.Nakulitan na talaga sya ng husto.Pumasok sya at ipinatong ang tasa sa side table saka umupo sa kama.
"Nalaman nya ang tungkol sa teb million.She wants a deal.I'll be his husband for six months, makukuha ko ang pera.I badly need that money.Kasi ang plano ko idagdag iyon sa negosyo namin nina Will para makaalis na ako sa kompanya at makaalis sa bahay."

Lumapit ako sa kanya."Aalis ka?Bakit?"

Bumuntong-hinga sya."I feel alone there.Wala kami sa magandang mood ni Adam at lagi kaming nag-aaway ni Mama."

"Adam never betrayed you Alec.Wala syang sinirang tiwala sayo.Wala kang tiwala sa kanya,"sabi ko sa kanya at inubos ang gatas saka pinatong sa side table.Sa tabi ng tasa nito.

Napansin kong tahimik na sya.Nakatulala lang sya kaya lumapit ako sa kanya.
"Di ba sumapi sayo na kaya yun inalok ni Celine ay dahil umaasa sya na mahal mo pa sya?"

"It hits me of course.She told me she wants me back.I told her na wala nang pag-asa.Sinira nya kaming magkapatid at ngayon babalik sya?"tumawa ito ng pagak."Matagal ko na syang nakalimutan."

"Eh yung babae kanina, sino sya?"

Kumunot ang noo nya.Nainis na naman ulit."Putya naman, babalik na naman tayo dyan?"

"Di ka pa rin nagpapaliwanag ng maayos!"Tumaas ulit ang boses ko.

"Naninigaw ka na naman.Alam mo ikaw, nasanay ka talagang sigawan ako at saktan."

"Bakit ikaw?Kung makapagsalita ka parang hindi.Eh nagtatapon ka nga ng silya sa harap ko.Pinatid mo yung desk sa likod ko.Alam mo bang gulat na gulat ako doon ha?"sita ko sa kanya.Nakita kong tumayo sya at lumapit."Oo lumalaban ako pero syempre babae ako kaya takot din ako."

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now