Surfing Saturday

121 2 0
                                    

Nakabeach dress ako ng color blue at pinalulugay ang buhok habang nakatanaw sa mga tao na nasa paligid.Sobrang dami nila.May mga nagi-ensayo na mga contestant sa dagat.Isa na roon si Alec.

Simula nang dumating kami ni Adam at Lolo di ko sya nakausap dahil nasa tubig na sya at di pa tumigil.Pero alam kung alam nyang nandito ako dahil sumusulyap sya akin bago sya sumasalubong sa mga alon.

Hmm, paimpress ang loko aa galing nyang magsurf at aa abs nya.

"Bakit ngumingiti ka dyan mag-isa?"

Napatalon ako sa gulat.Natawa naman si Lolo at inakbayan ako.Parang si Alec lang tumawa ang isang to.Magkahawig din sila.Si Adam kasi may pagkasingkit.Mana yata kay Maam Ruth.

"May sasabihin ka ba sa akin Tiana?Sabi kasi ni Alec."

"Uhm... ano kasi Lo.Pano po kung may girlfriend si Adam?Pwede bang ...... pwede kayang matigil ang kasal?"

Napawi ang ngiti nito.Kinabahan naman ako bigla.

"Tiana,"malumay nitong saad."I treated you as my own grand daughter even before you were betrothed to Adam.Kaya yun talaga ang gusto namin ng lolo mo na kaibigan kong matalik.Saka kung meron man, iiwan yun ni Adam dahil papakasalan ka nya.Kayong dalawa ang makikinabang sa kasal na ito.May makukuha kang ten million at ganun din sya."

"Dahil ba doon kaya pumayag si Adam?Kasi ako..."

"Ignacio!"

Napalingon si Lolo sa kausap ni Adam na matanda.

"Alfonso!"

Iniwan na ako ni Lolo.Napahinga ako at napatingin sa bag kong nasa loob ang mga pictures.Di ko pa rin kayang ibigay kay Lolo iyon.

Napatingin ako kay Alec na nasa dagat ngayon.Napahawak ako sa dibdib ko nang matimbuwal sya at natabunan ng sunod-sunod na alon.Matagal bago ito lumusong sa ibabaw ng tubig.

"Natakot ka ba dun?"

Napalingon ako kay Adam."Ha?"

He smiled while watching his brother."Ang galing nya di ba?Sporty ang kapatid kong iyan.Katangian na wala ako."

"Pero achiever ka naman sa klase.At ang galing mong magpatakbo ng kompanya."

"He is still an achiever.Ilang ulit na syang nanalo.Magaling rin syang magpatakbo ng kahit ano.Ang kompanya lang ang ayaw nyang patakbuhin.But I am sure magaling din sya doon.

Tinitigan ko sya.Bakit pakiramdam ko may insecurities na sya ngayon kay Alec.Si Alec ang insecure sa kanya di ba dahil si Adam daw ang laging magaling.

"Mabait ba syang kapatid?"tanong ko.

"I can't say that.But he was sweet.Only was.Di na ngayon."Tumawa ito."Inaaway nya noon lagi si Pete dahil nagseselos sya sa pagkakaibigan namin ni Pete.Ayaw nyang ampunin namin si Pete.Nagbago lang sya nong naging sila ni Celine.May nakaagaw na kasi ng atensyon nya."

Nakita ko si Celine.Tinititigan din sya ni Adam.Nasa tabi ito ng dagat at naka-bikini.Inaabangan yata nito si Alec.Biglang nanikip ang dibdib ko.

"Andito din pala sya?"

Tumango si Adam."She is a family friend.Nagtutulungan na ang kompanya namin noon pa.Kung di lang sila nagkahiwalay ni Alec, baka mag-merge ang kompanya namin."

Ako naman ngayon ang nainsecure.

"Sayang pala."Labas sa ilong na saad ko.

Hinarap ako ni Adam."Gusto kong magkabalikan silang dalawa ni Celine.Di ba close kayo ni Alec?Can you help me?"

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon