Secret Love

101 1 0
                                    

Sa nakaraang dalawang araw, mas ginugol ko ang sarili sa pagsama sa mga lakad ni Cole maliban lang sa pagpunta sa bar.Sa rehearsal naman, di na nagpakita si Alec.Ang sabi ng bakla baka busy daw kasama si Celine.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig nang tumabi sa akin si Farah.Wala na ang lamig sa mga mata nito pero di rin naman nya ako kinikibo.

"Is Matt dating Coleen?"bigla nyang tanong sa tabi ko.

I smirk sarcastically."He is dating every girl in the town."

"Sabagay,"sagot nya at uminom ng tubig.

"Bakit ayaw mo sa kanila?"

Umiling sya."I don't care about them.Matt is bewicthed too as I see.Swerte ni Coleen."

Liningon ko sya.Tinitigan ko sya sa mukha.Honestly, I didn't expect we are having this conversation right now.

"Nasasaktan ka ba dahil makikipag-engage na si Alec?"

Sinalubong nya ang tingin ko."Totoo ba talaga yun?"

Tumango ako."I was there."

"Okay.Bahala na sya.I was infatuated with him too.At kahit mawala man ang feelings ko sa kanya, I will still care for him like before.Kasi kaibigan ko sya eh.I know kahit di kami magkikibuan, kahit di nya ako papansinin, he will still care for me.Maligaya na ako doon."

"He really does."

Naalala ko nong akala ni Alec itinulak ko sya kaya nauntog sya sa poste.Galit na galit si Alec nun.

"Galit talaga ako kay Celine noon.Kasi alam kong may gusto sya kay Adam eh.Alam kong sasaktan nya lang si Alec.Pero ayaw nya maniwala sa akin.Nag-away kami non.Hanggang sa di na nya ako pinapansin.Tinigilan ko na rin, di nya naman aaminin na kaibigan nya ako.Sobrang mahal nya si Celine.Ayan nga, pinatawad nya at ngayon i-engage na sila."

"Eh bakit galit ka sa akin?"biglang tanong ko.

"Kasi nagseselos ako.Akala ko mahal ka nya.Akala ko sasaktan mo rin sya."

"Ako ang sinaktan nya sa huli, Farah,"mapait kong utas.

Napatingin sya sa akin."Mahal mo sya?"

Di ko na sya sinagot.Uminom din ako ng tubig ko pagkatapos ay naglakad na sa gitna.Ramdam ko ang nakasunod nyang titig sa akin.

Napatigil ako nang makitang nasa baba si Adam at nakatingin sa akin.

Nandito pala sya sa school.Bumaba ako ng stage
at lumapit sa kanya.Nakita kong kinawayan nya si Farah.Kumaway rin si Farah pabalik.

"Hi!"nakangiti kong bati.

"How is my fiancee?"bati nya.

Tumawa lang ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Pinanood ka.Gusto kong makita ang rehearsal. Nagdinner ka na?"

Umiling ako."Let's have dinner then.Pero sa restaurant nalang tayo."

"Okay.Baka gusto mo sa tabi-tabi nalang?"

"Ugh, ano?Mafood poison na naman ako nyan."

"Sandali."Nilingon ko si Farah na nagliligpit ng gamit nya.Uwian na kasi.Wala si Cole ngayon dahil may thesis na ginagawa.

"Pwede bang isama natin si Farah?"tanong ko.

Tumango lang si Adam."Sure."

"Farah!"tawag ko."Dinner?"

Ilang sandali syang natigilan sa aya ko.Itinuro pa nya ang sarili.Tumango ako. Nagkangitian kami bago magkasabay na sumunod kay Adam.

Sa restaurant ay nag-aya sa akin si Farah ma magbar.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now