Stranger

122 2 1
                                    

Back to normal ulit ang buhay ko pagkatapos.Pero di na yata tulad ng dati.Ngayon
ay marami nang nakakilala sa akin.Lagi rin akong sinasama ni Adam sa mga lakad nya sa nakaraang linggo.

Sa school ay araw-araw pa rin akong pumapasok.At di ko na nakita pa si Alec ulit.Di ko rin tinanong ang mga kaibigan nya.And speaking of Farah, pinapahirapan nya talaga ang buhay ko.

Lagi nya akong pinaparinggan ng mga masasakit na salita.She wasn't mentioning my name but I can feel it.Pinapabayaan ko nalang.Pasaan bat magsasawa rin sya.

Panibagong lunes na naman.Inikot ko ang paningin ko sa buong school pero kahit anino ni Alec di ko pa rin nakita.Ang sabi sa akin ni Cole ay nakikita naman daw nya si Alec halos araw-araw.

Akay ang tray kung saan naroon ang mga pagkain ko, luminga-linga ako para makahanap ng pwesto kung saan ako kakain nang biglang kumaway sa akin si Will sa table na nasa corner.Ngumiti ako at lumapit sa kanila.Doon na ako kakain.

"Hi, vacant mo?"bungad ni Matt sa akin.As usual, may katabi itong babae.

Tumango ako."Kayo?"

"Wala.Boring kaya tambay kami dito,"sagot ni Will at sumubo ng fries.Sa isang kamay nito ay may rootbeer.
"Kumusta nga pala?Di ka na namin nakikita sa mga bar."

"Di na pwede eh.Baka may maling masabi ang iba."

Sumubo ako ng burger.

Tumango si Matt."Sabagay mahirap nga.Baka madungisan lang ang pangalan ni Adam."

Nagkatawanan kaming tatlo.

"Eh buti sana kung si Alec ang makatuluyan mo.Kahit gabi-gabi ka pa sa bar, walang paki ang mga tao,"komento ni Will at sinundan iyon ng tawa.

Sya lang yata ang natawa.

"Sorry,"sabi nya agad.

Ngumiti ako."Okay lang."

Tahimik akong sumubo ulit ng burger.Si Matt ay kumuha ng fries kay Will.Si Will naman uminom ng burger.

"Alam nyo di ba?"di makatiis na sambit ko."Alam nyo lahat di ba?"

"Ang alin?"

"Tungkol sa amin ni Alec."

Tumango sila.Pati ang mga mukha nila guilty.Buti pa sila guilty.

"Alam nyo rin ang plano nya?"

Matagal bago may sumagot sa akin.Si Will ang naglakas ng loob.

"Alam namin.I tried to stop him.We actually tried.Pero di sya nakinig.Sorry Tiana but Alec is very insecured with Adam.Adam is an achiever and he is the black sheep.Dagdagan pa na tinraydor sya noon ni Adam."

Umiling ako."He never betrayed Alec.Umamin sakin si Celine na grabe yung infatuation nya noon kay Adam.At yun ang sumira sa kanila ni Alec.At sinabi rin sa akin ni Adam na wala talagang nangyari sa kanila ni Celine.Natulog lang daw sila sa hotel room non dahil fully booked ang lahat na room."

Yes, Adam told me that.

Tiningnan lang nila ako at tumango.

"Pero ayaw maniwala ni Alec kay Adam,"dagdag ko.

"He loved Celine so much then.That closes his mind.That closes his heart to everyone.Kahit si Farah di nakaligtas."

Napatitig ako kay Matt.

"Si Farah?"I ask, confused.

Tumango si Matt."Farah is Alec's bestfriend.Nandoon na si Farah bago pa namin nakilala si Alec.They grew up together."

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt