Shabby Ring

123 4 0
                                    

"Kaninong sasakyan to?"tanong ko nang mapansing di iyon pag-aari ni Alec.

"One of Will's toys.Nakisakay lang ako dahil pagod na ako.Dinala ako ni Lolo kanina sa lakad nya,"sagot nito at pinatunog.

"Bago ba to?"

Umiling sya."Matagal na to.Yong blue Ferrari nya lang ang laging ginagamit.Kaso binagga nya noong isang araw so ito na naman."

"Marami pala talaga syang sasakyan."

Tumango lang sya at pinagbuksan ako ng pinto.Pumasok ako doon.Sumunod ito.

Ngayong kami nalang sa loob, pakiramdam ko mas masikip pa ito kesa kanina na nasa dancefloor.Kinabahan na naman ako.

Dhug....dhug.....dhug....

"Ano nga palang ginawa nyo ni Lolo?"tanong ko para mabawasan ang awkward sa loob.

Pumungay ang mata nya habang tinititigan ako.
"Wala.Kinausap lang namin yung manager ng couuntry club kasi aalis sya.Lolo is planning to have me to take over the business."

"You will?"

Umusog sya palapit sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko."Uhm.I'll think about it.Pero baka.Baka time na rin na matuto ako."

"Noon pa dapat ang time.Late na nga."

Ngumiti ito at pumikit."How was your day?"

"Okay lang.As usual si Cole lang kasama ko."

"Good.Cause I will hate it knowing some guy is around you,"bulong nito at isiniksik ang ilong sa leeg ko.Nanayo ang balahibo ko sa batok.He was so close.I can even feel his breath.

"You?How was your day?Maganda ba doon sa country club?"

"Oo.Soon I will take you there.Pero mas mabuting di nalang doon."

Tumango ako.I got it.Kahit di pa nya sabihin.Alam kong ayaw nya rin na makita kami ng iba.

"By the way,"umayos ito ng upo at inilabas mula sa bulsa ang isang singsing
"I got you this."

Natatawa ako habang sinusuot nya sa akin ang singsing.Pano eh ang weird ng mukha.Di sya kaaya-aya tingnan pero di rin naman pangit.Black ang string ng ring at may nakatayo doon na tila dalawang pangil na maliliit.Sa gitna ay isang kulay asul na bato.

"Ang weird!"

Napatingin sya sa akin."Choosy nito.Ang weird din ng komento mo.Why can't you just say thank you?"

Napahalakhak ako
"Eh sa weird nga naman talaga!"

Tumawa sya."Wag mo yang iwala."

"Bibigyan mo lang naman pala ako sana yung maganda naman."

Pero ang totoo masaya ako na may natanggap ako mula sa kanya.Kahit nga bigyan nya pa ako ng tuyong dahon galing sa daan tatanggapin ko pa rin.I will still keep it in a box katulad nalang ng jacket nya na di ko sinauli.

"Wag ka nang magmaktol.Just pay me a kiss."

Umirap ako.Uminit yata ang pisngi ko.

"C'mon Taina.Give me a kiss."

"Taina ka dyan."

"Okay Tiana, can you give me a kiss?"malambing  nitong saad.

Ngumuso ako.Kunwari pang napilitan pero gusto naman pala.Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Tagal,"reklamo nya at hinila ako sa braso.Napasubsob ako sa kanya.Bago pa ako makahuma ay siniil nya na ako ng halik.Saglit lang iyon pero ramdam ko talaga ang init nya.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now