Chapter 12: Sunday Morning

138 3 0
                                    

Malakas na katok ng pinto ang gumising sa himbing kong tulog.Inis na bumangon ako sa kama.Ano bang meron kay Lala at wagas kung makakatok?Wala namang sunog,ah.

"Sandali,"sigaw ko.Nahulog pa ako sa kama pagbaba ko nang masagi ang paa ko sa kumot.Tss.

"Good morning."

"Good morning,"wika ko rin kay Adam nang sya ang mapagbuksan ko ng pinto.

Teka, bat si Adam andito?Waaaahh..
Agad kong isinara amg pinto.Narinig ko pa ang pag-igik nito ewan kung ano ang dahilan.

"Shit!"I heard him."Buksan mo nga ang pinto!"

"Ayoko!Ano ba kasing ginagawa mo rito ng ganito kaaga?Tapos may patawagtawag ka pa sa akin kagabi?Akala ko ba di tayo close?Na di na natin kailangan pa maging close?"nagpapanic na talak ko.Huhu. Ang pangit ko, sabog ang buhok ko tapos may muta pa ako tapos di pa ako nagtootbrush tapos nakapajama lang ako!Waaahhh...

"Tiana open the damn door!"
Nagtutulakan kami ng pinto.

"Just talk!"sigaw ko."Naririnig naman natin ang isat-isa,ah!"

"Just open the damn door! Naipit yung kamay ko!"

Huh?

Agad kong binuksan ang pinto.Kinabahan ako dahil baka suntukin ako nito.Ikaw ba naman yung maipit ang kamay.

"Sorry,"wika ko agad.

Bumuka ang bibig nito para sigawan ako, naningkit na ang mga mata nitong singkit na talaga.Pero walang lumabas na salita sa bibig nito.

"Bakit?"untag ko nang titig na titig ito sa akin.Baka nagbago na ang isip nya.Imbes na suntokin ako, babarilin nya nalang ako.Huhu.

Lumunok ito."Just get dressed. Aalis tayo."

Yun lang at tinalikuran na nya ako.Bumaba na ito ng hagdan. Problema nun?Tss.

Agad akong naligo at nagbibis. Masakit pa yung mata ko dahil dalawang oras lang ang tulog ko.Matagal ako nakatulog dahil sa good night ni Alec sa akin kagabi.Ano kayang meron sa good night nya?
Malupit pa yata sa kapeng barako.

Nadatnan kong ginagamot ni Lala si Adam sa darili nang bumaba ako sa sala.Wala na syang galit sa akin. Hehe.Buti naman.

"Alis na po kami La,"wika ni Adam nang makita ako.

"Mag-almusal muna kayo."

"No,thanks La.But I already had coffee. Saka may iba pa po kasi akong gagawin mamaya."

Nagpaalam na rin ako kay Lala.Huhu.Ang bastos ni Adam, basta nalang akong isama nang walang laman ang sikmura.Napaka-un-thoughtful nya!

"Bilisan mong maglakad,"apura nito.

Binilisan ko namang maglakad sa likuran nito nang bigla itong tumigil kaya nabunggo ko ang likod nito. Awts!

Nasa harap na pala kami ng Audi nito.May dalawang lalaking nakatayo sa tabi nito.Isa ay kaedad nya, isa naman ay kaedad ko.Pamilyar ang mukha parang kilala ko.

"Who are they?"tanong ko.

"Si Harold, personal assistant ko,"tukoy ni Adam sa lalaking kaedad nya na bahagyang tinanguan ako."And the second one is Pete, he was Lolo's scholar and at the same time, a trainee of the company. He's been with the family since he was born."

Tinanguan din ako ni Pete.Pero bahagyang nagblush ito.

"He knows you."

"Really?Di naman ako famous sa fb,ah."

Tinaliman ako ni Adam ng tingin."Hes studying at SIC."

Agad namam akong bumaling kay Pete.Teka, si Pete nga. Naging classmate ko sya last sem sa isang subject. Sya yung nagpadala sakin nun ng love letter!Haha!Kaya pala nagba-blush ito lagi.

"What are you smiling at?Get in,"untag ni Adam.

Pumasok na kami sa kotse.Sa likod kaming dalawa ni Adam.Sa harap naman sina Pete.Si Harold ang nag-drive.May ibinigay na folder si Pete kay Adam.Binasa iyon ni Adam. Tahimik lang ako.Gutom na kasi ako.

"Napapayag mo na ang mga Japanese investors na pirmahan ang contract?"tanong ni Adam.

"Yes, Adam.Pero after nalang daw ni Mr. Teng.You want me to set a date?"

"I'll tell you tomorrow,"sinulyapan ako ni Adam."After our signing with Mr. Teng."

Tumango si Pete.Lagi ko itong nahuhuli na sumusulyap sa akin sa rear view mirror. Hehe.Huli sya! Lagi itong nagba-blush.Lagi tuloy akong natatawa.Pero in fairness, ang galing nya.Pero alam ko na noon pa matalino talaga sya sa klase.

"Where are we going?"tanong ko.

"Mall."

"Anong gagawin natin dun?"

"Shopping."

Di ko na tinanong si Adam.Ang ikli lang ng sagot nya.Pero bakit nya kaya ako dinala?May plano ba syang pabitbitin ako sa mga bibilhin nya?Di kaya kami close. Saka andyan naman si Pete at Harold ah.

Bumaba agad kami ng sasakyan pagdating namin.Sa isang boutique kami dumiretso.Si Pete at Harold ay sa kotse lang.Pucha, ako lang siguro ang papabitbitin nya.Napatingin ako sa braso ko, ang liit.

"Good morning Mr.Baxter,"bati ng babae sa amin.Nagblush ang cheeks nito.Naalala ko tuloy si Pete.

"Give here anything she like,"utos ni Adam.

"Sandali Adam.Di ako marunong pumili ng panlalaki.Saka bat mo ako dinala rito?Wala pa nga akong agahan gutom na ako.Uuwi na ako.Di pa ako nakapagsimba, linggo ngayon."

"Di ka pipili para sa akin kundi para sayo.Bilhin mo kung ano ang gusto mo.I'll pay."

Napatitig ako sa kanya.

"Faster. I'm giving you one hour. May pupuntahan pa ako."

"Wait, wait,"itinaas ko ang kamay ko."Bakit naman ako pipili?Ayokong magkaroon ng utang na loob sayo. Saka marami akong damit sa kwarto."

"Tiana, this is the exchange of your help.Sasamahan mo ako kay Teng bukas di ba?"

Tinawanan ko sya.Lalo itong nainis.
"Did I said I'll go?"

Tumahimik ito.

"But, okay.I'll go."

Parang nakahinga ito ng maluwag.

"But di mo ako bibilhan ng mga ganito.Ayoko ng mga damit."

"So what do you want? A car?A car then "

Arghh, may sira sya sa ulo noh? Ang mahal kaya ng sasakyan tapos, ibibigay lang sa akin agad?




**********--------******


"Are you serious?"di maipinta ang mukha ni Adam nang ipinahinto ko ang kotse sa palengke kung saan lagi ako noon kasama si Lolo para bumili ng balot.

"Bumaba na tayo,"yakag ko sa kanya.

"No, you go alone.I'll stay in the car Pasama ka nalang kay Pete o kay Harold. I don't care kahit silang dalawa pa ang dalhin mo."

I roll my eyes."Ikaw yung magbabayad.Saka ikaw yung gusto kong isama."

"No."

"Okay, fine. Let's go home. Walang Mr. Teng bukas."

Padabog na lumabas ito ng kotse. Napansin kong napangiti ang dalawa nyang alalay.Hehe.OP sa palengke ang suot ni Adam, naka tuck-in kasi sya na long sleeve na may ternong white pants.OP rin ang mukha nya, haha.Di maipinta.

"Ale, saan ngayon si Mang Bado pumuwesto?"tanong ko sa babae na nasa tabi.

"Ahh..yung tindero ng balot?Andun malapit sa palaisdaan."

"Okay po.Salamat."

Kakilala ko kasi ang mga tindera sa palengke.Di naman lahat.Yung iba lang.Yung si Ate Minda kasi, katiwala namin sa bahay ay sinasama ako minsan sa pamamalengke.Saka pumupunta talaga ako rito para kumain ng balot ni Mang Bado.

"Saan tayo?"

"Sa palaisdaan."

"Ayoko!Mangangamoy akong isda, may lakad pa ako mamaya."

Tinitigan ko sya sa mata.Alam na nya yun.Basa na nya.

"Okay, fine!"walang magawa na saad nalang nito.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now