Chapter 14: The Obsession

151 3 0
                                    

°F   A    R    A     H°

Nakaupo ako sa bench nang makita mula dun na pumasok sa canteen si Alec.Agad na may sumikdo sa puso ko.Tumayo ako.Pupunta ako sa canteen.Nandoon si Alec eh. Sa totoo lang ayoko rin ng ganito.Yung para akong baliw na susunod kay Alec kahit di na nya ako pinapansin.Kahit minsan na lang nya akong tapunan ng tingin.At kahit dini-deny nya na kilala namin ang isat-isa.

Oo.We know each other. That was back when we were young. Nasa grade school kami nun ng lumipat kami ng tirahan.Doon ko unang nakilala si Alec.Sa isang subdivision kami nakatira kaya sabay kaming umuuwi tuwing hapon.We were good friends once. We've been.Pero nagbago ang lahat nung nagkagusto ako sa kanya.Medyo linayuan nya ako nun.Lalo na nung nasa highschool kami.Sinira ko kasi ang relasyon nya sa girlfriend nya. After nun di na nya ako kinikibo, at di na nya ako kinilala.Dini-deny nya rin na naging magkaibigan kami.Mali naman kasi yung ginawa ko, but I just can't help myself.

Kaya heto ako ngayon.Parang stalker nya ang dating ko.Di ko na rin sinabi na kaibigan nya ako noon.Nilihim ko nalang iyon.Alam ko naman kasing idi-deny nya ulit.

Papasok pa lang ako sa canteen ay nakita kong papasok rin si Tiana.Tila may sipon ito at di maganda ang pakiramdam.Oo nga pala, si Tiana.Di ko na sya kinikibo pa mula nun.May bago na naman akong mga kaibigan na mas vibes ko.Bahala na sya.

Pumasok na ako sa canteen at pumwesto malapit sa mesa nina Alec, Matt at Will na mga malapit na kaibigan ko din noon.

° T   I  A   N   A °

"Aaatsse!"

Shit, sa tuwing uma-atsse ako, naalala ko si Alec.Kumukulo ang dugo ko at gusto kong pumatay ng tao.Hmp, buti pa kakain na lang ako.
Yun nga.

Pumasok ako sa canteen.Pagpasok ko pa lang, kita ko na ang lalaking dahilan ng sipon ko.Kasama nito sina Matt at Will.Busy ang mga ito sa kakatingin sa mga pwet ng mga babaeng dumadaan sa mesa ng mga ito.Yung mga babae naman halata na nga ang ginawagaw nila, dumadaan pa rin.May pakembot pa ang Pinagko-compare yata nila ang mga pwet ng mga dumadaan.Ano ba yan, tsss.Magkakalagnat na rin yata ako sa kanila.

Lumapit ako sa counter at nag-order saka naghanap ng mesa.Nakita ko sa tabi si Farah kaya dun ako pumwesto.Gusto ko kasi magiging okay na kami.Sana naman kibuin na nya ako ngayon.

"Hi, pwede makishare?"tanong ko kay Farah.Ngunit tinapunan lang nya ako ng tingin.Busy ito sa kakatipa ng phone nito habang nagsi-sip ng shake nito.

Umupo pa rin ako sa table.Sini-sip ko rin ang milk tea ko habang pinapakiramdaman si Farah.Di ba nya ako nami-miss?Natiis nya na di ako kibuin.

"Totoo bang fiancée ka ni Adam?"

Napatitig ako kay Farah.Ano ba to, kinikibo na nya ba ako?Okay na ba kami?Eh bakit taas- kilay pa rin sya sa akin.

Bigla syang nagsmirk."Never mind. I'm sure pinagkakalat mo lang yun para tabunan ang hiya mo sa kinalat ni Alec na picture mo na kahalikan si Mac."Tumayo ito.at tinalikuran ako.Pero tumigil ito.Papalapit kasi sa amin si Alec.Si Farah talaga, ang laks ng tama kay Alec.

"Hoy, Taina.Asan na ang jacket ko?"

Tinaasan ko ng kilay si Alec.As if ibibgay ko yun sa kanya after nya akong iwan sa tabi ng kalsada habang umuulan.

Tumayo ako."Asa ka pa na babalik yun sayo.Pagkatapos ng ibinigay mong sipon sa akin?"pakli ko at tinalikuran ito.

Naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin.Naramdaman ko rin ang matang nakasunod sa amin, mga mata ni Farah.

"Hoy , Taina.Ibalik mo yun sa akin.Kung hindi-"

"Marami ka namang pera ah! Makabibili ka pa ng mas maganda pa dun.Eh luma na nga yun, eh."

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon