Consequence

116 3 3
                                    

Nakasandal ako sa dibdib ni Alec habang nakaupo kami sa couch at kumakain ng pizza.Sa harap namin ay ang TV na may pinapalabas pero wala doon ang utak ko.

Naramdaman kong hinagkan ako ni Alec sa buhok."Tahimik mo,"puna nito saka sinubuan ako ng pizza.

Umiling ako at yumakap sa kanya.Isinubsob ko ang ulo ko sa tshirt nya.

"You tired?"tanong nya sa concern na boses.

Umiling lang ako.

Nagpatuloy sya sa pagkain ng pizza at panonood.Ako naman, iniisip ko ang nangyaring paghaharap namin ni Maam Ruth kanina.Walang kaalam-alam doon si Alec.Di ko sinabi sa kanya at wala akong planong sabihin iyon sa kanya.

Narinig kong pinatay ni Alec ang TV at pinisil ang likod ko."Wala ka bang planong lumabas?"

"No.I just want it here.Saka makikita nila tayo,"sagot ko na subsob pa rin sa dibdib nya.

Pinaharap nya ang mukha ko sa kanya."Mabuti nga.Para malaman nila agad.Kailangan naman talagang malaman nila di ba?Para di na tayo pagkamalan.Para malaman nilang wala ka nang koneksyon kay Adam."

I took a long breath."How about your mother?"

Sumubo sya ng pizza."I don't care about her.Aalis na din naman ako sa buhay nya."

"Alec, mama mo pa din sya."

"She wants me out Tiana.I am the black sheep and she is not proud of me.Mahilig lang talaga syang magmanipula ng tao."

Umiling ako at sinakop ng dalawang palad ko ang mukha nya."How about Lolo and Adam?"

Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at binaba yun sa kandungan nya."They are fine.Alam ni Lolo.And Adam will be fine.Okay na kami ngayon."

"What you mean na alam ni Lolo?"naguguluhang tanong ko.

"Inamin ko sa kanya.He tried to ask me about our fight.I cannot lie to him.So I tell him that I love you.Lahat na meron tayo bago ang engagement."

"Bakit mo ginawa yun?"biglang tumaas ang boses ko.Kaya pala ganun nalang si Lolo nong fashion show.

"I told you I cannot lie to him,"giit nito.

"Pero di mo sinabi sa akin.You should have told me first about your plan."

"How can I tell you?Nag-away nga tayo di ba?Sabi mo ayaw mo akong makita.Sa tingin mo may gana pa akong puntahan ka para sabihin na hoy aaminin ko kay Lolo ang lahat ha?"

Tinampal ko sya sa braso."Seryoso ako Alec.Pwede ba?"inis na sambit ko.

Tumawa sya at niyakap ako ng mahigpit.Kinuha nya ang mga paa ko at ipinatong sa kandungan nya.

"Nag-aaway na naman tayo,"puna nito."Lalo along mai-in love sayo nito eh."

Inirapan ko sya.Nag-init na naman kasi ang mukha ko sa sinabi nya.

"Ayan, umiirap ka na naman.Baka makissan na kita dyan."

Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto nya para magbihis."Ihatid mo na nga lang ako sa amin.Kailangang malaman ni Lala ito."

"Okay,"di man lang sya kinabahan na tumayo  at nilagay sa ref ang naiwan ma pizza.

Pagkatapos nun ay sabay kaming lumabas na ng condo nya at sumakay sa sasakyan nya.Habang nagmamaneho sya ay hawak nya ang isang kamay ko at pasimpleng hinahalikan iyon.

"Papasok ka ba bukas?"tanong nito.

"Oo."

"Wala ako bukas.May lakad kami ni Will.May kakausapin kami.Saka may inutos din kasi si Adam sa akin.Kailangan kong pumunta sa office ni Mrs. Saavedra para sa renewal ng contract.Gusto mo sumama?"

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora