I Wish

117 1 0
                                    

Kanina pa ako nakatingin sa phone ko pero wala pa ring text na dumating para sa akin.Nagtext ako kay Alec kanina.Sinabi ko sabay kami maglunch sa cafeteria pero di sya dumating.Wala rin syang reply.

"What's with that face?"untag sa akin ni Cole.

Umiling lang ako at iniligpit ang mga gamit ko.Uwian na kasi.Uuwi na kami.

"Umamin ka nga Tiana.May something ba sa inyo ni Alec?May tinatago ka ba sa akin?"naningkit ang mga mata nya sa akin.

"May ginawa kami.Yung plano nga sabi ko sayo.Sinet up namin si Adam."

"Pero nasa sayo pa rin ang pictures di ba?"

Tumango ako."I want to stop the wedding.But thinking na sa ganung paraan ay nakokonsensya ako.Kahit pano naging magkaibigan na rin kami ni Adam nitong nakaraang araw."

"Yun nga.Pangit nga sa paraang yun.Kung bakit pa kasi dehado ka sa kasunduang yan.Magbabayad ka ng pera pag aayaw ka samantalang sya ay makakatanggap ng pera sa lolo nya.Kalokohan yan,"komento na nagliligpit na rin ng mga gamit."Pero nagkakagustuhan na ba kayo ni Alec?"

Di ko sya nasagot agad.
"Kasi hinalikan ka nya noong lasing ka, minsan kinukuha ka nya at nagsasama kayo.Saka nung nasiraan tayo at nag-away sila ng kapatid nya pinili mong magpaiwan para samahan sya.Anong meron sa inyo?Do you like him?"

Napalunok ako at isinuot ang bag ko."He said he likes me."

Parang di na ito nagulat sa sinabi ko."Do you like him back?"

"I....I like him too.Alam nya na rin ang feelings ko."

Natutop nito ang bibig."Oh my God.So kayo na?Pero pano?Ikakasal ka sa kapatid nya."

Umiling ako."Ewan ko.I am not sure about this still.Noong nakaraan lang di ba?Umiiyak ako para sa amin ni Mac."

"Yun nga.I thought that must be the reason why you are wanting to stop the wedding pero ngayon....ginagawa mo ba to para kay Alec?Kasi sa totoo lang, wala akong tiwala sa kanya.Di ako boto sa gagong yun baka nagbibiro lang yan.Imagine, pano naman sya magkagusto sayo?Binubully ka nga noon,eh.Kinalat nya ang picture nyo ni Mac, kinulong ka sa CR at marami pa syang kabulastugang ginawa sayo.Naku Tiana ha baka naman pinagtripan ka lang ng gagong yan.Baka pinagpustahan ka lang ng tatlong iyon."

Di ako nagsalita.Cole can be right.Baka nga.But the night he told me he likes me, I can feel that he is genuine.He saves me from Prof Almano, pinagtanggol nya ako noon sa party.

Bumuntong hinga ako."Uwi na tayo Cole.Wag kang mag-alala, kung pinagtripan man lang nya ako, sisiguraduhin kong bago ako mahulog, mauuna sya."

Nagsimula na silang maglakad.

"Naku yang salitang yan.Make sure of it Tiana.Dahil kung ako sayo, papakasalan ko na lang si Adam para wala nang problema.Okay na kayo di ba?Mabait naman pala sya."

"Eh kayo ni Matt anong meron sa inyo.Bakit sumama ka sa kanya doon sa ampunan?Ano yun?Date?"Pag-iiba ko sa usapan.

Tumawa ito."Ha!Date nyang mukha nya.Isa pa ang gagong yun.Tingin ko pinagplanuhan nila tayo eh.Pag napikon ako sa lalaking yan, tingnan mo lang ang gagawin ko."

Tumawa nalang ako.

"Chill lang, Cole.May sign of aging ka na yata eh.Ano chill tayo mamaya?Black bar?"nakangiting saad ko.

Kumislap ang mata nito.
"Sige ba! 8 pm kukunin kita sa inyo.Payag na si dad na magdadrive ako."

"Ayos!"

Nag-appear kami.

"Miss ko na rin ang ganito.Simula nong naipakilala kayo ni Adam sa isat-isa di na tayo masyadong nakagalaw.Dalhin ko pala ang date ko."

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now