GOOD LUCK

105 4 0
                                    

"Hi!"untag ko sa secretary ni Adam habang abala ito sa kakayuko sa computer nito.

Sandali nya akong pinagsadahan ng tingin.Nakasuot ako ng dress at maduming conversena tinernuhan.Tumaas ang kilay nito.

"What do you want?"malditang tanong nito.

"Pwede ko bang mapasok si Adam-"

"No. May appointment ka?"tanong nito na nasa screen na ulit ang mga mata.''Kahit may appointment ka pa kailangan ko pa rin iconfirm iyon sa kanya bago ka makapasok."

"Wala akong appointment-"

"Makakalabas ka na."

Napanganga ako.Mas masahol pa yata kay Adam ang secretary nito.

"Tiana! You're here!"

Napalingon ako kay Lolo Ignacio na kakalabas lang ng office ni Adam.Humalik ito sa pisngi ko.Binalingan nito ang secretary."Famela, can you please make her a cup of coffe?"

"S-sino po ba sya?"Kinakabahan na tanong ng babae na ngayon ay tinakasan na ng dugo.

"Tiana Fernandez, Adam's fiancée."

Mabilis na kumilos ang babae na ngayon ay di na makatingin sa akin.Inakay ako ni lolo sa office ni Adam.May kausap ito sa mesa nang mapasukan namin.Sinenyasan nya ako na maghintay sandali kaya naupo ako sa couch.Si Lolo naman ay lumabas na.Inihatid nya lang ako.

Minamasdan ko lang siya habang nag-uusap sila ng kameeting nito.He was wearing a black tux, making him so dignified.Ang bawat kilos nito ay pinag-aaralan talaga pati ang bawat sasabihin nito.He was every woman's dream. But I don't feel it.

Pumasok ang secretary nito na nakayuko at binigyan ako ng kape.Nang yumuko ito ay binulungan koi to.

"Salamat sa kape.Now you can pack up your things."

Parang maiiyak ito na umabas ng office.Ako naman ay pangiti-ngiti lang.Ininom ko ang kape.Sana lang ay walang lason iyon.Tiyak na pagtatwanan ako ng babaeng iyon kung lalabas ako ditto na nalabulagta na.Pero in fairness,masarap ang kape nya.

After fifteen minutes, natapos rin ang meeting ni Adam.Umalis na ang kausap nito.Linapitan nya ako.

"Let us have lunch first.Saan mo gusto?"

"Anywhere you want.Ikaw naman ang magbabyad."

"No.You choose."

"Sabi mo eh,"nakangiting wika ko.

*************************************************

"Kain na,"wika ko kay Adam at nilamon ang lumpia sa bibig ko.

Sandali nya akong tinitigan.Lumagok ito ng laway at napailing."Pinaglalaruan mo ba ako ha?"Mahina nitong sambit.

"Hindi tayo naglalaro.Nasa kainan tayo kaya kakain tayo,"sagot ko at isinubo rito ang paa ng manok mula sa plato ko.Iniwas nito ang mukha.

"I'm not eating this.Hihintyayin nalang kita sa kotse,"wika nito pero pinigilan ko sa pagtayo.

Nasa gilid kami ng kalsada, sa isang kainan sa tabi-tabi.

"Alam mo bang maraming tao ang di makakain ng tatlong beses sa isang araw tapos ikaw mag-iinarte ka pa?Tingnan mo nga sa paligid mo, ang daming mga bata na nagugutom,"pangungunsensya ko sa kanya.

Bingo!Dahil may padaan-daan na mga bata na madudungis ang mukha.Halatang batang lansangan.Sa totoo lang, minsan lang din ako kumain ng ganito.Gusto ko lang inisin si Adam.Kinakabahan nga ako habang nginunguya ko ang kanin.Lasang panis kasi.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon