The Show

97 2 1
                                    


Nakatingin ako sa baklang si Chime na pinapaypayan ang sarili.Di naman mainit sa loob ng dressing room pero pinagpawisan ito.

Nakaupo lang ako sa silya habang minamasdan silang di magkandaugaga.Suot ko ang isang wedding dress.Nong first ko iyong isinukat ay akala ko isang simpleng white gown lang iyon.Pero ngayon na nalagyan na ng nga beads at glitters ay nagmumukhang isang wedding gown talaga.Feeling ko tuloy kasal ko na.

Pumasok ang isang babae at agad itong sinalubong ni Chime."You saw him?"

Umiling ang babae."Wala talaga eh.Kinontak din sya ni Maam Celine pero off daw ang phone.Pero sabi ng isa kanina nakita daw nila si Alec na umalis kanina bago palang kayo dumating."

Lalong nalukot ang mukha ni Chime."Ayy ano ba yan!Hanapin mo ulit!"

Nawala muli ang babae at sinabunutan na ni Chime ang sarili.

"Pambihira namang Alec yan!Di naman sya umaabsent sa rehearsals pero ngayon pa talaga ha?"Binalingan nya ako."Natawagan mo na si Adam?Baka nandoon lang sa bahay nila yan."

Umiling ako."Wala din daw."

Napabuga ito ng hangin sa labis na inis."He can't be gone!Para kang bride na nilayasan ng groom pagnagkataon!Ito yung concept ng finale ,eh!Kayong dalawa na nakasuot ng wedding dress at suit.Ito yung pasabog ni Celine. Bebenta sana talaga to kasi pareho kayong ikakasal pero lumayas naman yang Alec na yan.Napaka-unprofessional talaga, unresponsible!"ngitngit na putak nito.Nastress yata ng husto pano, limang minuto nalang magsisimula na ang show.Marami na ang mga taong nasa labas pero di pa rin nagpakita si Alec.And speaking of attendees, di lang basta-basta ang mga taong dumalo.Mayroong mga stylist, designers,at ang iba ay kilala sa showbiz.

Tahimik lang ako.Syempre, nakita ko si Alec kanina. Totoong nandito sya kanina.Nagtaka nga ako dahil sobrang aga nya.Nagkatinginan kami kanina pero sya ang unang bumawi.Parang iniiwasan nya ako dahil sa away namin kahapon.

Nakita kong pumasok si Celine.Pinalabas na nito ang ibang models.Silang tatlo nalang ni Chime ang naiwan.Agad na dumapo sa kanya ang mata nito pero di gaya noon na ngumingiti agad ito.

"Chime, lumabas ka  na.With or without Alec, we will start the show,"pormal nitong pahayag.

"Ano ba kasi yang fiance mo Madam?Talaga bang walang pakialam yan?Show mo to.He can't just let you down!"satsat pa din nito.

"Chime!"

"Sorry,"sambit ni Chime nang makitang nainis yata si Celine.Lumabas na si Chime kaya kami nalang ang naiwan.

Hinilot ni Celine ang sentido saka ako hinarap.Di ako sanay na ganito sya.Ang sobrang seryoso nya.She seemed so cold.Namumugto din ang nga mata nito.

"Tiana..."

"Bakit?"Di ko alam pero kinakabahan ako sa titig nya.There is something in her eyes.

"Wala ka bang alam talaga kung nasaan si Alec?Oo alam kong ako yung fiancee nya"umiling sya at pilit na ngumiti na para bang nainsulto."I am his fiancee but why do I have this feeling that you know him more even though I existed before you?Im sorry siguro paranoid lang ako.Ako itong ex nya, ako itong fiancee nya ngayon.But still, I wanna ask you.Is the reason why he didn't show up is because about the fight you had with him yesterday?"

Napatitig lang ako sa kanya. Di ko rin naman kasi alam.Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Alec.Di ko rin alam kung bakit ganito magtanong sya sa akin ngayon. Ganunpaman, di ko iwasang kabahan sa harap ngayon ni Celine.

"Sorry, I shouldn't have asked you about it,"sinapo nito ang ulo.Maya-maya ay umupo ito at muling nagsalita."Ang dami ko lang iniisip."

"Okay lang,"tanging sambit ko.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ