Hide And Show

137 3 0
                                    

Nasa loob kami ni Lala ng taxi.Papunta kami sa bahay ng mga Baxter.Wala akong imik habang nasa bintana ng sasakyan ang tingin ko.

"What's wrong?Di ba dapat masaya ka?Magkikita kayo ng lalaking pakakasalan mo at makikita mo pa si Alec.Di ba malapit na kayong dalawa?Para na rin kayong magkapatid ngayon,"sabi ni Lala sa tabi ko.

Lalo akong nalungkot sa totoo lang.Ayoko kasing makita si Alec.Napilitan lang ako dito.Last time we talked, he clearly told me he likes me too.Pero kinabukasan nun, di sya nagpakita sa akin.Wala rin syang text para sa akin.Baka pinaglalaruan nya lang ako.At ako naman naniwala naman ng buong puso sa walang hiyang yun.

Kinagat ko ang labi ko at bumuntong hinga.Sana wala sya sa bahay nila ngayon para sa formal dinner na ito.Sana nasa labas sya kasama ang sino mang babae.Okay na yun kahit masaktan man ako kaysa pagtawanan nya ako mamya.Mas masakit yun na nakakainsulto.


"Cantalia!"bungad agad sa amin ni Lolo Ignacio.As always, very warming ang ngiti nito.Nakalahad na ang mga braso nito para makipagbeso sa amin ni Lala kahit na malayo pa kami.Si Maam Ruth ay nakahalukipkip sa tabi ni Lolo at bahagya pang tumaas ang kilay nang mapatingin sya sa akin.Very civi lang din ang turing nito kay Lala.

Pumasok na kaming lahat sa sala.Nakahinga ako ng maluwagluwag nang makitang si Adam lang ang naroon.Nasa harap nito ang laptop nito at busy sa kakatutok doon.

"Nandito na sila Adam,"pahayag ni Lolo.

Agad na nagtama ang paningin namin.Ngumiti sya sa akin at sinarado nya ang laptop nya.Lumapit sya sa akin."Hi, kanina lang kayo?"

Ang bait nya na talaga sa akin."Ngayon lang,"sagot ko at ngumiti ng hilaw.Pano, naguilty ako.Last time na nakita ko sya, yun yung kasama ko sina Alec at pinagkaisahan namin sya.

Iginiya nya ako sa sofa.Sina Lala at Lolo ay busy sa kwentuhan.Si Maam Ruth naman ay may inasikaso yata sa kusina kasama ang mga katulong.

"Sit here.Ipapatawag ko lang muna si Alec para makakain na tayong lahat."

Agad na lumipad ang kamay ko sa pulso nya."Bakit?"

"Uhm, baka naman busy sya.Wag na natin syang tawagin,"wika ko sabay ngiti.

Kumunot ang noo nito." Sabi nya kasi pagising daw sya pag andyan na kayo.At di naman papayag si Lolo pag wala sya.That would be rude to this dinner."

"Rude naman talaga sya.Sanay na ako dun."

Binalewala nya ang sinabi ko."Wala pa kasing laman ang sikmura nya.May sakit kasi sya for three days.Di sya gaanong makakain."

Tinalikuran na nya ako pagkatapos.

Hah!May sakit?Sana namatay nalang sya!Sana mamatay na sya bago sya makadalo sa mesa.

Mayamaya pa ay pumwesto ma kaming lahat sa mesa.Katabi ko si Adam ng upuan.Sa tapat namin ay pinagitnaan nina Lala at Maam Ruth si Lolo Ignacio na hanggang ngayon ay panay pa rin ang pakikipag-usap kay Lala.

"Pababa na po daw si Sir Alec,"paalam ng katulong habang inihain sa amin ang mga pagkain.

Kinabahan na ako lalo.At makakatabi ko pa talaga si Alec ha?Di ko na tuloy matukoy ang mga pagkain na nasa harap ko.

"Anong gusto mo?Lagyan ko na ang plato mo?"tanong sa akin ni Adam.

Di ko sya nasagot dahil parang mahimatay na ako sa kinauupuan ko.Pano dumungaw sa komedor si Alec na mapupungay ang mga mata at magulo ang buhok.Halatang galing sa kama.Sa akin agad tumama ang tingin nya.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now