Chapter 13: Sunday Morning Part 2

116 3 0
                                    

Natatawa ako habang nakasunod sa akin si Adam.Mainit at di maganda ang amoy sa palengke kaya lalo na nawala ito sa mood.Lalo na nang masagi si Adam ng lalaki kanina na may dalang isda.Kumapit ang amoy niyon sa damit nito.

"Baka naman talaga wala talaga dito yung hinahanap mo?"saad nito sa likod ko.

"Ang sabi nong Ale, andito sya."

Hehe.Actually, kanina ko pa nakikita si Mang Bado, kaso gusto ko talagang iikot pa sya ng mahaba-haba pang oras.Hehe.Minsan kang kaya to, ang mapasunod ko sya sa gusto ko.

Nilingon ko si Adam, pinagpawisan na ito ng madami.Kusot na rin ang damit nitong may konti pang mantsa.

"Uy, ayun pala sya!"Agad akong tumakbo palapit kay Mang Bado.
"Kumusta po?Dalawang balot nga po."

"Aba, ang paborito kong suki.Matagal kitang di nakita ah."

Nginitian ko lang si Mang Bado at tinanggap ang dalawang itlog.Grabe gutom na po talaga ako.

"Are you sure di mo sya nakita?Dalawang ulit kaya natin syang dinaanan kanina,"sabi ni Adam.

Di ako sumagot.Binigay ko sa kanya ang isang itlog.

"No thanks. I don't eat that."

Tumaas ang kilay ko.Bakla ba to?
Sige, ako na nga lang ang kakain.

Dumaan ang labing isang minuto.

Aaahhm, ang sarap talaga ng balot.Kaya lang ang sikip na ng tiyan ko.

"Pakibili mo tong lahat na balot.Saka pati na yang basket,"wika ko kay Adam.

"Are you serious?"

"Am I kidding?"

Nagbigay ito ng pera kay Mang Bado.Masaya namang nagpaalam si Mang Bado sa amin.

"Pakidala na rin.Bibili pa ako ng biko para kay Lala."

"Teka, teka..."

Nilingon ko sya at tinitigan sa mata.Alam na nya yun.

"Okay fine.Tsss!"

Muli kaming naglakad.Sa likuran ko pa rin si Adam dala ang basket ng balot.Ang init ng panahon nawala na.Naging kulimlim na ang langit, nagbabadya ng ulan.

Kailangan ko nang magmadali.Dapat nasa bahay na ako agad.

"Ate, magkano po ang bilao ng biko nyo?"tanong ko sa babaeng tindera.

"Kinse pesos ineng.Ilang bilao ba?"

"Dalawa lang po."Nilingon ko si Adam pero wala na ito sa likod ko?San na yun?Sya pa naman ang magbabayad.Wala akong pera kahit piso.

Sinabi ko sa tindera na babalik nalang ako.Muli kong binalikan si Adam sa pinagdaanan ko kanina ngunit wala ito.Kumukulog pa na naman.

"Kuya, magkano ang balot nyo?"

"Masarap po ba yan?"

"Kasing sarap mo ba?"

"Bilhin ko nalang lahat yan basta pakiss lang ha?"

Napalapit ako sa umpukan ng mga babae na pumapaikot sa lalaking nakatalikod.Si Adam iyon.Nang lumingon sya sa akin ay nagtagis ang mga bagang nito.Mabalasik nya akong linapitan at ibinagsak sa harap ko ang basket.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now