Painting

100 3 1
                                    

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo.Di ko kilala kung kanino ang kwarto na nagisnan ko at wala akong maalala kung paano ako nakauwi.Wait, di naman pala ako nakauwi talaga dahil di amin to.

Tumayo ako at lumapit sa phone ko na nasa side table.Katabi nito ay isang relo.Kilala ko iyon.Kay Adam iyon.

Kwarto ba ito ni Adam?

Tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"Tiana?Si Farah ito.Pwede mo ba akong tulungan?"

"Bakit?"Ipinilig ko ang ulo ko.Ang sakit talaga.

"Si Cole kasi nandito sa amin.Walang alam sila mommy na umuwi akong lasing kagabi.Saka alam mo na, pag nalaman nilang dito natulog si Cole, iisipin nilang lasing akong umuwi kasama sya.Alam mo namang lasengga talaga ang tingin nina dad sa kanya."

Napakamot ako sa ulo ko."Okay.Saan ba sya ngayon?"

"Nasa bath tub."

"Bath tub?"

Humahagikhik sya."Wala akong choice.Alam mo namang nagtsi-check sila sa akin every six am.Tulog mantika si Cole alam natin yan.Kaya dun ko na pinatulog.Wala naman syang reklamo.Puntahan ko nga.Basta punta ka dito tapos sabihin mo binibisita mo ako."

"Buhay pa kaya yun?Baka nalunod na yun doon."

"Relax, walang tubig yun kaya-Ahhhh!Cole!"

Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko.

"What are you doing?Bakit ka naliligo dito sa bath tub ko?"

"Eh may hangover ako kaya naligo nalang ako,"rinig kong sagot ni Cole sa kabilang linya.

"And you used my shower gel?"

"Alangan namang tooth paste mo gamitin ko!"

Narinig kong sumara ang pinto."Tiana, puntahan mo na ngayon din ang kaibigan mo.Baka malunod ko pa to.Sabihin mo sa maid na gagawa tayo ng thesis.Magdala ka rin ng gamit pamalit kay Cole para isipin nilang di talaga sya dito natulog."

"Okay,"pinutol ko ang linya at nanalamin.Ang pangit ko pala.Saka kay Adam ba itong suot ko?

Isang malaking shirt iyon na hanggang hita ko ang haba.Ang cycling short ko ay suot ko pa rin.

Hinanap ko ang dress ko pero wala yata sa loob.Binuksan ko ang pinto at lumabas.Napatingin ako sa paligid, pinto ang lahat na nakikita ko.Pero isang pinto ang kakaiba sa lahat.May card na nakapaskil doon.

Don't come in.

Kumunot ang noo ko.May ganito palang kwarto sa bahay sina Adam?Ano kayang laman nito?

Sa gulat ko ay bigla iyong bumukas.Napatulala nalang ako nang makitang lumabas doon si Alec na agad kumunot ang noo pagkatapos akong sinuyud ng tingin.

Nakatopless lang sya sa ibabaw at nakaboxer sa baba.Magulo ang buhok nito pero gwapo pa rin sa paningin ko.Halos di ko na mabawi ang titig ko sa malapad nyang dibdib.

"You are not allowed that when you just slept with him."

Ano?

Di ko sya nakuha.Tinitigan ko lang sya hanggang sa tinalikuran nya ako.Tumigil sya at liningon ako.Mas lalo pang kumunot ang noo nya.

"Nga pala, sabihin mo sa fiancee mo na sa susunod samahan ka nya sa mga lakad mo.Baka marape ka pa.At wag kang uminom ng sobra pagkatapos ay matulog lang sa tabi ng kalsada."

Di pa rin ako sumagot.Mas lalo yata syang nagalit.

"May sasabihin ka ba?"untag nya.

"Uhmmm....ano...nasaan si Adam?"tanong ko sa wakas.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now