Left in the road

93 1 1
                                    


"What is there to be mad at, Alec?"painosenteng tanong ni Will.

Tahimik lang ako sa tabi nya.

"You know what!It's us,"giit ni Alec na ang painting ang tinutukoy.

Humahalakhak si Will."Who?"

Umigting ang panga ni Alec pero di na sumagot.

Oo, kami nga yun.Yun yung lasing ako sa isang party at hinalikan ako ni Alec.Yun din yung picture na binigay sa akin ni Alec na nasa pitaka ko pa rin hanggang ngayon.

Umiling ako at iniwan silang dalawa.Mabuti pa magmasid nalang sa mga painting kesa manood sa kanilang nag-aaway.Maya-maya lang nun magtatawanan na naman yun.

Nakatingin ako sa painting na syang nagustuhan ko sa lahat.Kamay lang ang nasa canvas, may sugat iyon sa pulso at dumudugo habang nauulanan.

Then someone from my back spoke."Suicidal,isn't it?"

Tumango ako."Yeah."

Napatitig ako sa signiture.Will Barton ang nakalagay.I smirk.May ganito palang drama ang lalaking iyon?

"You want it?I will buy it for you?"

Napalingon na ako sa lalaki na nasa likod ko.Nasa late thirties sya at may lahing intsik ang mukha.

"No, thanks,"iling ko.

"I am serious,"giit nito habang titig na titig sa akin.

Ngumiti nalang ako at tinalikuran sya nang bigla nya akong hinigit sa braso ko ng malakas.Napasubsob ako sa braso nya sa lakas ng impact.Nasiyahan pa yata ito, ngumiti pa sya.

"Let me go,"asik ko.

But he was gripping me so tight."What is your name?"

Hinila ko ang kamay ko."Just let me go."

"You heard her, let her go,"sabi ng isang matigas na tinig sa likod ko.Si  Will yata.

Tumawa ang lalaki."Pano ba yan?Sya ang gusto kong iuwi, di ang mga painting mo."

Isang suntok ang dumapo sa  mukha ng lalaki kaya nabitiwan nya ako.

Akala ko si Will iyun pero si Alec pala.Tumaas-baba ang dibdib nito habang tinitigan ang lalaki na ngayon ay sargo ng dugo ang labi.

"Nagkakamali ka ng binastos,"mariing sambit nya.

Tumawa ng pagak ang lalaki."When was the time I am wrong, young Baxter?Ikaw ang nagkakamali sa ginawa mo.You know who I am."
Pinahid nito ang gilid ng labi na tila wala lang.

"I dont care who you are,"sagot ni Alec na galit pa rin.Kulang nalang dumugin nito ulit ang lalaki.

Pumagitna ang papa ni Will.

"What is in here?"there was authority in his voice.

Noon ko pa lang napagtanto na naagaw na pala namin ang atensyon ng lahat.

"Tsss.I am leaving, Mr. Barton.And this will be our last meeting,"bilin ng lalaki at umalis.

Sinundan ni Alec ng tingin ang lalaki hanggang sa nawala ito.Ang mga tao ay unti-unti na ring bumabalik sa mga pinanggagawa nila.

"What happened, Will?"nagtitimping tanong ng papa ni Will.

"Sorry Tito.It was me,"agaw ni Alec sa kasalanan pero tinapunan lang sya ng Tito nya ng sulyap.

"Dad, he was a dickhead.He-"

"He is our biggest sponsor,"putol ng ama nito bago hinarap si Alec."And Alec, you are sent here to convince him and close a deal.And what you did is you punch him.Paano mo to sasabihin sa Lolo mo?"sita nya.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now