Elevator

117 3 0
                                    


Isang linggo ulit ang lumipas na di ko nakita si Alec.Pero balita ko kay Cole na nakita daw nya minsan na magkasama kumain si Farah at si Alec.Minsan din, si Celine ang kasama nito.Ngayong week na kasi na ito magsisimula ang rehearsal.

"Okay, sorry Tiana.Akala ko lang talaga na di ito big deal sayo.I mean, everyone want to be famous.Lahat na babae nangangarap na maging modelo.Saka may background ka naman sa modeling di ba?Ikaw ang model sa latest product ni Mr. Teng."

Umiling ako."Napilitan lang talaga ako doon."

"Pwede ka namang mapilitan ulit di ba?"tumawa sya.

Nahawa na rin ako.She is lovable.Lagi syang tumatawa at di sya maarte gaya ng ibang babaeng mayaman.Though may pagkabossy at bratt sya minsan, considerate naman sya.

"I'll think about it.Bakit di nalang si Coleen Demetrio ang sa finale?"

Uminom sya ng juice bago nagsalita ulit.Nasa restaurant kami malapit sa school.Nakita nya kasi ako kaya kinausap ko nalang rin sya tungkol sa pagkuha nya sa akin bilang modelo nya.

"It would be better kung ikaw.Kasi SIC ito di ba?And soon, ikakasal ka kay Adam.You are also representing the Baxter.Actually kayong dalawa ni Alec ang finale."

Sumipsip ako ng kape.Lalo lang na di ko gugustuhin ang fashion show na idadaos nya.Bakit ba kasi lately laging dumidikit sa akin ang babaeng ito?After nung engagement, mas naging friendly na sya sa akin.

"Please, Tiana.Please. Nang malaman nila na kasali ang fiancee ni Adam dito, mas dumami ang gustong pumunta.See?I really need you.Im begging please,"pagsusumano nito na hinawakan pa ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng table.

May isang babaeng umupo da vacant seat katabi nya.

"You dont have to plead Celine.Di bagay yan sayo.At kung ayaw nya, di yun kawala sayo dahil marami pa rin ang pupunta sa show mo."

"Hi Tita!"bati ni Celine at bumeso kay Maam Ruth.Ayan na naman ang mga malalamig nyang titig at nakataas nyang kilay.

"Kanina ka ba naghintay?''

"About ten minutes lang po.Saka di naman ako nabored kasi andyan si Tiana,"sagot ni Celine at nginitian ako.

Tumayo ako.Di ko talaga kaya pag nandyan ang mama ni Adam."Celine, may klase pa kasi ako."

"Ay sorry.You can go now.But let me know your decision later, kay?"

Tumango ako.Ngumiti sya na naman sya sa akin bago ako tuluyang umalis.Si Maam Ruth naman di ko na inabalang tingnan pa.

Bumalik ako sa school at pumasok sa classroom.Wala pa ang teacher ko doon.Wala rin si Cole.

Sa gilid ng mga mata ko, palapit sa akin si Farah na kakapasok lang.May hawak itong libro sa dibdib.Ipinatong nya ang bag nya sa harap ng seat ko bago ako binalingan.Ako naman nagkunwari akong busy sa pagtitingin ng relo ko.

"By the way,"saad nito bigla."Just so you know, baka kasi di mo alam.Nasa office si Cole ngayon kasama si Alec at Matt."

Kinunutan ko lang sya ng noo.She was cold, then I will give her equal.

Nagcross arm sya na tila ba walang paki sa inasta ko.Inirapan pa nya ako pero nagpatuloy pa rin sya sa pagsasalita.

"Inaway nya si Alec kanina.Sinampal nya.Ayun binulyawan sya ni Alec.The rest is I dont know.Basta nag-away daw sina Matt at Alec.Matt punched his face."

"Saang office?"napatayo na tanong ko.Nawala na ang drama ko ng tuluyan.

"Sa office ni Mr. Alvade."

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now