SIC Brownout

151 4 0
                                    

Nagising ako na nasa ospital na.May mga kamay na nakahawak sa braso ko at niyuyugyug ako.Una kong nakita si Alec pagmulat ko ng mga mata.Sina Matt at Will ay nasa tabi ng bed na hinihigaan ko.

"Gising, wala kaming plano na magbantay sayo rito ng matagal," saad ni Alec.Sya pala yung gumising sa akin.

Unti-unti akong bumangon."What happened?"

"Hinimatay ka lang naman,"tamad na sagot nito at namulsa.

"B-bakit daw?"

"Tss!Am I a doctor?Tanungin mo yung dalawa,"sinipat nito sina Will at Matt na nakaupo sa tabi.

"Bakit?Doctor din ba kami?"sabat ni Matt.Natawa naman si Will.

"Ulol!"

Tinanong ko yung nurse na lumapit sa amin.

"Buti naman miss gising ka na."

Tsk...di ako nagising, ginising ako.

"Ano pong nangyari sa akin?"

"Meron kang Claustrophobia,
Miss.Paparating na po rito yung doctor mo.May mga sasabhihin sya sayo."

"Uuwi na ako.Hinihintay na ako tiyak ni Lola ngayon."Bumaba ako sa kama subalit pinigilan ako ng nurse.

"May sasabihin pa po si Dr. Darwin sa inyo.Saka, pupunta po yung lola nyo rito.Tinawagan na po namin."

Minataan ko si Alec.Humakbang sya palapit sa pinto."Aalis na kami.Wala kaming balak magtagal rito.Siguro naman quits na tayong dalawa ngayon.Niligtas kaya kita kay Prof.Wala ka nang dapat na ipaghiganti sa akin."

Di ko sya sinagot.Pero naiinis pa rin ako sa kanya kaya di ko pa rin magawang magpasalamat rito sa pagligtas nya sa akin.Kahit pa marami itong pasa sa katawan.Wrong, di naman pala kasi nyà ako niligtas. Rumesbak lang sya kay Prof kaya

"Kelan mo pa alam na ako ang fiancée ni Adam?"

"Ikaw ang fiancée ni Adam?" halos magkasabay na bigkas ng dalawa."Bat naman wala kang sinabi Alec?Yari tayo kay Adam nito."

Pagak na tumawa si Alec."It's okay, dude.Wala namang paki si Kuya sa kanya,eh.Fiancée lang naman sya."

Pinamulahan ako ng mukha.Bat ba nakakainsulto iyon sa pandinig ko?
Nakakainis si Alec.Sabihin pa talaga.

Tumunog bigla ang cellphone ni Alec."Hello, Lolo...Nasa school po.?What.Okay, okay.Saan po?Sa Veniz Hospital?"

Parang namumutla bigla si Alec.Sinipat nya ako ng tingin.Nasa kama pa rin ako pero nakaupo na.

Bakit ba?Bakit parang kinabahan sya?Teka, Veniz Hospital? Ito yun.Nasa Veniz kami.

Parang may mali.Kinabahan rin yata ako.Bigla namang tumunog ang phone ko.Si Lala ang caller.

"My dear, you picked up the phone. You're awake at last.Pinakaba mo naman ako, Tiana.By the way, nasa hospital na ako.Malapit na ako sa kwarto mo.Kasama ko si Ignacio."

"Po?"

"Yeah..Si Ignacio."

Napatay ko bigla ang phone ko. Sabay pa kami ni Alec na nilingon ang isat-isa.Tingin ko pareho na rin kami ngayon na namutla.Tingin ko alam na rin nito.

"Di ka pwedeng makita ni Lolo Ignacio rito.I told him di pa natin kilala ang isat-isa."

"He's not your Lolo.He's my Lolo."

Kainis.Nakikipag-agawan pa.

"Pwede ba?Umalis na kayo!Malapit na sila sa room ko!"

"Tara na, dude!"Hinila ng dalawa si Alec.Lumabas ang mga ito.Ako namay umalis na sa kama.Di yata ako mapakali.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now