RED BALLOONS

109 2 0
                                    

Nakasuot kami ni Alec ng sneaker shoes at hoodies at jeans nang gabing iyon.Kapwa kami may suot na backpack .Nakatayo kami sa parking lot habang hawak ko ang camera at sya naman ay hawak ang isang supot ng chips.Tahimik na tahimik ang buong paligid maliban sa bawat crack ng mga chips na nginunguya ni Alec.

"You think may makukuha tayo rito?"Tanong ko sa kanya.

Di ito sumagot kaya binalingan ko na sya.Binayo ko sya sa dibdib nang makitang relax na relax lang ito sa kakasandal sa bumper ng kotse kung saan kami nakatago habang kumakain ngchips.May earbuds pa na nakapaskil sa tenga nito.

"Ano to? Ako lang magtatrabaho ha?"bulyaw ko sa kanya at binayo sa dibdib nito ang camera.

Bigla nya akong hinigit sa bewang at takpan ang bibig ko."Shhhhh....ayan palabas na sila.''

Sinikap kong makawala sa kanya."Kelangan ba talaga takpan mo ang bibig ko?"asik ko.

"Kasi alam kong magtatalak ka,"sagot nito na seryoso nang inaabangan ang paglabas ni Adam sa exit door."Isuot mo ang hood mo.Mas makakabuti na isuot mo rin ang wig na nasa bag ko."

Tumikwas ang kilay ko.Seryoso nga sya.May dalang props eh.

Sumeryoso na rin ako nang makita kong lumabas na si Adam.May kasama itong babae na nakahawak sa bisig nito pero di naming makita ang mukha dahil natatkpan ito ng iba pang taong naglabasan.

"Sure ka ba talaga dito?"bulong ko sa kanya.

"Oo.Basta narinig ko sa kanila kanina na may dadaluhang party si Adam.Di ko alam kung sino ang date nya basta ang alam ko ay may dadalhin sya.Abangan nalang natin."

Ilang minuto pa kaming nag-abang hanggang sa naglakad na sina Adam at ang date nito palapit sa kotse na dala ng mga ito.Nakasuot ng red gown ang babae at nang lumingon ito sandali sa gawi namin ay noon ko lang napansin na pamilyar ang mukha nito. Sya yung babae sa party.Sya si Celine.

Nilingon ko si Alec.Di ko mabasa ang mukha nito."Susundan pa ba natin sila?"tanong ko.

"Yeah.Wag nating palampasin ang pagkakataon na ito dahil mas malaki ang posibilidad na may makukuha tayo sa kanila."

"Kahit na nasasaktan ka?"

"I'm done with her."Itinaas nito ang camera at kumuha ng ilang shots.Tahimik ko lang syang pinagmasdan.Humigpit ang hawak nito sa camera bago ito natigilan.

Inagaw ko sa kanya ang camera bago pa iyon bumagsak sa lupa."Enough for tonight."

Hinila ko sya at naglakad na kami pabalik sa iniwanan namin ng kotse nya.Tahimik lang kami habang naglalakad.May mga nakasalubong kaming mga bata na may mga dalang pulang lobo.Naghahabulan ang mga ito.Ang isang bata ay di sinasadyang nabunggo sa harap ko kaya nawalan ako ng balanse at muntik na akong matumba.Kasama kong nawalan ng balanse si Alec dahil magkahawak kamay pa pala kami hanggang sa mga sandaling iyon.Pero bago man ako mamudmod sa lupa ay nahawakan nya ako sa bewang.

"Sorry po,"paumanhin ng bata.Bago ito sumunod sa mga kasama ay kinuha nito ang kamay ko at inilagay doon ang tali ng dalawang lobo.Pagkatapos ay nawala na ito sa paningin namin.

"Tsss...''He hissed.Kinuha nito ang lobo sa kamay ko at tinitigan iyon bago pinalipad.

"Bakit mo pinalipad?"

"Yan si Celine at si Adam.Mula ngayon, kakalimutan ko na ang nangyari kahapon.Promise next time di na ako magpapadala pa sa emosyon ko.''

Tinitigan ko ang mga balloon na lumilipad palayo.Ganun din ang ginawa nya.Kahit na madilim ay pilit pa rin naming inaaninag ang direksyon na tinungo ng mga ito.Nasa tabi kami ng kalsada at may ilang kotse ang dumadaan sa harap namin.May ilang tao rin ang naglalakad at lumagpas sa amin.Binawi ko ang kamay ko mula kay Alec nang sya namang may humintong kotse sa harap namin.Nahigit ko ang hininga ko nang mapagtantong sina Adam at Celine ang lulan niyon.At ngayon ay pababa na sila.

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now