THE PLAN

121 1 0
                                    


T I A N A

Nagmumukmok ako sa kwarto nang ilang araw. Pati si Lala ay ayaw kong makita dahil alam kong galit sya sa akin.Alam nya kasi ang nangyari dahil sinabi ko sa kanya at gusto nya na bawiin ko akay Adam ang mga sinabi ko.Ayoko.I have said it and I will stand for it.

Pero ngayong araw na ito, papasok na ako kahit na di pa ako bibigyan ni Lala ng pera.Pakiramdam ko mababaliw ako sa loob ng kwarto ko at name-miss ko na rin si Cole.

Paglabas ko pa lang ng pinto nandoon na si Lala.Nakahalukipkip ito at malamig ang tingin sa akin.

"La please. Don't act like some bitch in a movie,"wika ko at nilagpasan ito. Sumunod sya sa akin sa hagdan.Binilisan ko pa ang mga hakbang ko.

"Tiana-"

I cover my ears."Please. I dony wanna talk about it!"

"O sige. Grounded ka.Bahay at skwelahan ka lang at di kita bibigyan ng pera. Ipapa-freeze ko rin ang account mo!"

I froze for a while but continued walking. Then be it. Marahil ay shock pa lang si Lala ngayon sa mga nangyari.Sooner , she'll understand me.

Dumating ako sa school na fifty lang ang pera sa pitaka ko.Di bale na, hihiram nalang ako kay Cole. Baka nga bibigyan pa nya ako ng pera.Galante naman ang babaeng yun.Pero pagpasok ko pa lang sa hallway ay kumalam na ang sikmura ko.Wala kasi akong hapunan kagabi.Di ako lumabas ng kwarto dahil ayokomg Makita si Lala.

Sige pa rin sa kakakalam ang sikmura ko habang naglalakad ako nang maramdaman kong may sumabay sa paglalakad ko.

"Tapos na ang araw ng pagmumukmok mo?"

I don't have to look at it. It was clearly Alec.

"You don't have to befriend me anymore.Wala na akong koneksyon sa pamilya mo," paalala ko sa kanya.

He grin."Alam naba yan ni Lolo?''

"Tell him."

"You tell him."

Natatakot akong sabibhin kay Lolo Ignacio ang pasya ko.Pakiramdam ko binigo ko sya gaya ng pagbigo ko kay Lala.

"I have a proposal. You don't have to tell Lolo about your decision. Sa totoo lang, duda ako kung papayag ba sya sa gusto mo. He gets what he wants. Whereas, if papaya ka sa gusto ko, sure ako na di mga matutuloy ang kasal nyo.''

Hinarap ko sya."Wala akong interes sa plano mo.Alam kong wala akong mapapala say-"

"Who knows?"

"Di nga!"

"Hear me first."

"No!" Binilisan ko pa ang lakad ko.

"We'll talk it over a meal."

I stop and turn to him. Just then my stomach growls.

He twitches his lips." Let us go then," wika nya at inakbayan ako pagiya sa canteen.Gusto ko sanang alisin ang braso nya sa balikat ko pero hinayaan ko nalang.May dala din kasi akong libro.

"Anong gusto mo?''tanong nya nang nasa counter na kami.

"Burger. Saka gatas."Tinuro ko ang isang pagkain doon na di ko alam ang pangalan." Bilhan mo rin ako niyan.Saka dalawa yung burger ha?''

"Naglilihi ka ba? Magkakaroon na ba ako ng pamangkin?"

"NO. I don't engage into premarital sex, okay?" Nakataas kilay na wika ko.

He smiled amusedly."Good.''

Ginulo nya ang buhok ko bago sya umorder.Tinitigan ko lang sya habang nagsasalita sya.Napatitig ako sa mga mata nya.Ngayon ko lang alam na gray pala ang kulay ng mga mata nya.Mataas na rin ang buhok nya ngayon, tumabon na ang ilang hibla sa noo nya.

"Don't go drool on me. Find some table for us."

I blush and turn my back from him.Pumwesto ako sa table na malapit sa wall na salamin kung saan kita namin ang ground.Nakita ko pa nga si Matt na may inaakbayang dalawang babae sa magkabilang balikat habang nagtatawanan ang mga ito.Maya-maya ay dumaan si Cole sa harap nito.Iniwan nito ang mga babae nito at sinundan ang kaibigan ko.

"May crush ka din ba kay Matt?"Tanong ni Alec nang malapag na nito ang mga pagkain namin. Napansin kong gatas lang ang inorder nito.

Di ko sya sinagot.Nilantakan ko na ang mga pagkain sa sobrang gutom ko.

"Wag ka nang makipaghabulan pa sa mga babaeng naghahabol sa kanya.Madadapa ka lang.Di ka papatulan nun."

"Sinong may sabing crush ko sya?"Tanong ko sa pagitan ng mga nguya ko.

"Every girl in this school does."

"Spare me. Di ko type ang mga playboy.At saka bat ba si Matt ang pinag-uusapan natin?Akala ko ba may proposal ka sa akin?"

Umayos ito ng upo."Okay. The truth is, may regalo si Lolo na ten million pesos sa kung sino man sa amin ni Adam ang maunang ikasal.Of course si Adam yun, dahil sya naman ang may gustong makasal.I am not the marrying type-"

"I know.Continue.

Tinapunan lang nya ako ng tingin." Ganito ang gawin natin. Wag mong sabihin kay Lolo na ayaw mong pakasalan si Adam.Dont say no.You break it. We will spy on Adam.Alamin natin ang mga sekreto nya at ibutyag natin yun kay Lolo.Para si Lolo mismo ang mahiya sa apo nya at mahihiya na ipakasal si Adam sayo."

"You mean he has secrets? Is he stealing the company?"

"I don't think so. But who knows? Saka di lang naman tungkol sa career nya.What about his personal life? Baka may girlfriend sya. We can tell Lolo that you can't marry him because he won't dump his woman."

''Is there any woman?"

"I don't know."

"Seriously? Magkapatid kayo pero di mo alam?"

"He is taciturn. At kahit naman ako ang magkagirlfriend, di ko naman pinapakilala sa pamilya ko."Lumagok ito ng gatas." Back to the plan. So ,ano payag ka?"

"What if we won't be able to find something against him? Sinasayang lang natin ang oras natin."

"We can set him up.Ipalabas natin na may girlfriend sya.Na may sinu-sinung babae sya.Easy lang naman."

"Ginagawa mo ba ito para di mapunta kay Adam ang ten million?''

"I need that ten million. After natin masira ang kasal nyo, magpapakasal ako sa ibang babae at magpapa-annul din after six months.That way, I will get the money."

I stared him for a while. I don't know why I get disappointed. He is cruel. He is a sly.I shook my head.

"I don't know what to say." Wika ko at nawalan na ng gana.Is he this disgusting?Tatraydorin nito ang Lolo at kapatid nito para lang sa pera.

"You don't want to be married with him right?"

I nod.

"And you still love Mac?"

"I don't know.Pero sasaya sya pag malaman nyang di natuloy ang kasal ko.Alam nya kasing napilitan lang ako."

"Then do this for your self.You want this ,right?You wanted this."

He was staring at me aggressively. His gray eyes looking straight into mine.

"You want this."

"Yeah, I want this," I hear myself whisper.

He gave me a cocky smile and we held a stare for a second. He is turning me into a sly one too.

aרp

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now