The Kiss

131 2 0
                                    

  

A L E C

  Just a kiss on your lips in the moonlight

Just a touch of the fire burning so bright

And I don't want to mess this thing up

I don't want to push too far

Just a shot in the dark that you just might

Be the one I've been waiting for my whole life

So baby I'm alright, with just a kiss goodnight

 " Oh, Shut the hell up, Tiana!"Sigaw ko.Kanina pa ako naririndi sa sintunado nyang tinig.Di ko alam kung saang music ang pakikinggan ko, ang kanta ba nya o ang music na Twerk It Like Miley na nasa loob ng bahay nina Mylene.

Tumawa si Tiana habang nakasalampak ito sa bumper ng kotse ko.Lasing talaga ito.Ako naman, kanina pa nababaliw sa kahahanap ng susi ng kptse ko.

"Tsssss,, inghhit kha lang.Kashi, maganda boshes kuh."

Tss, yabang.Kantahan ko kaya sya pag di na sya lasing para naman makatikim ng hiya ang babaeng to.Tingnan lang natin.

Bumalik ito sa pagkanta.

"Sabing tumahimik ka!"

"Alam mo Alex-"

"Alec," pagtatama ko.

"Alex."

"Alec nga."

"Aaaleeeec."

"O, ano?'

"Psshhh, nakakatawa ka.!Para kang baliw sha kakahanap dyan sha shusi mo."

Di ako sumagot.Hinanhanap ko pa rin ang susi ko.Lintik na, mahanap ko kaya yun?Ang lawak nitong bakuran nina Mylene.Ang daming tao at puno iyon ng bermuda grass.

Swerte ng babaeng to.Buhay reyna na nakaupo sa bumper ng kotse ko habang ako buhis-buhay sa kakahanap ng susi sa dilim.

"Just stop on searching that key.I wanna go home now."Pumadadausdos ito pababa ng bumper pagkuway tumayo na pero nakasupurta pa rin ang bumper sa likod nito.

"Paano naman tayo makakauwi?Nawawala nga ang susi,"paliwanag ko.

"Gusto ko na ngang umuwi,"singhal nito.

Di ko na sya pinansin.Pagtyagaan nalang, lasing eh.

"Hoy,Alliiiiiikkkk!!"sigaw nito.Nakaupo na ito sa damuhan kaya binalikan ko sya at pinatayo.Wala na talaga itong lakas.

"Walah khang modo,"narinig kong bulong nito habang nakatitig sya sa akin.Hawak ko sya sa magkabilang balikat para di ito matumba.

"Ungentleman, ruthlessh, shelf-shentered.Parehas kayong magkapatid,"dagdag nya at tinapik ang pisngi ko.Mabigat ang kamay nito kaya nasaktan medyo ang pisngi ko. "Si Adam, walang paki.Palibhasha..walang puso. Ikaw naman..."

Sandali syang tumitig sa mukha ko habang hawak pa rin nya ang pisngi ko.Napatitig na rin ako sa namumungay nyang mata.

"Meron ka namang puso sa tingin ko. Wala ka lang utak,"humagikhik ito at ang cute ng tingnan.Bahagya nya pa akong tinampal sa dibdib ko nang bigla itong nawalan ng balanse.Buti nalang nakahakbang ako palapit sa kanya at naagapan sya mula sa pagkakabagsak.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Tapos ang yabang mo!Ang feeling mo at-"

"At ang gwapo ko,"dugtong ko.

"Oo, ang gwapo mo.Ang gwapo mo nga,"tumatango-tango pa ito.

Napangiti naman ako.

"What did I say?"

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Where stories live. Discover now