Chapter 10: Goodnight

132 3 0
                                    

"Uwi na po ako lo,"paalam ko kay Lo Ignacio. Nakapagpaalam na rin ako kay Maam Ruth kanina.

Tumango ito."Pasensya ka na sa nangyari sa dinner Tiana.Don't worry babawi kami sayo."

Ngumiti ako at ginagap ang kamay ng abuelo.Ako ang naawa sa kanya ng husto.Siya yata ang labis na epekatado sa nangyari kanina.

"The dinner was so fine, Lo.Salamat sa pagkain."

Ngumiti ito."Kung buhay pa ngayon si Edu, siguradong masaya sya at malapit ka nang mag-twenty.Siguro ang saya nya ngayon dahil ikakasal ka na kay Adam."

Masaya nga siguro si Lolo Edu ko ngayon.Pero ako naman ang malungkot.Huhu.

Niyakap ako ng matanda.

"Nasa labas si Adam.Magpahatid ka sa kanya."

Tumango ako at lumabas na. Nadatnan ko sa garden si Adam na umiinom ng alak.Alam ko na di nya ako ihahatid.Tinapunan nga lang nya ako ng sulyap.

Tinanguan ko sya."Uwi na ako."

"Don't come back again,"wika nya paglampas ko kaya napatigil ako.Ang bastos nya po talaga.

"At di na rin ako magpapakita sa mukha mo.Harapin mong mag-isa yung made in china mong investor."

Tinaliman nya ako ng tingin." Tell me, magkakakilala ba kayo ni Alec?Imposible naman kasi na magkaaway na kayo kahit kanina lang kayo nagkita."Muli itong sumimsim ng alak.

"Di.Di ko kilala yung kapatid mong mas bastos pa sa iyo!"

He smirk."Really?Why do it sound so opposite?Bakit parang kilala ka nya?Bakit niyaya ka nya sa Black Bar?Di kaya....isa ka sa mga babaeng napaikot nya?"

Ito na naman sya, namimintang na naman sya.

"Sa totoo lang Tiana, ayokong pakasalan ka.Di kita ideal wife. Di isang kagaya mo ang gusto ko.Wala akong nakita sayo kahit isa na magugustuhan ko."

"Alam ko yun.Ayaw rin kitang makasama.Lalong ayaw ko sa kasal na ito.Pero may karapatan ba akong ayawan ito?Di ba wala?Ikaw lang ang pwede tumigil sa kasal na ito.So bakit di mo pigilan?"

Matagal nya akong tinitigan."Umuwi ka na,"biglang saad nito.

Wala talagang manners. Nag-uusap pa nga kami, pinapalayas na ako.

Lumabas ako ng gate.Parang uulan pa naman.Huhu.Ang lamig ng hangin tapos ang layo pa ng abangan ng taxi.Sana may maligaw na taxi rito.Kadalasan kasi ay mga sasakyan ang dumadaan.Puro mayayaman kasi ang nakatira sa subdivision na ito kaya may kanya-kanyang taxi.

Napabuntong-hinga ako.Makakasal ba talaga ako kay Adam?Di ko ma-imagine kung pano sya pakisamahan.

"Di ka inihatid ng fiancé mo?"

Nagulat ako at napatingin sa gilid.Si Alec pala, naningarilyo habang nakasandal sa pader.Tinapunan ko lang sya ng tingin pagkuway nilampasan.Isa pa ang isang ito. Akala nya nakalimutan ko mga pambabanat nya sa akin?

Patuloy lang ako sa paglakad. Malayo na rin ang nalakad ko nang mapansin kong sumunod sya sa akin.Tumigil ako at hinarap sya.

"Sinusundan mo ako?"

Tumawa ito."Okay sana kung sabihin mo yan kung nasa inyo tayo, nasa lugar ka kasi namin.Saka di kita sinusundan.Sayang ang mukha ko kung magmumukhang aso lang."

Inirapan ko sya.Nagpatuloy ako sa paglakad.Umagapay na ito sa akin.

"Saan ka ba kasi pupunta?"

Aiish, bat ko ba sya kinakausap?

My Wedding's Bestman(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora