“Sige po aalis po muna ako may nakalimutan lang po ako sa Boutique.”sabi ko kay Manang at lumabas ako ng kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Mom sa Hallway at nanlaki pa ang mata niya.

“Uhh.. Cornelia naka-uwi ka na pala?”tanong ni Mom, Napansin kong namumugto ang mata niya. Bumeso na lang muna ako bago ako bumaba at naabutan ko si Dad na nakatalikod at umiinom sa Bar ng kusina kaya naman pinipigilan kong umiyak at lumabas na lang ako ng pinto.

Dagli kong kinuha ang Car Keys sa may taguan at kinuha ang kotse ko palabas ng Garage namin at pinaharurot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto kong makalimutan yung pesteng sakit na nararamdaman ko ngayon. Di ko namamalayan na umiiyak ako habang nagda-drive napansin ko lang na umiiyak ako ng marinig ko ang hagulgol ko. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at pinress ko ang number 1 sa touch screen sabay lagay sa tenga ko. Please Colton kahit ngayon lang sumagot ka, Kailangan ka ng girlfriend mo!

After ng ilang tawag ko sa kanya ay wala pa ring sumasagot kaya naman naibato ko yung Phone ko habang umiiyak, Hininto ko naman ng madali yung kotse para kunin yung phone nang may bumangga sa likod ko kaya naman asar na asar ako.

“Will this day get any worse?!”bulalas ko habang pinupunasan ko ang luha ko sabay kuha ng phone ko at nilagay ko sa may shotgun seat ng may kumatok sa bintana ng kotse ko kaya naman lumabas ako at sumalubong sa akin ang galit na lalaki dahil nakasalubong ang dalawang kilay niya.

“What the hell is wrong with you?! Alam mo bang nagasgasan ang kotse ko!”galit na sabi niya at kinaladkad ako sa may kotse niya kung saan may gasgas. I just stared at him and i don’t care! Iyan lang ang problema niya, Iyang pesteng sasakyan niya na nagasgasan.

“Nagasgasan lang ang Kotse mo kesa naman sa kotse ko sinira mo yung bumper ko.”sabi ko sa kanya na gargal ang boses habang tinuturo ko pa yung bumper ng sasakyan ko, Mahahalata mo sa akin na umiyak ako dahil sure akong mugto ang mata ko at namumula ang ilong ko.

“Wow so kasalanan kong hininto mo yung kotse mo sa gitna ng daan tapos kapag nasira ang bumper sa likod ng sasakyan mo ay sisishin mo yung nasa likod?”sabi niya at halata ang inis sa kanya dahil sa tono ng boses niya pero ugh!

“Kung ang ikinapuputok lang ng butsi mo ay yung nagasgasan ko yang kotse mo, Eto pera ipagawa mo bwisit!”sabi ko sabay hampas sa dibdib niya ng ilang libo na nakuha ko sa wallet ko.

“Hindi ko kailangan ng pera mo dahil mayaman ako, Sorry lang ang kailangan ko mula sa‘yo.”sabi niya kaya naman lalo akong napaiyak. Peste bakit ba ang malas ko ngayong araw? My Mom Cheated, I can’t contact my Jerk Boyfriend and i met an Arrogant guy.

“Edi sorry na!”sabi ko sabay talikod at naglakad para pumasok ng kotse ko pero hinawakan niya ko sa braso ko peste.

“Okay na sana kaso parang hindi ka sincere saka kailangan sumigaw?”sabi niya kaya naman napaiyak na ko.

“Pwede ba wag kang pa-importante! Nag-sorry na yung tao hindi lang yang kotse mo ang problema sa mundo marami akong problema kaya pwede ba lubayan mo ko!”sigaw ko sa kanya sabay sipa sa kotse ko napa-upo naman ako sa sakit na naramdaman ko narinig ko pa siyang natawa ng maliit pero bwisit wala akong pake!

Tinignan ko muna siya ng masama bago ako sumakay sa kotse ko ng tuluyan at pinaharurot iyon. Umiyak lang ako ng umiyak peste sobrang sakit saka ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Kinuha ko ang phone ko at pinress ko ang number 5 for Shiela i think i need a friend. Wala pang ilang ring ay sumagot na agad siya.

“Hey i thought magpapahinga ka?”bungad niya sa akin kaya napa-singhot ako para medyo maaayos yung usapan.

“Shiela meet me at Bar-O-Mega.”sabi ko kay Shiela sa kabilang linya.

My Guy (series)Where stories live. Discover now