VII- The Mother Clown

14.8K 583 21
                                        

Bago mag-start ang klase, pumasok ulit 'yong nerd na inutusan ni Ms. Tan para ipatawag ako sa D.R.

Ipapatawag nanaman siguro ako dun.

"Booey, pinapatawag ka sa principal's office." Lahat nakatingin nanaman sakin. May ibang nakalagay sa pagmumukha ang salitang, 'buti nga' at 'yari ka!'


Teka--- Principal's Office?
 

 

Tumayo nako agad at iniwan si nerd. Pumunta na ako sa office ni Magalpoc. Ano nanaman kaya problema niya?

Nasa labas pa lang ako ng principal's office, pero naririnig ko na 'yong nagwawala sa loob.

Pagbukas ko ng pinto.

"How dare her do this to my daughter?!" sabi ng babae habang dinuduro-duro si Magalpoc.

Tuluyan na akong pumasok at dahan-dahang sinara ang pinto.

"There she is mom! Ang kapal ng mukha niya!" sumbong ni clown pagkakita sakin

Una kong reaksyon? NATAWA! HAHAHAHA! Bigla akong nalito, clown ba siya o panda? Hahaha! Bumagay sa kanya 'yong black eye niya.




Nanlilisik naman ang mga mata ng nanay niya na lumingon sa akin. "IKAW?! HOW DARE YOU TO HURT MY DAUGHTER?!" tsaka ako dinuro, na parang balak pa atang tusukin ang mga mata ko gamit ang kuko niya.

Idinistansya ko ang ulo ko bago pa niya tuluyang matusok ang mata ko, "Excuse me, mother of all clowns, how dare her hurt me FIRST." tsaka ko tinabig 'yong daliri niya.

"ABA! BASTOS KA AH!!" akmang sasampalin na ako pero maagap si Magalpoc at pinigilan niya 'to.

"Mrs. Rojas, you can't do that!" na napatayo na sa upuan niya.

Sinenyasan ko si Magalpoc na wag makialam.

"How dare you? Sino ka ba? Manahimik ka diyan!" pagtataas niya ng boses kay Magalpoc na napalunok pa.

Binalingan niya ulit ako, "Ikaw, hindi mo ba ako kilala? Ako ang Vice President ng company na nag-mamay-ari ng school na 'to" turo niya sa sarili niya. Hindi na siya nakasigaw pero bawat salit niya ay may diin.

Natawa si Magalpoc pero hindi niya 'to pinansin, umismid lang siya.

Akala ko President na siya ng company NAMIN eh. Hiyang-hiya naman ako sa posisyon niya. Eh kung bukas kaya janitress na lang siya doon? Noong una, wala akong pakialam sa bali-balita na inis ang ibang employee sa VP, pero ngayon, humanda siya sa'kin. Dejoke lang. AHHAHA! Boss na boss daw ang peg nitong nanay clown na 'to eh. Purket wala si daddy, feeling niya kanya na 'yong company? Daddy ko ang may hawak sa companies, si mommy naman sa schools.

I raised my eyebrow on her.

"Calm down Mrs. Rojas, andito po tayo para pag-usapan ng mahinahon 'to." sabi ni Magalpoc para awatin sa pag-hy-hysterical nanay ni clown.

"YOU SHUT UP! ALALAY KA LANG NAMAN NA PINAG-ARAL AT BINIHISAN!"

Halatang na-offend si Magalpoc sa sinabi niya kaya tinignan niya ako na para bang pinapahintulutan ako na gawin ang kung ano man ang gusto kong gawin sa kanya.

Nainis din ako sa narinig ko. Si Magalpoc kasi, anak ng labandera ni lola na pinag-aral niya. Nag-iisa 'tong anak. Mas matanda siya kay daddy at nung bata pa ako, siya rin ang nag-aalaga sa'kin. Tsaka, Magalpoc tawag ko sa kanya, kasi nung bata ako, hirap akong i-pronounce pangalan niya. Robredrigo Magalpoc, yan pangalan niya. -_- diba? Hirap i-pronounce? Oh, anyways.. Walang karapatan 'tong clown na 'to bastusin si Magalpoc! At, sa office pa niya mismo! Aba! Kahit kelan, hindi ko binastos 'yan at pinahiya! Balahura lang ako makipag-usap sa kanya pero naiintindihan niya naman ako.


The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now