VI-The job, the girlfriend and the abnormal

20.2K 624 25
                                        

Pagtapos naming magmall pumunta kami sa bar ng mga kaibigan ni ate. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bar, maliban kasi sa hindi ako taong bar, hindi naman ganito ichura ng mga bar sa nakikita ko sa TV.

Building siya na may 3 floors. 'yong pinakamataas na floor, o ang "TOP" na tinatawag, doon nagchichill ang mga may-ari nito parang office nila 'yon.

'yong gitnang floor, ang tinatawag na "MID" dito ang mga tao na kung mag party ay mild lang parang chill-chill lang. Banda tapos inuman sa tables.. mga ganun. Ang hirap mag-explain pag hindi ka pa talaga nakakapasok sa mga bars. T_____T Game.

Last floor, 'yong pinakababa, o ang tinatawag na "BOT" dito 'yong mga party pips. Hard party ang naghihintay doon, DJ's, dancefloors, poles, at kung ano-ano pa.. Sa baba. May bar din doon for drinks para hindi na kailangang umakyat sa second floor para sa food and drinks, hassle masyado pag ganun. Hindi rin rinig 'yong ingay sa baba kasi sound proof ang mga dingding dito at pinto. Pag gamer ka daw, alam mo ang meaning ng mga pinangalan nila sa bawat floors.

Andito ako ngayon sa "MID", hinihintay ko 'yong resulta ng test. 'di ba nga kasi nag-apply ako? Mukhang palpak eh. HAHAHAHA! Aynaku! Sana makaisip sila ng trabahong pwede kong gawin dito. Nababagot na kasi ako sa bahay. Pinapanood ko asawa ni ate na kumakanta sa stage habang umiinom ng iced tea.

Sa tabi ng stage, may "BIG SCREEN" dun, doon pinopost 'yong shout outs or mga requests nilang song. Ang gamit nila tablet na nakapaloob sa table, sa bandang gilid para hindi matakpan ng bottles or plates, para siyang nakalibing doon tapos protected para if ever may tumapon hindi mababasa. May dalawang tablet per table. Hindi ko alam kung ilang tables ang nandito.. Sa hindi VIP na table yan ah? Kaya mas sosyal sa VIP tables. Hindi mananakaw 'yon. Alangan namang baklasin nila 'yong lamesa? Tsaka puro mayayaman ang nandito. Mga anak ng maiimpluwesyang tao ang nandito, siguro naman hindi na nila pagdidiskitahan 'yon. Pag mag popost ka, bawal sunod-sunod. After 30 mins ulit bago makapag post ulit. Hightech 'no? Wala pa 'yan. Tinatamad lang akong ikwento 'yong ibang ka-hightech-an dito.

Nagbasa muna ako ng mga shoutouts.

"Ang gwapo mo talaga!! ^_^ :"> <3 //Ms.Aika_0001"

"Date me please! <3 //Kynaaaa01"

Ano ba yan? Mga walang kwentang posts.

'Can you sing Marilyn Monroe by NIcki Minaj, please? (*^*)"

Malapit ng matapos 'yong song ni kuya. Hindi! Tapos na pala.

"Sorry, I can't--" pinutol ko 'yong pagsasalita niya.

"Kuya!" Tawag ko with matching taas kamay

"Booey?" mukhang ngayon lang niya ako nakita.

Lumapit ako sa stage, "Ako kakanta, alam ko 'yon"

He gave me are-you-sure look. Wala pa yatang tiwala sa boses ko 'to.

"Yeah. Just give me the damn mic!" Nagpadyak pa ako kasi, nakakahiya mamaya sabihin ng tao umeepal pa ako dito sa stage.

tumawa siya.

"Sige, kahit kailan napaka bully mo." Iiling-iling niyang sabi tsaka inabot ang mic.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Where stories live. Discover now