Chapter 1: Isip Bata

8.4K 104 2
                                    

Saturday.

"Nasa pilipinas ka na ba?" Tanong sakin ni kuya, nasa airport na ko ngayon dito sa Pilipinas, ang bigat ng maleta ko sa totoo lang, wala bang may gustong tumulong kahit saglit lang? Porket ba ganito itsura ko kailangan tignan lang nila ko habang nahihirapan sa pag buhat ng bagahe? Nababaliw na ata ko, pati sila dinamay ko sa mga bagahe ko baliw ka na talaga Cassey.






"Yes kuya kadadating ko lang" Salamat at nakadating din ako sa exit, at nakita naman na ko ni manong driver, private driver namin siya at tinulungan nya ko hilahin yung mga bagahe ko.

"Good, Im sure you will be a loner again, mag ingat ka dyan nerdy ha" Nerdy talaga? At ano daw? Loner? Thanks kuya, I know it matagal na kong loner, kaya wag ka nang tatawa tawa diyan.

"Stop calling me nerdy!" Narinig ko siyang tumawa at agad nya ng binaba yung phone, naalala ko tuloy si superman, asan na kaya siya? Matagal na nung pumunta ko ng Korea para doon na mag aral simula nun di ko na siya nakakausap, seven years old pa lang kaibigan ko na sya hanggang mag ten years old ako, lagi nya kong pinagtatanggol, but sa tatlong taon naming pagkakaibigan, di ko alam yung real name nya, pati siya di niya alam yung sakin I know him as Superman, and he knows me as Princess.

"Mam? Tara na po?" Napalingon naman ako kay manong, tsk masyado na atang malalim yung naiisip ko at di ko na siya napansin, sumakay na ko agad sa kotse nakatingin lang ako sa labas, hanggang sa madaanan namin yung isang park kung saan malapit lang sa village namin.

"Manong, stop the car" Napatingin sya sa rare mirror.

"Bakit po mam?"

"Bababa ako, mauna ka na sa bahay susunod ako malapit naman dito yun eh, please?" Napakamot naman siya ng ulo at nag nod, napangiti naman ako agad at bumaba sa kotse at dumiretso sa park.

"Memories" Bulong ko sa sarili ko, ewan ko ba kung bakit gusto ko muna dumito kahit saglit lang, ang pumasok lang sa isip ko ay ang memories, alaala namin ni superman dito, dito kasi kami nag lalaro noong bata pa kami ang alam ko about him mahilig siya sa aso, pero ako ayoko nun kasi takot ako.

"Arf! Arf!" Ano yun?! Aso?! Ay hindi Cassey daga yun daga, meron na kasing dagang kumakahol ngayon.

"Arf! Arf!" Halos mapatalon ako sa gulat, shems! Aso nga! Anong gagawin ko? Pag nakipag titigan ako sa kanya baka akala niya hinahamon ko siya, pag huminto lang ako dito at di siya pinansin baka manginig lang ako sa takot, pag tumakbo naman ako, malamang hahabulin ako niyan! I just closed my eyes, di ako gumagalaw alam kong muka na kong ewan dito pero, Lord please wag muna ngayon? Stay that dog away from me.

"Princess!" Napamulat ako sa narinig ko, sandali? Princess?! Ako yun! (Oo ako lang talaga ang may pangalan na ganon) nilingon ko yung nag sabi ng princess, ayy yung aso pala, lintek na aso to nakapangalan ko pa lalaki pala yung amo niya? Well gwapo at.. ewan parang may kamuka sya.

"Miss? Sinaktan ka ba nung aso ko?" nganga lang ako dito, eh kasi! Ang gwapo nya pala lalo na pag malapit sya sayo nakaka melt. Ang landi ko na.

"Huh? H-hindi naman" yung mata nya yung lips niya lahat! He looks like... ewan basta may kamuka talaga siya. Maybe si Adonis?

Dub. Dub. Dub. Dub.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, sobrang bilis ng tibok ng puso ko ewan ko kung bakit pero feeling ko ma heart attack na ko.

"Ah, kala ko kasi nilapa na nya yang muka mo, parang nilaspag kasi ng aso eh" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, akala ko mabait tong hinayupak na to?! Sobrang kabaliktaran sa itsura niya!

HINDI NA PALA SIYA GWAPO. ANG PANGIT NA NIYA! SOBRA!

"Tss" Sabi ko at umalis, baka kung ano pa masabi ko dun. That boy, sinira nya yung araw ko! Isama mo pa yung pesteng aso niya! Dahil sa kanila nasira yung moment ko dun sa park! Nag eemote pa ko eh tapos maninira, a perfect timing.

Behind Her GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon