Chapter Twenty Three

2.4K 36 1
                                    

Paalis na kami para mag enroll, buti wala dito si xyron kaya medyo tahimik, ako na nag drive, para masanay ako.




"oo nga pala cass, saan naman tayo mag aaral?" excited na tanong ni sofia, buti nga pumayag yung parents nya na dito sya mag aral.




"sa Empire University, sikat na school yun dito, walang bully doon at puro rich kids ang nag aaral" [alam nyo yung the heirs? yung university doon, yun yung school nila. ;)]




"eh si xyron? doon na din?" suus, curious ata sya huh?




"oo, doon naman kasi talaga nag aaral yun eh" napasimangot naman sya agad.





"psh, may mang bubully na sakin doon" sabi nya sabay cross arms tapos naka pout pa.





"hahaha, late na nga tayo sa pag enroll kaya for sure sa least section tayo mapupunta neto, ahmm siguro doon, may bully" sabi ko sa kanya kaya nanlaki naman ang mata nya, nagulat pa sya? eh naranasan na nga nya mang bully noon, pero pag papanggap lang. Hahaha.






"yang kups na yan? least section ba sya?" kups? ok gets ko, si xyron yan.






"hindi, matalino kasi yun" umirap naman sya, and I know na di sya naniniwala na matalino yun, may utak pa din yun kahit na mahangin.






"matalino, psh" tumawa lang ako.






"andito na tayo" agad naman syang tumingin sa school, for sure nagandahan yan, pagkababa namin nakita agad namin yung mamahaling kotse ni xyron, pagkatapos nyang ipark yun bumaba na sya at may kasama pang lalake-- not just lalake, GWAPONG LALAKE.






"oh, nandito na pala kayo insan, wait meet my friend ang kasing gwapo kong friend, Aldrin Enesio, filipino sya" nag roll eyes naman si sofia.






"hi nice to meet you" sabi nung Aldrin sabay offer ng hands sakin, nakipag shake naman ako, ang lambot ng kamay nya ha.






"nice to meet you too" sabi ko, nginitian lang sya ni sofia at ngumiti din sya.






"so, m-may boyfriend ka na?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.






"ha? ah w-wala hehe" ngumiti naman sya sabay nag nod, hinawakan naman ni xyron yung braso ko at hinila ko papunta sa likod ng school.






"insan, mukang type ka nyan, pag niligawan ka mag paligaw ka lang, mabait yan" sinamaan ko naman sya ng tingin.






"xyron ano ka ba! alam mo naman na.." di ko matuloy ang sasabihin ko.






"ano? si drake? alam mo nabanggit sakin ni Karl na ipapakasal na sya kay Den? Divine?.. ano nga uli yon?" I sigh.






"Deserie"






"ayun! tama, oh malay mo ipakasal na sya dun kay Deserie, oh wala nang pag asa insan" sakit nun ah.






"di sya mag papakasal dun, dahil sinabi nya na mahal nya ko" tinignan nya lang ako.






"pasalamat ka gwapo ako kaya mag kekwento ako" Connection Failed 101.






"ge lang" walang gana kong sagot.






"alam mo, ang sabi mo saakin diba pwede na sya mag ka amnesia? oh pano kung matuluyan yun?" nalungkot ako agad sa sinabi nya, napayuko na lang ako at nag salita.






"tama na nga, mag eenrol pa kami" sabi ko at umalis na, pagkatapos namin mag enroll umuwi na kami agad, pano kung makalimutan na nga nya talaga ko? oh kaya naman mag pakasal na sya kay Deserie? alam kong isa doon ay posibleng mangyari, dapat ko na siguro syang kalimutan, magiging matatag na ko, hindi na dapat ako yung Cassey na mahina, dapat maging ready ako sa mga pwedeng mangyari.






You need to change Cassey, I need to change.






**




"sa Monday na start natin sa class, dapat talaga ready tayo ha new friends doon" sabi ni sofia habang kumakain ng potato chips.






"I have to tell you something sof, how can I change? I mean is, I need to be strong" sabi ko sa kanya, for sure makakatulong sya sakin.






"wait, nose bleed cass ha, change? so sa tingin mo makakatulong ako dyan?" nag nod naman ako.






"yes, basta please baguhin mo ko, ayoko na maging mahina, isa pa, ako na mag hahandle ng company namin tapos yung sa balak pa namin ni kuya na Flower Shop mahina ang loob ko sa ganon" she sigh at lumapit sakin.






"ako ang bahala sayo my dear friend" sabi nya sabay hinawakan yung buhok ko.






"medyo boring yung fashion mo, dyan muna tayo mag start, follow me" sabi nya sabay punta sa kwarto, sinundan ko naman sya at pinaupo nya ko sa upuan na nakaharap sa salamin.






"ang tao kasi, nag babase sa itsura, if you wear manang clothes they will call you chipipay or jologs, if you wear clothes na medyo o.a at wala na sa uso, they will call you trying hard sa fashion" grabe ang haba ng sinabi nya, ano to? may speech ba sya?






"so, anong katauhan ang ibibigay mo sakin?" she smiled, tapos lumapit sakin.






"just wait and see, cass" sabi nya at kumuha ng gunting, teka anong nasa isip nya?! "a-anong gagawin mo?"






"eto naman! lalagyan ko lang ng shape yang hair laluu mo, ang boring kase" kailangan pa ba yun? aist, bahala na nga sya may alam eh, agad naman nyang ginupit gupit yun, nung nakita ko ang ganda ng kinalabasan.






"what's next?" sabi ko, kumuha naman sya ng eyebrow pencil, infairness ang dami nyang gamit ha.








"inahitan nga yung kilay mo, di naman maganda, well ako ng bahala dyan" so panget pa din ako ganon? tinuruan nya ko kung pano mag shape ng kilay, grabe ang taray ng kinalabasan.






"next is, your.... no offense ha, straight ka be" straight? anong straight?






"straight?" tumawa naman sya.






"walang shape yang bewang mo, wala kang abs ano ba yan cass" tinignan ko naman yung tyan ko, oo na.






"bakit parang lahat na lang kailangan ng shape?" she laugh.






"ano ka ba! ganon talaga yun, teka bago tayo mag gym, turuan muna kita mag lakad-- with heels" nanlaki ang mata ko dun, oo gumanda nga ako pero di ako nag suot ng heels nun.






"here suotin mo yan" nung una, mababa lang yung heels na pinasuot nya sakin, nung tumagal pataas na ng pataas, seriously? at kailangan may libro pa talaga sa ulo? ano to? sasali ba ko sa beauty pageant?






"yan! oh pak! keri mo na! matuto ka din kumain ng pa sosyal, mag salita ng sosyal, manamit ng sosyal" napataas naman kilay ko.






"ano ba kasing katauhan ang gagawin mo sakin?" ngumiti sya at lumapit sakin.






"malditang cassey"






xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now