Chapter Fourteen

2.7K 56 1
                                    

Baby? tinawag ako ni kyle na baby, sabay nag I love you pa sya sakin gaad! Ikennat. masyado ng humaharot yung soul ko hahaha!

"sige bestie una na ko ah, may gagawin pa kasi ako sa bahay, ingat ka sa pag uwi" sabi sakin ni Colleen, sabay alis.

Habang nag lalakad ako sa Corridor nasalubong ko sila sofia, with her alipores. tss.

"oh Look who's here" pag lingon ko nakita ko si Sofia, talaga bang di nya ko titigilan? kainis na to ah.

"ano nanaman?" sabi ko sa kanya.

"masyado ka naman atang nag susungit dear?" I rolled my eyes, ano ba talagang gusto nya? away? sorry pero di ako war freak.

"what do you need?" she get my bag sabay takbo, eh gaga pala yun eh! ano bang trip nya sakin! argh! leche! hinabol ko sya agad ewan ko kung san san na sya lumiko.

"hey!" sigaw nya at nakita ko naman sya agad sa harap ng library, kukunin ko na sana yung bag ko kaso hinagis nya sa loob ng library at nung kukunin ko na yun sa loob bigla nyang sinara yung pinto, sinusumpa ko na talaga sya! ang dilim pa naman dito, huhu..

"m-may tao ba dyan?" luma na din kasi tong library na to kaya wala ng tao, puro sirang libro nandito, nasa 2nd floor pa kasi yung bagong library.

"meron" kinilabutan ako sa narinig ko, pawis na pawis na talaga ko! lumapit ako sa pinto at pinilit kong buksan yun pero ang tindi ng pagka lock, gaga ka talagang sofia ka!

"what the hell are you doing? di mo mabubuksan yan" gaad! pati multo nag tataglish?! di ko na kaya to! pinilit ko pa din buksan yung pinto pero ayaw talaga, humarap na lang ako, di ko makita yung muka nya kasi madilim.

"sige, patayin mo na ko, tanggap ko na, na mawawala na ko sa mundo kung papatayin mo ko please wag yung brutal" narinig ko syang tumawa tapos tumigil agad at lumapit sakin as in sobrang lapit sabay binuksan nya yung ilaw.

"drake?" ngumiti naman sya, sobrang lapit na nya sakin, onting maling galaw ko lang mahahalikan na nya ko.

"tayong dalawa lang dito, naka lock yung pinto, walang storbo" tangg! anong pinapahiwatig neto!? sapakin ko na kaya?!

"bitch" bulong ko sa kanya kaya tumawa sya ng malakas, at lumayo sakin.

"HAHAHAHA! bakit? anong feeling mo? itataya ko sayo ang kaluluwa ko? No way!" sabi nya sabay tawa.

"ha-ha-ha-ha-ha, bwiset ka, kung ano anong sinasabi mo! bastos ka talaga!" sabi ko.

"woah, ako bastos? eh bakit ka nag bablush huh?" sabi nya at napahawak naman ako sa pisngi ko, mainit nga pero di ako nag blush!

"ang dami mong alam eh noh! eh kung tulungan mo na lang kaya akong buksan tong pinto?!" umupo naman sya sa mahabang upuan sabay relax, wala talaga syang kwenta.

"alam mo di natin yan mabubuksan" tinignan ko lang sya ng masama.

"pwede ba? wala ka namang natutulong kaya tumahimik ka na lang, Tulong! na lock kami dito oh" sigaw ko, pero parang wala namang nakakarinig. binuksan ko yung cellphone ko titext ko sana si kuya kaso, walang signal, jusko naman! parang scripted na tong buhay ko ah!

"wala na tayong magagawa" sabi ko sabay upo sa sahig.

"mamayang gabi pa tayo makakalabas" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, seriously? mamayang gabi pa?!

"aish! ang malas naman oh!" sabi ko sabay bato ng bag sa malayo.










[Now Playing: I wont Give Up by Jason Mraz]

"kamusta naman yung Baby mo?" tanong nya ng di nakatingin saakin, tumaas agad kilay ko dun. "wag mo na ngang sagutin, baka kiligin ka pa dyan" sabi nya sabay pikit, napaka abnormal nya talaga ano bang pinag sasabi nya.

"tigilan mo nga ko" sabi ko sabay irap.




"pinagpalit mo na si superman" sabi nya habang naka pikit pa din.




"di ba ikaw na ang may sabi na kinalimutan na nya ko? diba ang sabi mo he hates me?" tumingin naman sya sakin ng nakakunot ang noo.

"balang araw malalaman mo din kung bakit nya yun ginawa" sabi nya.

"bakit? ano bang dahilan at ginawa nya yon? kinalimutan ko na sya pakisabi na lang" sabi ko sabay pikit, nakakaantok kausap to.

"di na kailangan sabihin kasi narinig na nya" ano daw? napadilat ako sa sinabi nya.






"ano?" sinamaan naman nya ko ng tingin.







"bakit? may sinabi ba ko? kung ano ano na naririnig mo, sabi na nga ba eh may multo talaga dito" napatayo ako agad at umupo sa tabi nya, pero di naman ganon ka lapit.

"wag ka ngang manakot!" tumayo naman sya, tumayo din ako.


"pwede ba? wag ka ngang maingay, naiirita na ko sa bunga nga mo" sabi nya at nilagay yung kamay nya sa bulsa nya.

"eh kasi nananakot ka! may narinig naman talaga ko eh, di ko lang talaga maintindihan" tinignan nya lang ako, yung tingin nya nakakatunaw, oo aaminin kong gwapo sya kaso badboy.

"kaya di mo maintindihan kasi, language ng mga kaluluwa yun, may namatay pa naman dito" napakapit na lang ako sa braso nya.

*Boogsh!* Nakarinig ako ng malakas na pag bagsak ng bagay sa loob ng library kaya di ko napigilang sumigaw.

"oh my gaaad! help! paalisin nyo na kami dito please!" sigaw ko.

"pwede ba wag ka maingay!" sigaw nya.

"aaaahhhhh!!! may multo talaga dito!" sigaw ko ulit.

"I said shut up!" sigaw nanaman nya.

"hindi may multo talaga di--" ewan ko kung bat di ko natuloy yung sasabihin ko, ang alam ko lang hinalikan na nya ko pero bakit di ko sya sinampal? tinulak? or sinapak? bakit parang may pumipigil sakin? bakit parang gusto ko pa tong ginagawa nya? pagkatapos nun lumayo sya agad.

"I told you to shut up, pero di ka nakinig" sabi nya sabay iwas ng tingin sakin.

"pwede mo namang takpan yung bibig ko ah! bakit kailangan mo pang halikan?!" sigaw ko habang hinahampas ko sya sa braso.

"ganon ako mag patahimik ng mga babaeng tulad mo" he said sabay roll eyes.

"hoy anong ginagawa nyo dyan? lumabas na kayo!" narinig ko yung teacher, hays sa wakas at may nag bukas na din ng pinto!

"sorry mam na lock po kasi kami dito" sabi ko.




"sige na lumabas na kayo dyan!" sinamaan ko lang ng tingin si drake at agad ng lumabas ng library.

Yung First Kiss Ko, Wala Na.

3rd Person's POV

"oh ano na lock mo ba sila doon sa library?" tanong ko sa kanya.

"oo! I think masaya yun haha!" sabi nya sabay apir.

"alam nyo dapat kase pinadlock na natin yung mga kamay nila sa isat isa eh" sabi naman ng isa ko pang kasama.



"babe, easy ka lang, aaminin din ni drake yung nararamdaman nya para kay cassey" sabi ko sa kanya.








"ang tagal naman kase! kailangan pa talaga ng kung ano anong operation chu chu" tumawa naman yung isa pa naming kasama.








"basta para sa DraSey, operation tangal torpe! hahaha!" sabi nya at tumawa naman kami.






xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now