Chapter Nine

2.9K 54 2
                                    

"Cassey is that you? ang ganda ganda mo na!" sabi ni sir, at lahat ng classmates ko nakatingin sakin at gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko.


"I told you sir!" sabi ni Colleen. si sir naman tuwang tuwa. at ayun, nag start na yung class kaso wala pa din dito si bubuyog, what's wrong with him?

"Bestie, asan si Alcantara?" tanong ni Colleen, kanina ko pa nga iniisip yun.

"ewan ko bestie eh, kanina kasi habang kinakausap ko si kyle nag walkout" ngumiti naman sya ng nakakaloko.

"nag seselos yun!" napataas naman yung isa kong kilay, sya magseselos? Funny.

"hindi nag seselos yun, baka pumaraan lang para makapag ditch class" nag nod naman sya.

"sabagay, badboy yun eh, pero iba talaga yung kutob ko eh haha" baliw din pala talaga to.

"bestie wag ka ngang ganyan" tumawa lang sya at ng wave sabay alis. habang nag lalakad ako sa corridor may humatak sakin papunta sa loob ng c.r tinakpan nya yung bibig ko ng kamay nya. di ako maka galaw sa takot.



"wag kang gagalaw, at kahit anong mangyari wag kang sisigaw" tanga ba sya? pano ako sisigaw eh tinatakpan nya yung bibig ko? maya maya may nakita kong apat na lalaki, mukang may hinahanap sila mas lalo naman nyang hinigpitan yung hawak sakin, di kaya hinahanap ako ng mga to? pero bakit? nung nakaalis na yung mga lalaki binitawan na nya ko at humarap ako sa kanya.

"drake?" di sya tumitingin sakin, pawis na pawis na sya tapos may sugat yung gilid ng labi nya.

"umuwi ka na" aalis na sana sya kaso hinawakan ko yung kamay nya kaya tumigil sya.

"bakit mo ginawa yun?" nag salita sya pero mahina lang at di nakatingin sakin.

"basta, tandaan mo lang kahit badboy na si Superman sya pa din ang savior mo" sabi nya sabay alis, di ko naintindihan yung sinabi nya dahil napakahina at di pa sya nakatingin sakin. tinext ko si kuya para sabay kami umuwi di ko kaya umuwi ng mag isa natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Pag ka uwi namin ni kuya sa bahay, agad na kong dumiretso sa kwarto ko, di ko na binanggit sa kanila yung nangyari kanina kasi siguradong mag aalala lang sila, at isa pa di ko naman sigurado kung ako ba talaga yung kailangan nila.



*Beep!*

From:
Bestie/Colleen

Pumunta ka sa park dyan sa Village nyo ngayon na.

May problema ba sya? di naman sya ganyan mag text eh, nag bihis na ko at agad pumunta sa park hinanap ko sya pero wala sya dun, sinubukan ko na lang syang tawagan para malaman ko kung sya yung nag text.

["hey bes! bakit?"]

"tinext mo ba ko na pumunta sa park?"


["huh? hindi ah, nawala nga tong cellphone ko pero buti tumawag ka kaya narinig ko kung saan na nakatago"]


"t-talaga?"


["oo! at bakit naman kita papapuntahin dyan eh nasa school ako tumutulong gumawa ng pangdesign para sa contest"]


"ah ganon ba? sige uuwi na ko" sabi ko at inend yung call, aalis na sana ko kaso may nag takip nanaman ng bibig ko at ngayon may panyo na, ewan ko ba bigla na lang ako nahilo at nawalan ng malay.




--


Pagdilat ko nasa isang warehouse na ko, nakatali yung kamay ko sa likod ng upuan.

"Tulong!" kahit alam kong walang makakarinig saakin dito sinubukan ko pa din sumigaw.


"oh, gising na pala ang prinsesa?" nagulat ako sa nag salita.

"s-sofia?" tumawa naman sya.



"surprised? nandito ako para bawasan yang kagandahan mo masyado ka ng lumelevel sakin at masama yun" sabi nya sabay tawa, nakakainis sya! gusto ko syang sampalin, dahil lang sa mas maganda ko sa kanya gagawan nya ko ng masama?!


"let me go sofia! baliw ka na!" tumawa nanaman sya.


"oh really? but sorry dear I just need to do this ok?" sabi nya at nilabas yung malaking blade sa bag nya, nakaramdam ako ng matinding kaba wala na kong nagawa kundi umiyak.


"susugatan lang naman kita sa muka eh, konti lang naman at di yun masakit, Hahaha!" sabi nya habang papalapit sakin, baliw ba sya?! ano bang pumasok sa isip nya at nagkakaganyan sya?!


"kung gusto mo ikaw na lang sumali sa contest! wala na kong balak sumali doon!" she laugh, rinig na rinig yung tawa nya sa buong warehouse.

"no need dear, I'll just give your Fvckin face a little scar" sobrang lapit na ng blade sa pisngi ko, alam kong wala na kong magagawa dahil baliw tong kasama ko.


"Sofia!" napatingin kaming dalawa ni sofia sa nag salita, si kyle. lumapit agad si kyle kay sofia at inagaw nya dito yung blade at tinapon sa malayo, tumakbo naman agad si sofia habang umiiyak.


"sinaktan ka ba nya?" umiling lang ako, chineck naman nya yung muka ko kung may sugat, pagkatapos nun tinanggal na nya yung tali sa kamay ko.

"tara na, dadalhin kita sa ospital" kahit na ayaw ko dinala nya pa din ako dun, wala naman akong sugat pero nahihilo pa din ako dahil sa pangpatulog na nasa panyo na itinakip sa ilong at bibig ko.


"pinainom na po namin sya ng gamot sir, kailangan nya lang po mag pahinga" sabi nung nurse, nag nod naman si kyle at umupo sa tabi ko.


"ok ka na ba? sabihin mo kung gutom ka na ah" oo! gutom na ko! gutom na gutom na! gusto kong kumain ng fries, pancake, salad, burger, chicken at marami pa!


"hindi pa naman ako gutom" sige lang cassey tiisin mo pa ng bongga.


*buuurrpp* Yah! yung tyan ko kumukulog! hahaha! nakakahiya shit.

"I know youre not" sabi nya sabay ngiti, huhu sobrang laking kahihiyan to para sakin, lalo na si crush pa yung nakarinig.


"tsk, oo na gutom nga ako" sabi ko sabay yuko. tumayo naman sya agad.

"eh gutom na pala ang Reyna eh, tara na po kamahalan at pakakain na kita ng madami" sabi nya at inoffer pa yung kamay nya, inabot ko naman yun at agad ng tumayo, may pagka abno din pala to haha.


xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now