Chapter Twenty One

2.4K 49 1
                                    

Cassey.

Pinaliwanag sakin ni colleen ang lahat, tama sya, dapat di ko ginanon si drake dapat di ko sya pinag salitaan ng masakit dahil ang tagal nya tiniis lahat ng hirap, dapat tanggapin ko sya ng buo, bilang superman ko.

"tama ka colleen, sobra na kong masama sa mga pinaggagawa ko" sabi ko.

"nabigla ka lang sa nangyari" sabi nya sabay himas ng likod ko, nakita naman namin si kyle.

"si drake" sabi ni kyle.

"b-bakit?" sabi ko sabay lapit sa kanya, nakita kong tumulo ang luha nya.

"na aksidente sya" di ko na napigilan yung luha ko, kasalanan ko to eh, yung superman na dati akong pinagtatanggol, ngayon ito lang igaganti ko sa kanya.

"k-kasalanan ko to" napaupo na lang ako, pagod na pagod na ko tapos nakagawa pa ko ng malaking kasalanan, mababaliw na ata ako.

"wala kang kasalanan cassey, walang may gusto ng nangyare tara puntahan na natin si drake" sabi nya nag nod naman ako, sumakay na kami ng taxi, nasa Singapore kami kaya wala kaming dalang kotse dito, pag dating namin sa hospital pinuntahan agad namin yung room ni drake, nakita ko sya na ang daming naka kabit sa kanya, nasa labas lang kami ng kwarto dahil bawal pa pumasok sa loob kasi inaasikaso pa sya ng mga doktor, di ko napigilan umiyak.

"sorry..." bulong ko, umupo ako sa waiting area at tinext si ate devon, ang sabi naman nya pupunta daw sila baka bukas makarating na sila agad tutal may private plane naman sila kaya di sila mahihirapan.

"family of the patient?" napatingin kaminf tatlo sa doktor.

"yes doc?" sabi ko at agad na kong lumapit sa doctor, pilipino din pala dahil Alonzo ang apilyedo

"he's not ok, nag karoon sya ng problema sa ulo, masyadong malakas ang pag impact nya sa manibela, himala na lang siguro kung makaligtas pa sya" agad akong naiyak dun.

"gawin nyo ang lahat please! save him... please..." sabi ko sa doctor.

"makakatulong kung mag dasal kayo para sa ikabubuti nya, maiwan ko muna kayo" sabi ng doktor at umalis, naiwan lang ako sa kinatatayuan ko, napaka sakit para sakin ng nangyari sa kanya, pumasok ako sa room ni drake at naiwan si colleen at kyle sa labas bibili pa daw sila ng makakain.

"drake sorry, sana mapatawad mo ko" di nanaman ako natigil sa kakaiyak, kumuha ako ng upuan at umupo malapit sa kama nya.

"superman, please wake up" sabi ko at hinawakan ko agad yung kamay nya, kaya pala siguro nung una kaming nag kita sa park, parang may kamuka sya, yun pala sya na si superman.

"sorry... sorry..." yan na lang ang nasabi ko at yumuko.

"wala kang kasalanan" napatingin ako sa nag salita, nakita ko sya sa harap ng pinto, nung nakita nya ko ngumiti sya, at lumapit sakin.

"sofia, a-akala ko masama ang ugali mo, h-hindi pala" sabi ko, tumabi naman sya sakin at hinimas yung likod ko.

"tama na yan cassey, ang magaganda dapat di umiiyak" natawa lang ako sa sinabi nya, ibang iba na sya, di na sya yung sofia na laging nakataas ang kilay, para na syang anghel.

"pano pag di na sya naka survive? pano ko pa masasabi sa kanya na mahal ko sya?" oo tama kayo ng basa, mahal ko nga sya, unti unti ko yun narerealize, at alam ko na ayaw ko lang aminin yun sa sarili ko.

"sshh... wag ka mag salita ng ganyan, makaka survive sya para sayo" sabi nya, habang nakatingin kay drake.

"para sakin?" tanong ko.

"dahil im sure, may plano pa si lord para sa inyo" ngumiti lang ako, at dumating naman na agad si kyle at colleen na may dalang pagkain.

"andito ka na pala sofia" sabi ni colleen at nilapag na yung mga pagkain sa mesa.

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now