Chapter Thirteen

2.6K 49 3
                                    

Inis na inis na ko dito sa lecheng drake na to, tinatakpan ko na nga lang yung damit ko para di makita ng mga tao yung design eh. Yung design kasi may arrow na nakatutok sa kanya tapos nakalagay 'He's Mine' tapos yung arrow sa kanya naka point sakin na may nakalagay na 'She's Mine' Taena lang, ang corny.


"hoy manang, bayaran mo yung 500 ko ha" sabi nya ng di nakatingin sakin, bakit ko sya babayaran?! eh sya yung humatak saakin sa Penshoppe eh!



"ano ka sinuswerte? diba ganon ka mag sorry? so wala ng bayad yun" tumingin naman sya sakin.


"bilhan mo ko ng Donut yung Chocolate, gusto ko isang box, kapag di mo ko nilibre i'll kiss you here right now" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, talagang hahalikan nya ko dito?! walang hiya talaga to.


"a-ano namang donut?" he rolled his eyes.

"donut di mo alam? stupid" hinampas ko agad sa kanya yung bag ko.


"I mean saan tayo bibili?!" tumingin sya sakin poker face.


"try mo sa Hardware pag may nakita kang donut don ililibre kita 20 thousand mag shopping ka" eh loko pala to eh! eh kung pumunta kaya ako sa Hardware tapos sikipan ko yung tornilyo nya sa utak?!



"Your'e not funny" sabi ko.



"I want J.co tapos isang box pa ng Krispy Kreme" napalunok ako don, di ba pwedeng dunkin donut na lang?! eh pare parehong donut lang din naman yon eh!



"halos one thousand pesos na yan eh! akala ko ba five hundred lang?! ang daya mo" sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso.


"siniraan mo si superman, kaya mag bayad ka" argh! iniinis nya talaga ko.



"actully ikaw nga ang may utang sakin eh! nag sinungaling ka kay Mam Legaspi, sabi mo nag ditch class ako" tumawa naman sya, anong nakakatawa?!



"ikaw ang may utang sakin, diba ang sabi ko hahalikan kita pag gumanda ka, di ko pa nagagawa yun, bibilang ako ng tatlo pag di mo pa binili yung pinapabili ko, i'll kiss you here" sabi nya nako! anong gagawin ko?! eh 500 lang yung dala ko dahil ang alam ko treat ni kyle to. "Isa" bilang nya, tumitingin lang ako sa kanya di ko alam gagawin ko eh! "dalawa"



"Fine! shut up, i'll buy you wait me here" ngumiti naman sya and I just rolled my eyes.


"sasama ko, mahirap na baka takbuhan mo pa ko" di ko na pinansin ang sinabi nya at nag punta na sa J.co, 500 pesos na halos yung isang box, eh pano na yan? wala na talaga kong pera, chineck ko yun at nakita kong may 200 pesos pa, pero kulang na kulang to, bahala na pagdating naman namin sa Krispy Kreme kinabahan na ko agad, 200 na lang to teh!


"Goodevening mam" sabi nung lalaki sa counter.


"magkano yung isang box ng donut nyo?" tanong ko.


"500 po" napangiti na lang ako ng pilit dahil sa presyo, jusko naman parang gusto kong lumubog sa lupa.



"ahmm, ok lang ba kung 200 na lang ibayad ko?" sabi ko tumawa naman yung lalake, pati to si drake tumawa pa Yah! hiyang hiya na ko!



"sige mam, sagot ko na yung 300 tutal maganda ka naman" ang sama naman ng tingin ni drake dito sa lalake, Hahaha! I win. pagkatapos nun lumabas na kami.



"hoy ikaw, bibili ka na lang ng donut lumalandi ka pa?" kinurot ko sya agad sa balikat.


"mas pipiliin ko na lang na kapalan yung muka ko kesa halikan ng tulad mo sa harap ng madaming tao!" sabi ko at pinahawak sa kanya yung dalawang box ng donut, at umalis ayoko na ng ambiance doon kahiya hiya na ko sa mga pinag gagawa ko.



--

Pag ka uwi ko nasa Hot Seat na ko agad, ang dami nilang tanong sakin about sa ganito about sa ganyan, hays.


"so ano na anak? ok naman ba si kyle?" hindi ma, nagtampo ako! kasi iniwan ako sa ere eh! buti nga di nila ko nakita na nag lalakad pauwi!


"ok naman ma" lies, hindi yun ok lalo na dumating pa si drake.


"good, buti di ka napagastos dahil alam kong treat yun ni kyle" sabi ni kuya, hindi! napagastos ako dahil sa drake na yun! nag palibre ba naman ng mamahaling donut!



"hindi naman" I sigh at tumayo, baka mamaya kakatanong nila sakin madulas pa ko at masabing parang kami lang ng ENEMY ko ang nag date eh, pumunta na ko agad sa kwarto ko at inopen yung laptop ko ayun puro lang Facebook like ng like share dito share doon, hays bakit ba ang boring ng buhay? may bigla namang pumasok sa isip ko, eh kung iistalk ko kaya yung Facebook ni drake? aist! no way! di nya ko pwede maging stalker! ay hindi naman sa stalker, gusto ko lang makita yung Facebook nya, dahil BORED ako, ok?


Search: Drake Alcantara

Finally, nakita ko na yung profile picture nya pang bigtime, photoshoot pa tapos yung cover photo nya...

BABAE?! teka, bat ba ang O.A ko? malamang babae yan eh for sure womanizer yan eh, tinignan ko yung picture ng babae wait.. Ako to ah! nakatalikod ako tapos suot ko yung Violet gown! bakit di ko agad nahalata? anong ibig sabihin nito? pag tinanong ko naman sya sasabihin nya bakit ko iniistalk yung Fb nya, Aist! baka naman kamuka ko lang to pag nakatalikod? bahala na nag log out na lang ako agad inaantok na din kasi ako.




--

Friday.

Papasok kaya yun si Kyle? kasi kung papasok sya di ko sya papansinin kasi iniwan nya lang ako ng ganon ganon lang kahapon, kaya tampo mode muna ko ngayon, Hahaha mag pabebe ka muna cassey.



"Cassey!" di ko pa din sya nililingon, alam kong si Kyle yun.



"Cassey Baby! please naman lumingon ka oh? forgive me please! I love you!!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya automatic akong napalingon, nakatingin saamin lahat ng studyante at lahat kinikilig sa ginawa ni kyle.




"whoo! kyle ang sweet mo! Ayiee!" sigaw ni Colleen, talaga naman! oo na kinilig na ko sa ginawa nya!




"Ok fine" bulong ko at na gets naman ata yun ni kyle kaya agad syang tumayo at lumapit sakin tapos niyakap ako, nakita kong biglang naging seryoso yung muka ni Colleen pero ngumiti naman sya agad.




"Para sayo bestfriend" narinig kong sabi nya sabay ngiti, para sakin? ang alin? Weird.





xxx

Behind Her GlassesKde žijí příběhy. Začni objevovat