Chapter Thirty Six

2K 30 2
                                    

Pag mulat ko, nakita ko ang isang pamilyar na lugar, dito ako dinala sa warehouse na to noon, dinala ako dito ng isa sa mga trumaidor sakin, si Aldrin.



"Long time no see Noona!" agad akong kinabahan nung nakita ko sya, ang akala ko ba nasa kulungan na sya? eh anong ginagawa nya dito?


"A-aldrin? anong ginagawa mo dito?" halos manginig na ko sa takot, muntik na nila kong mapatay kaya di ko maiwasang kabahan ngayon.


"gaganti lang naman ako, si dean, nag pakamatay na sya sa kulungan dahil nag sisi sya sa ginawa nya dahil akala nya namatay ka, sya na lang ang nag iisang kaibigan ko, dahil sayo kaya sya namatay, ngayon tutuluyan na kita para naman may dahilan yung pagkamatay nya, hindi yung dahil sa akala kaya sya nawala" sabi nya at tinayo ako at inilagay sa loob ng isang aquarium, walang lamang tubig iyon pero nakita kong binuksan nya yung mga gripo na naka kabit doon, once na mapuno yung aquarium, malulunod ako.



"bye noona" sabi nya at sinarado yung pinto ng warehouse, sobrang dilim dito natatakot na ko, hindi naman nakatali ang mga kamay ko, at naalala kong nasa bulsa ko lang yung cellphone ko, buti na lang at may signal kaya tinawagan ko agad si drake, buti naman at sinagot nya yun agad.




"D-drake, tulungan mo ko nandito ako sa warehouse tulungan mo ko bilisan mo pwede akong malunod ngayon" sabi ko at di ko na napigilang umiyak.


"wag ka mag alala pupuntahan kita agad dyan" sabi nya at binaba na yung phone call. inantay ko na lang sya hanggang sa umabot na sa leeg ko yung tubig saka sya dumating.

"CASSEY!" sigaw nya kaya agad naman syang gumawa ng paraan para mabasag yung aquarium, nung nabasag na nya yun agad akong lumabas, hinawakan nya yung kamay ko at tumakbo kami pa labas, akala ko ligtas na kami kaso nahuli kami ni Aldrin.



"Wow, dumating pala ang knight and shining armor ng ating bida" sabi ni aldrin, pinwesto naman ako ni drake sa likod nya.



"para mas masaya ang game kailangan mamatay ang isa" sabi ni Aldrin at inilabad yung baril nya at itinutok saamin. hindi pwedeng tamaan si drake.



"F*ck you! ako na lang ang patayin mo!" sigaw ni drake at tumawa naman si aldrin


"nakakatawa ka naman prince charming, ang pa bida mo" sabi ni aldrin, isang kalabit nya lang sa baril nya maaring isa samin ni drake ang matamaan.


"si prinsesa na lang kunin naten" sabi nya sabay hinatak ako, kinuha naman ni drake yung isa ko pang kamay.



"Gago ka! wag mo syang sasaktan!" sigaw ni drake, tinutok naman ni aldrin yung baril sa ulo ko.


"pag di mo sya binitawan, didiretso tong bala sa utak nya" sabi ni aldrin kaya naman dahan dahan akong binitawan ni drake.


"wag mo syang sasaktan, please wag" pag mamakaawa ni drake, tinawanan lang sya ni aldrin.


"bakit wag? pag iisipan ko muna yan" nakikita ko sa mga mata ni drake na galit na galit na sya pero pinipigilan nya lang dahil hawak ni aldrin ang buhay ko ngayon.



"please.... ako na lang..." sabi ni drake at nakita ko syang umiyak. maya maya narinig naming may mga parating na pulis kaya agad na nataranta si Aldrin.



"napapaligiran ka na namin! ibaba mo yang baril mo!" sigaw ng pulis kay Aldrin pero tinutok nya pa din yung baril sa likod ko. sa oras na matamaan ako, wala na kong pag asang ma buhay.



"ibaba mo yang baril mo!" sigaw ulit ng pulis pero di pa din binababa ni aldrin yung baril nya kinakabahan na ko sa mga pwedeng mangyari.

Maya maya ay nakarinig na ko ng malakas na putok, nagulat ako doon kaya agad akong napalapit kay drake, nakita ko ding hinawakan na ng mga pulis si aldrin.




"Da, ligtas na ko" bulong ko kay drake naka hawak sya sa likod ko, tinanggal naman nya yung pag kakahawak doon at tinignan yung kamay nya.


"Ma" yan lang ang nasabi nya at nakita kong tumulo na ng tumulo ang luha nya, nakita ko yung kamay nya na may dugo, at agad akong nakaramdam ng matinding sakit galing sa likod ko, ako pala? ako pala ang nabaril kanina? nag dilim na lang bigla ang paningin ko di ko napigilan at natumba na ko.

Pag mulat ng mata ko, nakakita ako ng liwanag nakita ko doon si papa.

"Halika anak, sumama ka na sakin" sabi nya at inaabot ang kamay nya sakin. inabot ko naman agad yun.


"opo papa, sasama na ko sa inyo" sabi ko at pag katapos nun, wala na kong nakita kundi liwanag.




Drake's POV

I tried to wake her up.

Pero di sya nagising, nandito ako sa kwarto ko hindi ko kayang makita sya na nag aagaw buhay sa operating room ng dahil sakin.

Ang tanga tanga ko kasi, hindi ko sya iningatan tapos ngayon heto ako tatakasan yung mga luha na gustong gusto ng pumatak.

I loved her bata pa lang kami kaya sana iligtas sya ni Lord dahil pag nawala sya hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko mas pipiliin ko pang mamatay kung mawawala lang din sya sakin.

Sa pagiging gago ko nag simula ang storya na ito at pinangarap ko na sana mag tapos ito sa sinasabi nilang happy ending.

Na sana mangyari.

I don't want to lose her dahil di ko kakayanin malakas ako pero may kahinaan din parang si superman? maton nga at sobrang lakas pero may kahinaan din. Ako pa kaya?

"Cassey fight for me please.. Baby please..." bulong ko at sana marinig iyon sa taas para naman mapag bigyan ako.

Kung sya ang kapalit sa lahat ng kasalanan ko tangina ito na lang din siguro ang magiging last point of view ko.

Kung may magic lang sana ako na iatras ang oras ako na lang ang sasalo ng bala to save her life pero di ko nagawa dahil mahina ako daig ko pa yung walang pinag aralan sa sobrang pagka tanga ko.

I heard my phone ring and it's Kyle, calling me siguro dininig na ni Lord yung dasal ko na iligtas si Cassey kaya tumawag si Kyle para ibalita ang good news about my girl.

"Kyle? how's Cassey? is she okay? pupunta ako dyan tanungin nyo sya kung anong kailangan nya pakainin nyo din sya para lumakas sya" sunod sunod na sabi ko. I heard him sighed.

"She's gone"

"Ginagago mo ba ko?" I shouted.

"Drake totoo yung sinasabi ko" nabitawan ko na yung phone ko dahil nanginginig na yung mga kamay ko sa balitang sinabi ni Kyle.

This is can't be.

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now