Chapter 2: Bad Boy

4.2K 83 0
                                    

"Nako Yaya, lagi na lang nya sinisira ang araw ko! sa tuwing nakikita ko sya naiinis na ako agad" tumawa naman si yaya, bakit? ano ba nakakatawa? totoo naman eh! panira sya sa lahat.

"Cassey, wag mo na lang pansinin yun, baka naman may gusto sayo kaya ganon?" gusto? di katulad ko ang type ng isang bad boy na tulad nya, dahil ang type nun sexy at magaganda wala pa ko sa talampakan ng mga yun.

"Ya, bad boy yun at ang type nun yung mga dyosa hindi isang nerd na panget" tumingin naman saakin si yaya simula ulo hanggang paa.

"alam mo maganda ka naman, ang nagpapanget lang sayo ay yang pananamit mo na wala na sa uso ngayon at yang magulo at sobrang buhaghag mong buhok isama mo pa yang makapal mong salamin" napanga nga ko sa sinabi ni yaya, pero kahit ano pa sabihin nya, or nila, para sakin panget pa din ako at wala ng magbabago, bigla naman nag ring yung phone ko.

Kuya Karl calling...

sinagot ko agad yun, siempre boss yan si kuya bawal daw sya pag antayin dahil special daw sya, tss.

"hello?" sabi ko.

["cassey uuwi na kami dyan ni Mama at lola bukas, dyan na ko mag aaral sa Oppenheimer University"]

"ah so, anong gagawin ko?" I heard him sigh.

["wala sinasabi ko lang para ready ka na sa pangaasar ko Wahaha! bye nerdy"] he said then end the call.

Napaka stupid nya talaga, kung di si drake sya naman ang sisira ng araw ko, He's Karl Chirstian Bernardo, ang kuya kong siraulo, ewan ko ba kung anong napapala nya pag inaasar nya ko, di ko na inintindi yun at nag lakad na papuntang school, may sasakyan naman kami kaso mas feel ko mag lakad para exercise na din, pag pasok ko sa room maaga pa at wala pa dun si bubuyog for sure late nanaman yun.

"okay class, Im your teacher in Science Iam teacher Jocelyn Bautista" sabi ni mam at agad ng nagturo, wala pa din dito si bubuyog aba buti naman at absent siguro sya? hays tahimik ulit mundo ko.

Natapos na yung klase at may natutunan na ko buti na lang talaga umabsent yung kumag na yun, habang naglalakad ako pauwi nakarinig ako ng sigaw ng lalaki sa isang warehouse malapit sa tambakan ng kalakal lumapit ako agad dun at sinilip kahit natatakot ako, nakita ko dun si drake puro dugo na yung bibig nya, eto ba yung dahilan kung bakit sya absent?

"oh ano drake? diba ang kasunduan kahapon pa lang nakipag basag ulo ka na samin? bakit ngayon ka lang hayop ka?" sabi nung lalaki habang nagsisigarilyo, hawak hawak ng dalawang lalaki si drake kaya di sya makalaban at muka na din syang mahina.

"pasalamat ka dahil nandito si mama at ang ate ko kaya di ako nakipag bakbakan sa inyo kahapon, pero ngayon sigurado akong pagsisisihan nyo to" sabi ni drake.

"Hahahaha! so good boy ka pala pag nandyan sila? eh kung ilayo kaya namin sila sayo? magiging mas bad boy ka kaya?" sabi nya sabay tawa, nakakairita yung tawa nya ang sakit sa tenga at nakakatakot.

"gago ka! wag mong idadamay ang pamilya ko!" sabi ni drake at pilit na kumakawala sa mga lalaking nakahawak sa kanya, aalis na lang ako dito di ko kaya makakita ng ganitong eksena sobrang brutal na to para sakin, pagkahakbang ko natapakan ko yung kahoy kaya nag bagsakan lahat at di ako nakagalaw, sa sobrang kaba.

"Sino yan?!" huhu.. bakit ba kasi ako napunta dito? lord please help me.

"mukang naliligaw ka ata miss?" humarap agad ako sa kanya, nakakatakot yung itsura nya muka syang adik.

"n-napa daan l-lang hehe, alis na ko" tatalikod na sana ko kaso hinawakan nya ko, gusto kong umiyak at sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko.

"at saan ka pupunta? pasok!" halos mapatalon ako sa gulat, kahit alam kong nandito sya nagulat pa din ako dahil sa lakas ng boses nya pinasok nya ko sa loob at nanlaki ang mata ni drake nung nakita nya ko dito.

"hoy manang! anong ginagawa mo dito?!" nag tawanan naman lahat ng mga lalaki dito sa loob.

"mukang magkaibigan pa ata to? yan ang masarap sampolan eh Hahaha!" sabi nung isa at nag sindi namaman ng yosi, mga badboy tong mga to.

"hoy ikaw na panget ka, pakawalan mo yan si manang diba ako ang kailangan nyo?" nagulat ako sa sinabi ni drake, sinuntok agad sya nung lalaki, boss ata nila to.

"wag mo kong tawaging panget dahil mas gwapo pa ko sayo Drake Alcantara" tumawa naman si drake, sigurado akong makikipag talo yan.

"ikaw? mas gwapo sakin? eh ayaw nyo nga ko pakawalan para makalaban tayo ng patas, bakit? takot ka ba na masira yang muka mo pag sinuntok kita? wag ka mag alala, wala namang mawawala" ang lakas nya talaga mang asar kaya mukang naasar ng tuluyan yung lalaki at susuntukin na sana sya kaso nag salita ako agad.

"itigil nyo na yan!" napatingin naman sakin yung boss nila at lumapit.

"anong problema mo ha?!" huminga ko ng malalim at nagsalita.

"isusumbong ko kayo kay kuya pag di pa kayo tumigil" nag tawanan sila lahat, para silang mga baliw at di ko sila ma gets kung bakit sila tawa ng tawa eh wala namang nag jojoke dito.

"bakit? sino ba yang kuya mo para katakutan?" nag evil smile ako.

"Karl Christian Bernardo" nagulat silang lahat sa sinabi ko, pati si drake. sikat kasing badboy si kuya sa Oppenheimer duon kasi sya nag aaral dati di nila alam na nag punta na sya sa Korea, halos lahat takot sa kanya wala pa ni isang humamon sa kanya, oo inaasar nya ko pero aaminin ko, isa na sya sa naging superman ko.

"sige pakawalan nyo na yan" agad naman nilang pinakawalan si drake, pag kabitaw agad nila kay drake sinuntok sya agad nito.

"di ako gaganti drake, umalis ka na habang di pa nag babago isip ko!" sigaw nya umalis agad si drake sa warehouse na yun at sumunod na ko agad, nung nakalayo na kami nag salita sya.

"bakit ka nakialam? nagmuka tuloy akong duwag!" wow huh! hiyang hiya naman ako sa kanya! baka kung di ako nakialam di na kami sikatan ng araw bukas.

"dapat nga magpasalamat ka pa sakin, kasi dahil sakin kaya ka nakaalis dun!" tumawa naman sya.

"never akong magpapasalamat sayong manang ka"

"edi wag! hindi naman kita tinulungan! I helped my self, kung di ko ginawa yun delikado ako nadamay ka lang, kung gusto mo makipag patayan sa kanila bumalik ka don! kung gusto mo ihatid pa kita eh! your welcome na lang" sabi ko at nag lakad paalis, di ba sya marunong mag thank you? napaka sama ng ugali nya, napaka bad boy nya.




xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now