Chapter Seventeen

2.7K 59 4
                                    

----------------------------------------------------------------------

Cassey's POV

Nabanggit sakin ni mama na bibisita daw dito yung pinsan ko, si Xyron hayst napaka hangin nga lang nyan kaya wag na kayong mag taka kung mag ka buhawi dyan sa inyo, aalisin ko muna sa isip ko ang mga nangyari, si dean? di pa din ako naniniwala ng buo dun si drake? ewan baka kasal na yun kay Deserie.

"mama, pasok na po ako" sabi ko sa kanila.

"oy Nerdy hintayin mo ko" I rolled my eyes, si kuya talaga laging pahabol. tsk.

"bahala ka dyan ang bagal mong kumain eh" sabi ko at binelatan pa sya, Hahaha sumabog sya sa inis. :p

--

"ok guys listen, pupunta kayo sa Singapore para pag aralan ang iba't ibang culture nila doon" tuwang tuwa naman yung mga classmate ko sa narinig nila.

"one week kayo doon, igugroup ko kayo sa tatlo, ok?" sumangayon naman kami at nag tawag na si sir nag mga mag partner.

"Monica, Sheen, Caera..." Hanggang sa nakalahati na ni sir ang mga students.

"Cassey, Drake and Colleen" What?! ok na sana! bakit si drake pa?!

"Danae, Sofia and Chris, ok so ayun na ang grupo nyo, sa susunod na bukas aalis na kayo kailangan naka ready na kayo para doon, Class dismissed" sabi ni sir at inayos ang gamit nya sabay alis.

"yehey! bestie partner tayo!" sabi ni Colleen with matching clap hands. ngumiti na lang ako, actully half happy lang ako today.

"hoy manang, ayusin mo na ang dapat mong ayusin" sabi ni drake sabay alis, napaka abnormal tss.

"hayaan mo na lang sya bestie, basta ang importante exited much na ko! sayang nga lang sana sa Korea na lang pangarap ko dun eh!" sabi ni Colleen, sobrang saya nya noh? Hahaha!

"mayaman naman kayo ah? bakit di kayo pumunta doon?" nag pout naman sya agad.

"ayaw kasi ni mom na mag pa spoild ako kaya di lahat ng gusto kong puntahan, pwede" sabi nya na may malungkot na boses.

"ok nga yun eh, hindi tulad ng iba lahat na lang ng gusto nakukuha yung as in over na" tumawa naman sya at sabay nag nod.


Pagkatapos nun umalis na din si Colleen at nag lakad naman ako sa corridor, habang nag lalakad ako may nag text sakin na pumunta daw ako sa parking lot, pumunta na lang ako dun at may nakita akong lalaki na naka shades at naka sandal sa mamahaling kotse, ngumiti sya sakin kaya nilapitan ko sya, tss sya lang pala kala ko kung sino na.

"musta na?" sabi ko.

"eto gwapo pa din, insan wag ka magalit kung saktan ka na ng girls dito ah, alam mo naman? ang gwapo at ang macho ng kasama mo" napaka talaga.

"tinanong ko lang kung kamusta ka na ang dami mo ng sinabi, di ka pa din nag babago" oo nga pala, si Xyron yung kausap ko, ang pinsan kong Hangin.

"insan, wala namang mag babago eh, yung muka ko pamatay pa din" sabi nya sabay tanggal ng shades, oo nga gwapo nga kaso ang yabang.

"pwede ba change topic? ano bang ginagawa mo dito?" sabi ko, baka mamaya tangayin na ko ng hangin dito.

"ah, pinasundo ka kasi sakin ni Karl, eh alam mo na mas gwapo ko sa kanya kaya ako na mag susundo" sabi nya habang pinapaikot yung susi sa daliri nya.

"anong connect?" tumawa naman sya, eh bakit? totoo naman wala namang connect yun tss.

"wala tara na uwi na tayo" sabi nya sasakay na sana kami kaso tinawag ako ni Colleen at Kyle.


Behind Her GlassesМесто, где живут истории. Откройте их для себя