Chapter Nineteen

2.5K 51 1
                                    

Cassey's POV

Ngayon na pala kami pupuntang Singapore, may halong excitement at halong inis, dahil di ko gusto yung nangyari kagabi tapos partner ko pa yang drake na yan, Hayyy.

Colleen/Bestie Calling...

sinagot ko agad.

["Bes! naka ready ka na ba?"]

"uhm, nag iimpake pa lang, wait mo ko sa airport kasama ko na si kumag"

["kumag? as in, si Drake?!"] I sigh.

"oo at wala na kong balak i explain sayo kung bakit"

["hmp! sunget sige na nga haha, bye bye ingat mwah!"] Loka talaga sya, parang wala syang problema pag nakaka usap ko sya.

*knock knock* napatingin ako sa pinto ko, ang aga aga, sino ba yan?

"pasok" sabi ko at agad naman syang pumasok, ang laki pa ng ngiti nya tss.

"Good morning manang, ayos ka na ba, ako kase ready na ano tara na?" I rolled my eyes.

"walang good sa morning kung ikaw lang ang sasalubong sakin, ready na ko tara na" sabi ko at kinuha yung maleta ko.

"ouch naman! sapul na sapul ah! pasalamat ka ang gwapo ng nag goodmorning sayo tss" sabi nya habang nakahawak sa dibdib nya, kala mo talaga masakit ang o.a talaga, psh.

"gwapo? teka di pa naman ako nag gogood morning ah? pero eto na, Good morning insan" bigla naman sumulpot to si Xyron sa usapan, nag sama pa yung dalawang mahangin.

"sino ka?" tanong ni drake with matching taas ng kilay, taray nya ha.

"ang pinaka gwapong pinsan ni Cassey, Xyron nga pala pre" inoffer pa nya yung kamay nya kay drake para makipag shake pero dedma lang si drake.

"no thanks" sabi ni drake, pahiya onte xyron, hahaha.

"oh? Hahaha, ok naiintindihan ko naman, actully dapat gwapo at magaganda lang ang humahawak ng napaka lambot kong kamay" pagmamayabang nya.

"ah, hindi kasi ako gwapo eh, kasi magandang lalaki, handsome, heart throb, crush ng bayan, pamatay looks, sobrang gwapo, nag pauso ng salitang pogi. yan, yan lang kasi ako e" sabi ni drake sabay wink at alis, aish! napaka yabang nilang dalawa kainis.

"insan, sino ba yun? boyfriend mo?" naubo naman ako sa sinabi nya.

"excuse me?! kaaway ko yun na medyo kaibigan, pero kaaway talaga, minsan kaibigan... aish! basta!" ano ko ba kasi yung bubuyog na yun?

"ang gulo insan ha, naguguluhan yung kagwapuhan ko" I rolled my eyes, oo na gwapo ka nga! pero daig nya pa yung hangin sa taas ng bundok eh!

"insan, ang gwapo mo, pero yung air kasi eh, ang ano, ang lakas" sabi ko sabay tinapik sya sa braso sabay alis. pag ka baba ko nakita ko doon sa kusina si mama at ate devon, nung nakita nila ko nginitian ko lang sila.

"anak mag ingat kayo doon ah" sabi ni mama habang nag luluto.

"siempre ma" sabi ko.

"si drake ang bahala sayo don" sabi ni ate devon ngumiti na lang ako, as if naman na may pake sakin yun? buti na lang talaga mabait tong ate nya sayang di sya nag mana. pagkatapos ko mag breakfast sumakay na ko sa kotse at hinatid na kami ni kuya sa airport, nakita na namin doon yung iba naming classmates nandoon si colleen, kyle, at sofia.

"omg! im so excited na bestie!" sabi ni colleen sabay kapit sa braso ko, halata namang excited sya.

"you guys, ngayon lang ba kayo makakasakay ng eroplano?" sabi ni sofia sabay irap, napaka sunget talaga binelatan lang sya ni colleen.

"students, listen, sumunod na kayo sakin para di kayo magkahiwa hiwalay" sabi ni sir at sumunod naman kaming lahat kung saan sya pupunta, nung eroplano na namin ang sunod tumayo na kami agad at pumunta doon, three seaters yung upuan na pinili namin, ako yung sa bintana tapos si drake sa gitna then si colleen yung unahan.

"kailangan katabi ko talaga to?" sabi ko habang sinusuot yung earphone.

"Hahaha hayaan mo na bestie" sabi ni colleen sabay pikit.

"ayaw mo kong katabi? so anong gusto mo? ikandong kita?" sabi ni drake with matching kindat, ewan ko ba kung bakit ang lakas ng epekto sakin nun, what's happening to me?

"e-ewan ko sayo!" sabi ko sabay harap sa bintana.

Mahaba haba din ang byahe namin, pero nakarating naman kami ng safe dito sa Singapore bumaba na lahat ng estudyante sa eroplano, kasama na kami lahat ay excited pwera na lang kay sofia siguro nakailang beses na sya pumunta dito.

"okay class may hotel dito para doon na kayo mag stay, sure na safe kayo doon dahil sila Mr. Alcantara ang may ari nun" napatingin naman kami lahat kay drake, naka poker face pa din sya, grabe ang yaman pala talaga nila, hinatid kami ng bus para maka punta doon sa Hotel, pagkadating namin doon napa nga nga ko ang lalaki ng Chandeliers tapos pang sosyal talaga.

"drake ituro mo na sa mga members mo kung saan kayo mag stay ng room, para makapag pahinga na kayo at bukas na natin gagawin ang dapat gawin, ako na ang bahala sa iba nyong classmates" nag nod naman si drake tapos umalis na din sila sir.

"Follow me" cold na pagkasabi samin ni drake, tss ang bipolar! kanina lang sa eroplano pa joke joke tapos ngayon nanlalamig.

"eto yung room naten?" tanong ni colleen nag nod naman si drake at binuksan na yung pinto, ang ganda nga.

"ge tulog na ko" sabi ni colleen sabay higa kaagad sa kama nya, tatlong kama yung nandito queen size, sobrang laki ng kwarto na to.


"oy manang ano pang hinihintay mo? matulog ka na kaya?" sabi ni drake sabay bato sakin ng unan, binato ko naman sa kanya yun ulit.

"tigilan mo nga ko." sabi ko sabay higa. Minsan nakakapagod din makipag bangayan sa kanya no?


"good night manang for sure babangungutin ka" ang sama talaga nya. Manang pa din ang tawag sakin kahit muka na kong tao.

"talaga ikaw ba naman yung huli kong kausap eh" sabi ko. At narinig ko naman syang tumawa ng mahina


"edi magiging sweet dreams yun" sinamaan ko lang sya ng tingin. Ang kapal din talaga ng muka nya no? never magiging sweet ang panagini ko kung sya lang ang huling kausap ko.


"good night na lang"

xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now