Chapter Five

3.3K 64 2
                                    

"I hate you Superman I hate you!" sigaw ko malapit sa tulay, sinundan ako ni drake doon.

"hoy manang wag ka nga mag drama dyan! pumasok ka na sa loob!" sigaw nya pero di pa din ako nakinig gusto ko lang mawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon, narinig kong nag ring yung phone ko pag bukas ko si kuya tumatawag, alam kong special sya at bawal sya pag antayin pero ako muna ang special ngayon bawal ako istorbohin narinig kong kumulog kaya feeling ko uulan, at maya maya umulan nga tama ko.


"manang ano ba? nag text na sakin si mom umuwi na tayo basa na tayo oh" tumingin ako sa kanya nag rereklamo sya na basang basa na? eh bakit inaya ko ba sya na samahan ako dito?

"did I told you to come with me? gusto mo umuwi ka mag isa" di sya makapag salita ngayong nakatingin lang ako sa kanya, di ko sya mapigilang tignan, ang gwapo nya pala lalo na bagsak yung buhok nya at basa pa, aist! ano ka ba naman cassey.

"hindi kita pwedeng iwan dito, pati ako madadamay" naalala ko nanaman yung moments namin, sa tuwing naliligo kami sa ulan, kaya mas pinili ko na lang pumasok sa kotse kesa maalala ko pa sya.

"Jusko nag alala kami sa inyo, saan ba kayo galing?" tanong ni tita demy, mukang wala na dito sila mama wala na yung sasakyan namin dito, iniinis ba talaga nila ko?

"sorry ma, naligaw kasi kami" nag sigh lang si tita at tumingin sakin.

"cassey, umalis na sila kuya mo dito ka na lang muna" nagulat ako sa sinabi nya, so totoo nga? nilayasan talaga nila ko?

"pero ti--" di ako pinatapos mag salita ni ate Devon.

"don't worry kami bahala sayo dito ok?" bakit parang tuwang tuwa pa sila? buti di nila nahalata na umiyak ako. pumasok na lang ako sa loob at naligo pinahiram ako ni ate Devon ng damit pang tulog.


"ah... saan po ako matutulog?" tita demy and ate devon smiled.

"sa kwarto ni drake"

"MA?!" grabe ang o.a neto ni drake kung makapagsalita. sa bagay.. wait.. sa kwarto ako ni drake matutulog?! pano yun?! I mean pano ko makakatulog!!!??




"Wae? madumi pa sa guest room dahil di pa tapos mag pintura doon di rin pwede saakin si cassey dahil maliit lang yung kama ko di din pwede kay mom dahil katabi nya di dad, so you dont have any choice" sabi ni ate Devon, ano ba talagang trip nila saakin? padabog na umakyat si drake sa taas, ako naman kinakabahan habang paakyat sa kwarto nya, naalala ko yung aso nya what if kung nasa loob yun? dun talaga ko sa maids room matutulog.

"d-drake?" tinignan naman nya ko ng masama.

"for sure masaya ka dahil magkatabi tayo noh?" sabi nya sabay tawa, lecheng to! bipolar! kanina lang may pa dabog dabog effect tapos ngayon tumatawa? seriously? anong sabon gamit nito?


"anong magkatabi? sa sahig ako matutulog!"

"arf! arf!" napatalon ako sa gulat nung nakita ko yung aso nya, omg sabi na nga ba eh!


"edi tabihan mo si princess" sabi nya sabay ngiti ng bongga, napa akyat naman ako agad sa kama nya eh kasi yung aso eh! lalapit sakin! kaso bago ako umakyat na out balance ako nahulog yung salamin ko ang labo tuloy!

"drake yung salamin ko" sabi ko at eto naman tinititigan lang ako, naaaninag ko pa naman pero malabo.

"mas ok kung ganyan, wag ka na mag salamin" sabi nya at pinatay yung ilaw tapos humiga sa kama, siraulo talaga sya! bumaba ako ng kama at hinanap yung salamin ko, nakapa ko naman agad yun at nag madali umakyat sa kama, mahirap na baka makagat pa ko ng asong yan.

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now