Chapter Ten

2.9K 56 0
                                    

Ngayon na pala ang contest, I mean beauty contest sobrang kumakabog na yung dibdib ko, wala dito si sofia baka mamaya napano na yun.

"omg bessy! mamaya na yung contest ready ka na ba?" sobrang dami kong iniisip.. di ko alam kung ano na nangyayari.

"Bestie!"

"ay pesteng kalabaw!" nagulat naman ako dito kay Colleen.

"enebe! kanina pa ko nag sasalita tapos ikaw ang lalim ng iniisip!" oo nga pala wala silang alam sa nangyari dun sa warehouse, ako at si kyle lang ang may alam.

"sorry, ano ba kasi yun?" hinawakan nya yung kamay ko tapos pinaupo ako, nakaharap ako sa salamin na madaming make up.

"ngayon na yung contest mag pa make up ka na kila ate Xyra, para makapag bihis ka na ok?" nag nod lang ako, umalis na din sya para tawagin yung mag memake up sakin, nawala sa isip ko yung contest.

Nung dumating na yung mag memake up agad na nya kong inayusan para makapag handa na sa contest, nung natapos na nakita ko naman na papalapit sakin si bubuyog.

"naks, ready na si manang" sabi nya at nilagay yung dalawang kamay nya sa likod ng upuan ko.

"wag mo kong inisin ngayon pwede?" sabi ko at tumayo, hinawakan naman nya ko sa braso.

"don't forget my kiss" bulong nya sabay tawa tapos alis, tsk! isa pa sya eh! pangpagulo! akala ko ba sabi nya ang panget ko pa din? tapos ipapaalala nya sakin yung kiss? muka nya!



"Happy?" paglingon ko nakita ko si kyle, oo masaya ko kasi nandito ka! wahaha! Cassey keep calm.

"very much" I said sabay ngiti.

"sobrang ganda mo Cassey" napalunok ako sa sinabi nya, talaga bang sinabi nya yun? waa! kinikilig ako shems.

"t-thanks" lumapit naman sya sakin, as in sobrang lapit.

"Cassey" feeling ko isang hakbang nya na lang mahahalikan na nya ko eh! kyaaa! kinakabahan ako na kinikilig haha!

"o-oh? hehe" muka na kong tanga dito promise! di ko alam gagawin ko.

"I like you" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, gusto nya talaga ko? yung totoo? promise? walang biro?! kasi ako kyle gusto kita! gustong gusto!

"t-talaga?" nag nod naman sya, ewan ko ba kung bat ko ginawa to pero I hugged him. naramdaman kong niyakap nya din ako.

"Cassey? do you like me?" nag nod ako.

"oo kyle, gusto kita" choosy pa ba ko? tinatanong nya ko eh! sorry di kasi ako marunong mag sinungaling, onti lang. >:)

"From now on, i'll court you" automatic naman akong napangiti doon.

"sure, goodluck" sabi ko sabay alis, nakita ko syang nakangiti, whoo! para na kong nanalo sa contest! naganahan tuloy ako lalo, nag punta naman ako sa dressing room para makapag palit nakita ko naman duon si Colleen.

"oh bes! ano ba yan bat ang tagal ng pag make up sayo?" nakangiti lang ako sa kanya.

"bes liligawan ako ni Kyle" tinaas naman nya yung isa nyang kilay.

"sino yun?" oo nga pala, di nya kilala si kyle.

"Kyle Sebastian Divina, yu--" di nya ko pinatapos mag salita.

"jusko naman bestie! as in si Divina?! eh napaka bad boy nyan! sobrang womanizer!" tinakpan ko agad yung bibig nya, panira sya ng moment eh.

"bes wag ka namang ganyan, kababata ko yun, mabait yun di sya bad boy or kahit womanizer, matino yun" tinanggal naman nya yung kamay ko sa bibig nya.

"basta bes, marami nang babaeng pinaiyak yan, winawarningan lang kita na mag ingat ka actully mas matindi pa yan kay Alcantara eh" di ko na lang pinansin yung sinabi nya at kinuka ko na yung gown ko, basta masaya pa din ako na gusto ako ni kyle.


--

Nandito na sila mama nanonood sila, tatlong contestant na lang tapos ako na sunod, number 18 ako eh, kinakabahan talaga ako yung kabog ng dibdib ko sobrang lakas na para bang gusto nya ng lumabas.

"Please welcome! candidate number 18!" para kong zombie na nag lalakad papuntang stage, nanlalambot na ko sa sobrang kaba, nakita ko sila mama na todo cheer sakin, teka bakit wala dito si drake? tss. nevermind. pinapili na ko ng emcee ng question sa isang fish bowl, binunot ko agad yung napili ko color pink yung paper.


"ok this is your question, what if bumalik ang taong importante sayo na matagal mo ng gustong makita, anong magiging best reaction mo?" talaga bang trip ako ng tadhana? sa dinami dami ng tanong yan p talaga?



"wala" yan lang yung tanging lumabas sa bibig ko, nag bulungan naman lahat ng students na nanonood. at maya maya tumayo si sofia at sumigaw.


"sabi ko na nga ba eh! dapat talaga di ka na sumali dito! gumanda ka nga nawala naman yang utak mo! wala kang kwenta!" nag 'Oooohh' naman lahat ng mga kaklase ko pinagtanggol ako ni kuya pero di ko alam kung ano yung sinabi nya dahil tumakbo na ko agad palayo sa contest na yun.




Kaya ayoko maging maganda eh ngayon sikat na ko sa kahihiyan, nandito ako ngayon sa likod ng school, ayoko na ng ganito, ang hirap mas masaya pa ko noong nobody lang ako.


"Lord bat ganon? ang unfair" may narinig akong umiiyak, sinilip ko agad kung saan galing yun at nakita ko si Drake. bat kaya sya umiiyak?


"pasabi naman po sa kanya antayin nya ko oh? T*anginang lalake kasi yan inunahan ako" anong ibig nyang sabihin? nag mamahal ba to? kaya ba wala sya kanina sa contest kasi umiiyak sya dito?


"F*ck you ka! subukan mo lang syang paiyakin, papatayin kita" sabi nya at hinagis yung bote ng alak na hawak nya, di na ko nag dalawang isip na lumapit sa kanya baka mamaya ma pano pa to.

"d-drake? ok ka lang?" nagulat sya ng nakita nya ko, pero agad naman nya kong sinamaan ng tingin.

"muka ba kong ok? ano ba sayo ang salitang ok ha?" sigaw nya sakin at agad naman syang tumayo para harapin ako.


"drake, tinatanong kita ng maayos" tinitigan nya lang ako, ngayon ko lang sya nakitang ganyan, umiiyak.


"maayos ba yun?! para mo kong inaasar eh!" sabi nya, di ko na napigilang sumigaw, dahil sinigawan nya din ako eh.


"Concern lang ako sayo kase mukang may problema ka! ano bang masama doon ha? drake!?" natigilan sya sa sinabi ko.

"wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon"


"Cassey!" narinig kong tinawag ako ni kyle, nakita ko syang papalapit dito.



"drake, anong ginawa mo sa kanya?!" sabi nya at agad kinuha yung kwelyo ni drake.

"wala kong ginagawa sa kanya" cold na pagkasabi ni drake.


"tama na nga yan!" sigaw ko pero parang wala lang narinig tong dalawang to.

"let me go" seryosong sabi ni drake kaya agad naman syang binitawan ni kyle.


"wag na wag ka ng lalapit sa kanya tandaan mo yan" tumawa naman si drake.


"talaga, ano namang pakielam ko sa inyo?" sinamaan sya ng tingin ni kyle, jusko di ko na alam ang gagawin ko sa mga to.



"kahit kailan, wag na wag mo na syang kakausapin!" sabi ni kyle at sinuntok naman sya ni drake ng malakas.


"you don't have the right to shout at me bitch, di ko na kakausapin yan wala na kong pakialam sa kanya" sabi ni drake sabay alis.



Ewan ko pero parang sinaksak yung puso ko nung narinig ko yung sinabi ni drake, nasasaktan ba ko? hindi yun pwede. dahil kung wala na syang pake sakin, pwes mas lalo ako sa kanya.


xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now