Chapter Thirty One

2.1K 39 0
                                    

30: Family Bonding

--

Sa dinami dami kong pinag daanan nakalimutan ko ng mag bonding kasama ang family ko, si kuya at si mama, pero bago kami pumunta ng Mall, dinalaw muna namin si papa, sobrang tagal na nung huli akong dumalaw dito.

"Hi pa, miss na kita sorry kasi hindi na kami ulit nakakadalaw sayo" sabi ko habang naka indian sit sa harap ng puntod nya.

"pa alam mo po ba, yan si cassey naka ilang change na yan sa buhay nya, gusto ko na ngang matawa eh HAHAHA!" napaka epal talaga nitong magaling kong kuya, wala ng ginawa kundi sirain ang araw-araw ko.

"oh ayan natawa ka na may nangyari ba?" sabi ko habang nakataas pa yung isang kilay.

"papa oh, nag tataray di naman bagay Hahaha-- Ouch!" binatukan ko nga, nakakapikon na kasi, sumbong ng sumbong kay papa kala mo naman sya ang kakampihan, kung buhay lang talaga si papa nako asar talo si kuya lagi.

"sorry sa pag batok ko sa kanya pa ha, kaasar kasi eh, over na sya masyado" ginulo gulo pa nya yung buhok ko na parang bata.

"alam mo po ba pa, Cum Laude po yan si cassey, galing ko po mag pa mana ng katalinuhan noh?-- Aray! nakaka dalawa ka na ha!" ayun binatukan ko ulit, di naman yun masakit, O.A lang talaga ang role nya sa story ko. >:))

"ang O.A mo! parang kalabit lang naman yun ha!" sabi ko sabay pout.

"wag kang mag pout dyan Nerdy kamuka mo kaya si Donald Duck! HAHAHA" sabi nya sabay takbo papunta sa likod ni mama, duwag talaga tss.

"MAMA OH! SI KUYA! ANG EPAL NAMAN KASI!" sabi ko sabay padyak padyak.

"Karl, wag mo ngang asarin ang kapatid mo" sabi ni mama kaya naman tumigil na si kuya sa pag tawa.

Maya maya nag paalam na kami kay papa at pumunta na ng Mall habang nag lalakad lakad kami naisipan ni kuya na bumili ng damit.

"Saan ka naman bibili ng damit?" tanong ko sa kanya at sinamaan naman nya ko agad ng tingin.

"try mo mag hanap sa hardware, pag may nakita ka bibigyan kita ng 20 thousand mag shopping ka ng mag shopping until you drop" yung line na yan, parang pareho ng sinabi saakin ni drake noon. aish! erase... erase.. erase...

"Tsk! ewan ko sayo!" sabi ko at tuloy lang sa pag lakad, si mama naman nag grocery, ang sabi naman nya samahan ko daw muna tong napaka bait kong kuya sa pamimili ng gusto nya.

"oy teka nerdy! dito tayo" sabi nya at pumasok sa... sa dinami dami ng tindahan ng damit dito dyan pa talaga napili nya? PENSHOPPE? talaga bang inaasar ako ng tadhana? kasi kung oo, CONGRATULATIONS! BWISET NA BWISET NA KO.

"eto ayus to oh, diba Nerdy? teka sukatin ko lang ah" sabi nya at sinukat yung T shirt na ewan ko ba kung bat sya nagandahan dun eh di naman maganda para sakin. sabagay, pang lalaki kasi yun e. umikot ikot muna ko doon sa shop hanggang sa mahagip ng mata ko yung COUPLE SHIT-- ERR. SHIRT. WHATEVER. na parehong pareho sa binili ni drake noon. kaso 550 na yung price.

"Hi miss!" napatingin naman ako doon sa babae, pati ba naman sya?! makikita ko ulit dito?!

"diba ikaw yung nakatapon ng kape sa damit ni... NEVERMIND" sabi ko aalis na sana ko kaso bigla syang nag salita.

"ni sir Drake po? nako mam di ko po makakalimutan yun! kinilig po ako sa pinagawa nya saakin" napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"ano bang pinagawa nya sayo?" curious lang ako.

"Inutusan nya po kasi ako na tapunan sya ng kape, para daw po suotin nya din yung isa pang shirt na hawak ninyo, tutal naman daw girlfriend ka nya kaso ang bitter mo daw" pag kewento nya, seriously? ginawa talaga ng abnormal na bubuyog yun?

"sinabi nyang girlfriend nya ko?" nag nod naman sya.

"at yung shirt na yun mam ay hindi naman talaga 500 pesos ang price, 550 po talaga yun, eh nag pa cute pa po sya saamin para palitan ang price since na cute naman talaga sya kahit di sya mag pa cute, ginawa naming 500 yung price para mag match sa price na gusto nyo" di ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako.

"oo nga pala miss, asan na po ba sya? ang sabi nya po kasi saakin, imbitado daw po kasi kami pag kinasal na kayo eh" wala na wala na sya, at kahit kailan di na sya babalik.

"oo ikakasal na nga sya" sabi ko.

"Yiiiiee, nako mam sigurado po ako! napaka swerte nyo sa kanya, imbitado po kami ah" kinikilig kilig pa sya habang sinasabi yan, napangiti lang ako at naramdaman kong tumulo na ng tuluyan yung luha ko.

"m-mam? may problema po ba tears of joy lang po ba yan?" nag aalalang tanong nya, umiling lang ako.

"hindi naman sya sakin ikakasal e, sa iba, sa di nya gusto, dahil may amnesia na sya" napa nga nga naman sya sa sinabi ko.

"Cassey! nabili ko na, ano tara na?" sabi ni kuya, niyaya pa ko eh nauna naman ng mag lakad palabas ng Penshoppe, kalbuhin ko sya eh.

"Mahal nya po kayo maniwala kayo saakin" sabi nung babae sabay tapik sa braso ko at dumiretso na papunta sa loob ng shop, mahal nga nya ko, di naman nya alam yun, at kahit kailan di na nya malalaman.

Nawala na si kuya, di ko na alam kung saan sya nag punta, siraulo talaga yung leche na yun eh! di manlang ako inantay! abnormal din talaga sya.

Pumunta na lang ako sa parking lot kasi baka nandito sila, kaso wala, lowbat na din ako kaya di ko sila ma tetext or matatawagan, inantay ko na lang sila dito sa harap ng kotse namin.

Inabot na ko ng Century dito kakaantay pero di pa din sila dumadating, asan na ba kasi yung mga yun? sana maisipan nila na pumunta dito sa parking lot.

"Long time no see" nagulat ako sa lalaking nag salita sa likod ko, si dean? andito sya?

"at ang lakas mo noh? nag pakita ka pa talaga saakin pagkatapos mong mag panggap?" tumawa naman sya.

"siguro kailangan lang naten ng, REMATCH" sabi nya sabay tinakpan ng panyo ang ilong at bibig ko, pumapalag pa ko, at nung naka palag naman ako dahil kinagat ko yung kamay nya, agad naman nya kong hinampas sa ulo ng baril na hawak nya.

And everything went Black...

xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now