Chapter Thirty Three

2.2K 37 1
                                    

33: Wedding Day.

--

Kyle's POV

"eh kung sumama na lang din kaya ako sa paghahanap kay cassey?" sabi kasi netong si sofia, colleen at xyron na ako na lang daw ang umattend sa kasal ni drake, wala naman akong ganang pumunta. lalo na't hindi si cassey ang bride tsk.

"sige na kasi baaaaabe" nag puppy eyes pa talaga tong si colleen, makakatanggi pa ba ko? pasalamat sya mahal ko sya nako.

"fine. you win" ngumiti naman sya ng pagkalapad sabay alis kasama yung bagong COUPLE tss. sila din pala mag kakatuluyan sa huli kailangan pa ng kung ano anong bangayan.

**

Ng dumating na yung bride, gusto ko syang matisod habang nag lalakad e. feel na feel nya di naman talaga sya ang dapat kay drake, si cassey ang dapat! kung pwede lang mag protesta dito aba malamang ginawa ko na ora mismo.

"sana di matuloy ito" narinig kong bumulong si Ate devon, oo nga pala, pati sya ayaw to.

"yan din naman ang hiling ko e. kaso wala na tayong magagawa, andito na tayo alangan namang hambalusin natin yung ulo nya para maalala nya kung sino talaga ang babaeng mahal nya" natawa naman sya doon.

"si cassey? nahanap na ba?" tanong nya.

"hindi pa nga eh, nag aalala na nga kami sa kanya, di na nila alam kung saan pa nila hahanapin" napa buntong hininga naman sya.

"problema nga naman, nakikisabay pa, pero sana safe si cassey" tumango lang ako. natapos na din ang kung ano anong seremonyas sa kasal, at KISS THE BITCH-- BRIDE NA. aalis na sana ko kasi ayokong makita yun. tangina yung feeling na yung tropa mo parang wala sa sarili.

"Aaahhh, sh*t ang sakit ng ulo ko!" napalingon ako kay drake, napaupo na sya sa sobrang sakit ng ulo nya.

"help! tulungan nyo sya please!" sigaw ni deserie, buti na lang di pa sya nahahalikan ni drake nun kasi bigla ngang sumakit ang ulo nya, tuluyan ng nakatulog si drake, agad naman syang sinakay sa ambulansya papuntang ospital. (Malamang alangan ng sa Zoo).

"di kaya bumalik ang alaala nya?" tanong ko kay ate devon, di sya nakasama sa ambulansya.

"sana, please sana" sabi nya sabay tayo.

"sumama ka saakin, puntahan natin si drake sa hospital" nag nod lang ako at agad ng sumakay sa kotse.

"sana nga bumalik na lahat ng memories nya" bigla namang nalungot ang itsura nya bat naman kaya?

"oh bat naman bigla kang nalungkot? ayaw mo ba na bumalik na ang memory nya?" she sigh.

"magiging mag kaaway na kasi ulit sila ni dean, ngayon nga lang uli sila naging close" nag taka naman ako sa sinabi nya.

"so magkaaway pala sila?" nag nod naman sya, teka... may naiisip ako pero di ko talaga masabi. ewan ang gulo.

"ayaw kasi ni dean kay cassey" teka tama ba tong naiisip ko? wala kasi kanina sa kasal si dean, di na din nag paparamdam si aldrin, di kaya... hindi mali.

"andito na tayo" napatingin naman ako ss bintana, at sa wakas andito na rin kami. pumasok na ko agad sa hospital, nakita namin sa waiting area si deserie nakatulog na, matulog na kaya sya habang buhay? tss. ang sama ko. >:)) pumasok na agad kami ni ate devon sa loob ng kwarto ni drake, mga ilang minuto din bago sya nagising.

"drake, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya, napahawak lang sya sa ulo nya.

"ok ka lang ba? ano pang masakit sayo?" tanong ng ate nya na halatang nag aalala.

"si cassey, kailangan ako ni cassey" nag katinginan kami ni ate devon.

"drake? k-kailangan ahmm, yung kasal nyo?" tanong ko sa kanya at agad nya kong sinamaan ng tingin.

"stupid, its me bumalik na yung alaala ko si dean, may binulong sya saakin nung time na nasa hospital pa ko, tulog ako nun pero rinig ko yung sinabi nya" sabi ni drake na mukhang masakit sakit pa yung ulo dahil pumipikit pikit pa.

"a-anong sinabi nya sayo?" inisip muna ni drake ng mabuti yun at saka nag salita.

"save Your girl in the Warehouse" sabi ko na nga ba! tama ang hinala ko! si dean nga ang kumidnap kay cassey.

"kailangan natin mapuntahan si cassey, alam ko kung saang warehouse yun" tatayo na sana si drake kaso pinigilan sya ng ate nya.

"hindi pwede ituro mo na lang saamin kung asan ba yung warehouse" umiling naman si drake.

"ok naman na ko eh! kaya ko na yung sarili ko, hindi ako pwedeng maging mahina ngayon ate! kailangan nya ko! kailangan ako ni cassey" sabi ni drake at agad ng tumakbo palayo, sinundan naman agad namin sya ni ate devon at pumunta na sa warehouse na sinasabi nya.

**

Cassey's POV

Para na kong baliw na nakatali dito, nakatingin lang ako sa mga pating na nasa loob ng isang malaking aquarium na babagsakan ko, sinusubukan kong makipag kaibigan sa kanila, baka sakali di nila ko kainin pag nahulog na ko, BALIW na nga ako.

"Noona, naiinip ka na ba? easy ka lang ha, babagsak ka din dyan" sabi ni aldrin at sabay tawa.

"oo naiinip na ko, pwede ba? may pa timer timer pa kayong nalalaman, hindi na sya dadating dito kaya patayin nyo na lang ako!" sigaw ko habang umiiyak, alam ko namang katapusan ko na.

"wag ka namang masyadong ma inip dyan, 30 min. na lang naman tapos, tapos ka na" sabi naman ni dean sabay tawa, leche. leche silang lahat!

"aww kawawa naman sya, wag ka ng mag expect na dadating pa si drake hahaha!" sabi ni dean habang pumapalak pak pa.

"SHIT! LET GO OF MY GIRL!" napatingin kami doon sa nag salita, hindi ako makapaniwala, si drake, andito sya kasama nya si kyle at si ate devon pati na din sila sofia, xyron at colleen. nakaramdam ako ng konting pag asa na maari pa kong maligtas dito, pero mas nakakaramdam pa din ako ng matinding kaba.

"ayun! bumalik na ang bisita, sige pakawalan mo na sya" sabi ni dean at agad namang tumakbo si drake papunta saakin, di ako makapag salita ok na ba talaga sya?

"that! hanapin mo ang mga susi dyan, bilisan mo!" sabi ni Aldrin at binato kay drake yung napakadaming susi para ma buksan yung stop button ng timer. nag madali naman si drake na hanapin yung susi, hanggang sa 5 seconds na lang oras di pa nya nahahanap yung susi, at nung nag 3 seconds na lang, sa wakas nahanap na nya at pinindot yung button...

*Bang!*

Akala ko makakaligtas na ko, hindi pala...

xxx

Behind Her GlassesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt