Chapter Fifteen

2.7K 47 1
                                    

Yung first kiss ko napunta lang sa taong kinaiinisan ko, ang sarap pumatay sa totoo lang nakakaimbyerna kasi! ilang years kong iningatan yung first kiss ko tapos mapupunta lang sa isang Drake Alcantara? grabe lang huh.

"oy nerdy, bat kanina ka pa tahimik?" napabalik lang ako sa katinuan nung narinig ko si kuya, oo nga pala nag uusap kami kasi plano namin mag tayo ng Flower Shop, mahilig kasi kaming dalawa mag alaga ng halaman.






"wala may naisip lang" sabi ko sabay tinuloy ko na yung tingin ko sa mga magazine.




"si drake no?" tinignan ko naman sya ng masama, as in masamang tingin, naiinis ako pag naririnig ko yung pangalan ng drake na yan.






"bakit ko naman sya iisipin huh?" tumawa naman sya ng mahina.




"wala lang, nabanggit kasi sakin ni Devon na pinapa enggage daw si drake kay Deserie" napaisip ako dun, si drake? papayag na mapakasal sa kung kani kanino lang? tss.







"Deserie? sino naman yun?" sabi ko.







"isa syang Zamora, pamilya ng mayayaman, napaka bitchy daw non sabi ni Dev" bitchy? bagay lang sila ni drake, tss.





"ah" matipid kong sagot, tutal ayoko naman ng topic.





"selos much?" sabi nya with matching nakakalokong ngiti at tingin, sapakin ko na kaya to? pasalamat sya kapatid ko sya kundi, nako! ayy Cassey ang yabang mo kala mo naman kaya mo kuya mo psh.











"selos mo muka mo, bakit naman ako mag seselos sa mokong na yon? dapat nga yun sa kanya, magpakasal sya sa kapareho nya, bitch" tumawa lang si kuya, sabi nya napaka defensive ko daw eh totoo naman eh, tumayo na lang ako at nag lakad lakad sa labas, wala namang pasok ngayon eh, pumunta nanaman ako sa PARK.

"hayyy, ang superman ko parang bula, bigla na lang nawawala" sabi ko habang nakaupo sa swing, at dinuduyan ko yun ng dahan dahan.








"andito ka ulit" sabi nya at umupo sa katabi kong swing, sinusundan ba nya ko?




"anong ginagawa mo dito dean?" ngumiti lang sya, infairness, gwapo naman pero sabi ni drake masama daw ugali.







"wala naman, naalala ko lang kasi si princess" agad akong napatingin sa kanya.





"p-princess?" nag nod sya at nakatingin labg sa langit.





"oo ako kasi yung superman nya, pero di ko alam kung naaalala nya pa ko ngayon" nagulat ako sa sinabi nya, di kaya sya na nga si superman? pero pano? ang sabi ni drake nasa canada na daw sya, naguguluhan na ko.






"a-ako si p-princess" napatingin sya agad sakin.





"ikaw si princess?" tanong nya sakin.





"oo, ako yung kinalimutan mo" kumunot ang noo nya sa sinabi ko, bakit? diba totoo naman.





"si drake ba may sabi nyan? hindi totoo yun, lagi akong pumupunta dito kasi ikaw ang nasa isip ko, kung ano man ang sinabi nya sayo, di yun totoo" di ko napigilan na yakapin sya, ang tagal ko syang hinintay tapos nag sinungaling lang pala sakin yung drake na yun, walang hiya talaga sya.







"miss na miss na kita superman" naiyak na ko, sya kasi ang pinaka special sa lahat ng kaibigan ko.





"ayoko na may iba pang makaagaw sayo" kumalas agad ako sa pag kakayakap sa kanya.






"anong ibig mong sabihin?" ngumiti sya at pinunasan ang luha sa mata ko.






"be mine" nabigla ako sa sinabi nya kaya di ako nakapag salita, nakatingin lang ako sa kanya at nag iisip kung anong isasagot ko sa tanong nya.






"p-pero" tumayo na lang ako agad at umalis doon, naisip ko kasi si kyle, pano kung pumayag ako sa sinabi ni dean? edi masakit yun para kay kyle, sorry superman pero di ako pwedeng mag pa dalos dalos.











--

*School

Habang nag lalakad ako dito sa Corridor lutang ang isip ko, simula kaninang nag kaklase wala akong natutunan kahit nakikinig ako sa Teacher namin.





"drake, please forgive me, please!" narinig ko yun banda sa janitors room kaya pinuntahan ko at sinilip, nakita ko si drake at yung babae, nakatayo si drake tapos nakaluhod sa kanya yung babae at nag mamakaawa, bakit ba ang daming eksena ng kupal na to?








"ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tapos na tayo!?" sigaw ni drake, anong tapos?





"drake, mahal na mahal kita, I can't let you go" sabi ng babae na halos humagul gol na kakaiyak.







"if you don't leave me here, sisiguraduhin kong ma bubully ka ng matindi dito" nag pigil naman ng iyak yung babae.






"fine, kung yan ang gusto mo" sabi nya sabay tayo, sa sobrang bilis ng pangyayari di ako nakaiwas agad sa pinto kaya pag bukas nya ng pinto, ayun natamaan yung ilong ko na pango na ata ako eh, di manlang sya nag sorry at dumiretso na sa paglakad paalis, nakahawak lang ako sa ilong ko namumula na huhu.. yan ang napapala ng chismosa cassey.






"masakit?"



"ay chismosang palaka!" napahawak ako sa dib dib ko sa sobrang gulat. etong drake na to bigla na lang nag sasalita.






"ikaw, sinungaling ka" sabi ko agad sa kanya, wala na kong sasayanging oras dito.






"anong pinagsasabi mong manang ka?" binatukan ko sya agad.





"ang sabi mo, bestfriend mo si superman? ayun pala kapatid mo! tapos yung sinabi mo na kaya nya ko kailangang kalimutan dahil mahal nya ko! ang sabi mo pa ang hirap ng pinagdadaanan nya ngayon dahil sakin!" tinignan nya lang ako ng walang emosyon, inaasar nya ba ko?








"si dean? huh, sabi nya sya si superman?" sabi nya with matching maangas na tawa.







"OO" sigaw ko sa kanya.







"eh T*ngina lang! naniwala ka naman agad?!" sabi nya sabay sinuntok yung pinto, nagulat ako sa ginawa nya kaya di ako agad nakapag salita.








"Drake!" alam kong si Kyle yung nag salita nakita ko syang lumapit saamin, at hinawakan ako sa braso.









"wag ka ngang makialam dito! napaka walang hiya ni dean! sinungaling sya!" sigaw nya di ko alam kung bakit sya nag kakaganyan, napaka affected nya.












"pwede ba drake! tinatakot mo na si cassey! tara na cassey, ihahatid na kita sa inyo" sabi ni kyle at hinatid na ko samin.









Ang akala ko ba may Fiancee na sya? eh bakit may babae syang kasama kanina? ang sama nya talaga, pwede ba na kahit man lang kay Deserie mag paka good boy sya? bakit ba sya abnormal? ang hirap nyang intindihin, sobrang hirap..









xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now