Chapter Twenty Four

2.3K 38 0
                                    

5 weeks later...

Grabe, nakakapagod pala pag nag gym, yung pawis ko tagaktak kung tagaktak! pagoda versosa na talaga ko pero kailangan, ayan nanaman tayo sa 'kailangan'.




"ano cass? pagod na? tara kain muna tayo" buti naman at naisip nya yan?




"oo tara na" sabi ko.




"girls! wait nyo kame" oo nga pala, kasama din namin tong si Aldrin at Hangin-- Xyron.




"so san tayo kakain?" sabi ni aldrin.




"ahmm, mag coffee and cake lang tayo, bawal kumain ng madami si cass, sayang diet" what?! huhu, pumapasok na sa isip ko yung masasarap na pagkain eh!




"kawawa naman si noona, pakainin mo naman sya kahit ngayon lang muna, di naman siguro mag rereflect agad yun sa katawan nya diba?" nag isip naman si sofia sa sinabi ni Aldrin, please! pumayag ka na.




"ok fine, but control pa din ah" nag nod naman ako, hinila naman ako agad ni aldrin.




"uy aldrin! san mo dadalhin yang babaeng may pinakagwapong pinsan?" sabi ni xyron sabay ng papogi sign pa binatukan lang sya ni sofia.




"date" nagulat ako sa sinabi ni aldrin, hinila nya lang ako palabas saka pumasok sa isang restaurant.




"uy anong date ang sinabi mo don?" tumawa naman sya saka tinawag yung waiter.




"don't take it serious noona, joke lang yun" sabi nya at nag order na ganon na din ako, hays ang loko nya talaga, five weeks ago na kaya close na close na talaga kami, ang bilis noh?




"noona ka ng noona eh mas matanda ka sakin" tumawa naman sya.




"isang taon lang naman ang tanda ko sayo ah, tsaka para sakin yung noona, nickname mo na yun" nagtaka naman ako.




"bakit mo naman ako kailangan bigyan ng nickname?" tumingin naman sya sakin.




"kase nag bibigay talaga ko ng nickname sa mga taong special sakin" may naalala ko sa sinabi nya, si drake, I just remember that-- Manang.




"are you ok noona?" napatingin ako sa kanya.




"y-yes, im ok" sabi ko sabay ngiti at nag patuloy na sa kinakain, umayos ka naman cassey, nakakahiya kay aldrin. Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa gym at niyaya na yung dalawa na umuwi, by the way nadatnan nanaman namin sila ng nag aaway tss. as usual. walang pagbabago.





"ano nanamang pinagawayan nyo?" tanong ko. nasa kotse kami ngayon ni aldrin at sya ang driver, nasa likod naman yung dalawang aso't pusa.





"pano ba naman kasi cass, napaka yabang netong pinsan mo!" sabi ni sofia.





"why? Look, im just saying the truth, na napaka gwapo ko, napaka yaman ko alam mo hinahabol na nga ko ng mga koreanang chix doon kanina sa gym eh!" nag roll eyes naman si sofia.





"hinahabol? baka tinatangay lang sila ng hangin mo?!" napansin kong tumingin si aldrin sa rare mirror.





"kayo ha, alam ko na kung saan hahantong yan, pag naging kayo talaga, yari kayo sakin" sabi ni aldrin kaya tumawa naman ako.





"EEWW! AS IF NAMAN NA MAY PAG ASA!" tinignan naman ng masama ni xyron si sofia.





"oy sopeng alam mo kung gusto mo ko maka date, pipila ka muna, kasi ang daming may gustong makipag date sakin
eh! alam mo naman napaka gwapo ko" tinignan naman sya ni sofia.





"Wow ha! saan ka ba humuhugot ng kakapalan ng muka? sa bulsa mo? penge naman dyan" pangaasar ni sofia.





"wait, kukuha ako tapos isasampal ko sayo" xyron said then insert his hands to his pocket, agad naman syang pinalo ni sofia sa braso.





"ARGH! kupal ka talaga kahit kailan!" sigaw nya, kaya tumawa lang ng tumawa si xyron, infairness ha, bagay sila.





"tama na yan andito na tayo" sabi ni aldrin at hininto ang sasakyan sa harap ng bahay namin, bumaba naman agad si sofia, sinundan naman sya ni xyron at kinulit ng kinulit don sa labas, ang lakas talaga ng sayad nila.





"ahm, aldrin thank you ha una na ko" bababa na sana ko kaso pinigilan nya ko.





"may sasabihin ako sayo" hinarap ko naman sya ng maayos.





"ano yun? importante ba?" nag nod naman sya.





"sana pag nag bago ka na, ikaw pa din yung noona ko kahit anong mangyare" I smiled.





"magiging matapang lang ako, lets just say na kasama na din yung pagiging maldita, pero wag kang mag alala, i'll be your noona" he smiled.





"thanks"





"may sasabihin ka pa ba?" nag nod naman sya.





"si.. si drake... mahal mo pa ba?" mahal ko pa nga ba sya? ewan ko di ko alam.





"h-hindi ko alam, bat mo naman natanong?" sabi ko, umiwas naman sya ng tingin.





"wala never mind, sige you can go now" sabi nya sabay ngiti. lumabas naman ako agad ng kotse.





"leave me alone!" sigaw ni sofia.





"hoy xyron! umuwi ka na nga" sigaw ko kay xyron, lumapit naman sya agad sakin tawa pa sya ng tawa.





"sige insan bye" sabi nya sabay pasok sa kotse, nung nakaalis na sila pumasok na din kami sa loob ng bahay.





"yang pinsan mo ha, pinapakulo nya talaga yung dugo ko!" sabi ni sofia sabay inom ng tubig, ako naman umupo sa sofa.





"hayaan mo sya, abnormal talaga yun" umupo naman sya sa tabi ko.





"matanong nga kita, ikaw ba, gusto mo pa din ba si drake?" aish! ano ba yan! lagi na lang si drake! pano ko sya makakalimutan kung sya na lang lagi ang bukam bibig nila saakin?!





"wag mo na nga kong tanungin about dyan dahil di ko naman alam ang isasagot ko" tumayo naman sya at humarap sakin.





"oo na, halika na, may binili nga pala akong damit, oh, not just damit, sexy na damit for you!" hinila nya agad ako papunta sa closet nya, hinila na nya ko agad di pa nga ko pumapayag? pag punta namin sa closet nya, grabe ang daming damit dito at bakit ang sesexy? di ko feel yan.





"sukatin mo yan dali!" sabi nya at inabot naman saakin yung tube na floral white dress na-- sobrang iksi lang naman.





"Nah. ayoko nyan" sumimangot naman sya.





"ano ka ba! sabi mo gusto mo mag bago tapos aayaw ayaw ka dyan." i sigh, wala kong nagawa kundi suotin na lang yun.





Just wait and see.




xxx

Behind Her GlassesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang