Chapter Seven

3K 58 1
                                    

"Okay class, meron tayong pageant dito sa school, sinong gustong mag represent?" nag taas naman ng kamay si Sofia classmate namin, sya naman pinaka maganda dito eh.

"sir! I want this manang to be the contestant" nanlaki naman yung mata ni sofia sa sinabi no drake.

"are you kidding me drake?! anong laban nyan?!" sumabat naman agad si Colleen.

"wag nyo kasi ismolin ang nerds" napatingin naman sakanila si sir.

"tama na yan, cassey ikaw na ang sasali" sabi ni sir sabay alis, napadabog naman si sofia at nagsigawan sa room namin like parang boto sila sakin, lintek ka drake kasalanan mo to.

"you just need a make over girl" sabi ni Colleen palapit pa sakin, naniniwala talaga sila na maganda ko? ay hindi sabihin na lang natin na may ilalaban ba ko sa mga sasali doon?

"pero wala kong laban dun" sabi ko.

"pwede ba manang? wag ka na mag pabebe" sinamaan ko naman ng tingin tong si drake.

"alam mo ikaw may kasalanan neto eh ano bang pumasok dyan sa kukote mo at ako ang pinasali mo?" he laugh.

"wala, para makita ko na walang pag babago yung make over mo kahit i make over over over ka pa walang effect hahaha!" binatukan naman sya ni Colleen.

"ang over mo Alcantara! wag ka ngang harsh kay Cassey, just watch and learn na lang" napatingin naman ako kay Colleen.

"Yah yah yah whatever, basta pupusta pa ko pag gumanda sya hahalikan ko sya and kapag walang nangyari ako ang mag didikta ng isasagot nya sa question and answer kailangan nyang sabihin yun kahit walang connect sa tanong, like ang question is 'if you win this contest, what is the best thing you will do?' tapos ang isasagot nya 'mag ulam ng tuyo' hahahaha-- ARAY!" kinurot nanaman sya ni Colleen, kahit kelan talaga! napaka daldal wala namang kwenta yung sinasabi.

"Fine! mag papa make over na ko" aist! may sarili talagang buhay tong bunganga ko, eh pano yun pag gumanda ako? yung first kiss ko mawawala, pag panget pa din ako, mapapahiya naman ako, waaa! Cassey ang tanga mo.

"Good girl Cassey!" sabi ni Colleen with matching clap hands.

"by the way new bestie na tayo ha?" sabi ni Colleen nag nod naman ako at tuwang tuwa nanaman sya, Childish ka te?

"sige bye manang, lets see the result! hahaha" tawa pa sya ng tawa habang nag lalakad paalis. bwiset. napaka stupid nya.

"Cassey!" nagulat ako sa sigaw ni Sofia.

"oh ano Sofia? kakalabanin mo si Cassey? eh sa muka pa lang walang wala ka na sa kanya! duh?" sabi ni Colleen tumayo ako para hawakan sya sa braso.

"Colleen, ay este bestie baka nakakalimutan mo? Queen Bee ang kinakalaban mo?" bulong ko sa kanya.

"Wala akong pake kung queen bee pa yan oh kahit anong queen" sabi nya habang nakatingin kay Sofia.

"Fine! but I swear! ako ang may pinaka malakas na tawa pag nakita ko yung pag mumuka ng babaeng yan!" sabi nya sabay alis kasama mga alipores nya, napaka war freak nya talaga.

"Colleen dapat di mo na yun ginawa" tumingin naman sya sakin.

"alam mo, matuto kang lumaban hindi yung ganyan nag papa api ka lang" sabi nya at kinuha na yung bag nya.

"uwi na ko, text kita bukas kung nasa parlor na ko go with your mom ok?" nag nod ako at ngumiti naman sya tapos umalis, lumabas na din ako sa classroom habang nag lalakad ako may sumitsit sakin...

"pst! pst!" napalingon ako, nakita ko si drake paglingon ko nag lick pa sya ng lips sabay kindat at nag wave, na stuck lang ako sa kinatatayuan ako shet. naimagine nyo ba yun? siguro kung ibang babae lang ako halos maputol na ugat nun kakatili eh kasi naman! oo na kinilig na ko na nainis sa ginawa nya basta yun di ko ma gets, letcheng lalaki yun dami kasing alam! umuwi na lang ako kung ano ano na pumapasok sa isip ko eh.

"Ma im Home" sabi ko habang papasok ng bahay, si kuya naman yung sumalubong sakin.

"nerdy kain na" I just rolled my eyes.

"ma, samahan mo ko sa parlor bukas" lantang sabi ko kay mama, sila namang tatlo naubo ang o.a ha.

"apo? ikaw ba yan?" - lola

"anak is that true?" - Mama

"hoy nerdy nakakatawa ka" - Sino pa ba? edi yung kapatid kong abnormal. tss.

"pwede ba? di ako nag bibiro guys, sumali ako ng beauty pageant, I mean THEY PUSHED ME para sumali" napanga nga naman sila, ayst! ayoko na mag explain please lang! mangangalay lang yung panga ko kaka dal dal dito sa mga to.

"Wow! talaga anak?! ako na bahala sa gown mo promise! isasama ko din si Devon sa pag pili ng gown! Im so excited!" ma? yung totoo? teenager ka pa ba?

"nako apo, Im preety sure na ikaw ang mananalo" sabi ni lola, I just smied at her.

"Hahaha! nako nerdy sis, basta ako mahal kita ah, pag walang nangyari sa muka mo dont slit your wrist hahaha! --- Ouch!" kinurot naman sya ni lola, bagay sila ni drake mag sama nga sila!

"kuya pwede ba? tsk ayoko nga sumali dyan eh" sabi ko sabay inom ng juice..

"anak! nako dont change your mind baby, I promise you, magiging perfect ka" I looked at mom.

"teka, tatawagan ko si Devon, ngayon na tayo bumili ng gown!" sabi ni mama at nilabas yung phone nya, di ko na pinigilan at di naman sya mag papapigil.

"hayst mama, bakit nyo pa iistorbohin si Babe? este si Devon?" yiiee babe pala ha, di lang pala si drake ang mais, pati si kuya they are so match, mga gwapong corny hahaha!

"muka namang crush ni Drake tong si baby ko kaya di maiistorbo yun si Devon Coz her brother likes your sister!" hindi ako nabulunan, hindi rin ako nagulat, nabuga ko yung juice na iniinom ko.

"Mama! badboy kaya yun si drake!" sabi ni kuya.

"oo nga mama, at isa pa hindi tulad ko ang type non"

"you guys, sobrang numb na ba kayo? di nyo ba nahahalata? kahit bad boy sya he can't control his heart kung sino mamahalin nya"




xxx
.

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now