Chapter Twelve

2.9K 60 1
                                    

Di pa din ako maka move on sa sinabi sakin ng drake na yun, kung makapagsalita sya akala mo sya si superman, eh kaibigan lang naman daw nya.

"Cassey ano bang nangyari sayo?" kaharap ko si sir ngayon, sobrang na dissapoint sila sa nangyari sa contest.

"sorry sir, di ko po kasi nagustuhan yung question sakin" totoo naman, ayoko nung question na yun, sa dinami dami ng choices bakit ba kasi yun pa yung napili ko.

"sige di na kita tatanungin, wag mo ng isipin yun, dalhin mo na lang to sa Faculty" sabi ni sir at inabot sa akin yung madaming papel, habang nag lalakad ako sa corridor nakarinig ako ng kalabog malapit sa lockers. Na curious ako kaya hinanap ko kung saan yun.

"drake?" bulong ko, nakita ko sya at si sofia, naghahalikan ewan may naramdaman akong kakaiba, nakasandal si sofia sa mga locker, walang tao dito kundi kaming tatlo lang nung narinig ako ni drake, hinahalikan nya si sofia ng nakatingin sakin, nangaasar ba sya? kasi ako sukang suka na ko sa ginagawa nila. naramdaman kong may luhang bumagsak sa mata ko, bakit ako umiiyak? dahil ba nakakita ko ng taong naghahalikan na parang mag she-shake hands lang? nagulat ako ng may nag takip ng mata ko at nilayo ako doon at dinala sa garden.

"your eyes dont deserve to see a scene like that" nakita ko si kyle, sya yung naglayo saakin don.

"bakit nila ginagawa yun? talagang dito pa sa school?" umupo naman sya sa wooden chair.

"forget about it, baka na papraning na si drake dahil sa babae, mas naging playboy at badboy na sya" napaisip ako sa sinabi nya, isang Drake Alcantara mapapraning sa babae? thats imposible. kahit kailan di sya mag seseryoso.

"dahil sa babae? as if naman na seryoso sya, tignan mo nga oh, nakita ko syang nakikipag harutan sa iba" tumayo sya at kinuha yung dala kong mga papel.

"I know him sweetheart, ginawa nya lang yung kanina para makalimutan yung sakit na nararamdaman nya but im sure yung babaeng mahal nya ang nasa isip nya habang ginagawa yun" sabi nya sabay talikod, "ako na mag dadala nito sa Faculty, go back to your room" sabi nya sabay alis. bat ba napaka misterious nila?! aist! kainis.

"manang" gulat na gulat ako nung nakita ko si drake sa likod ko, iba na yung itsura nya, mas gumwapo sya.

"a-ano?" lumapit sya sakin, kahit isang beses ba di nya ko tatawaging Cassey?

"yung kanina, mali ang nasa isip mo ginawa ko lang kay sofia yun dahil bored ako gets mo?" sabi nya. wow huh anong akala nya saaming mga babae?! libangan lang?!


"ang sama mo, ang babae hindi libangan" sabi ko at iniwan na sya dun kaso hinatak nya yung kamay ko, edi habang nag lalakad sya hawak nya yung kamay ko.

"both of you, saan kayo galing?!" nako, terror teacher na pala ang nandito.

"sorry mam, nakita ko kasi tong si Ms. Bernardo na nag ditch class kaya dinala ko sya dito" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, ako pa talaga huh?! sino kayang di pumasok sa subject ni sir Ryan para lang makipag halikan?!

"mam hin--" di ako pinatapos mag salita ni mam.

"na dissapoint mo na nga ako sa contest, ngayon na dissapoint mo nanaman ako di ko akalain na magagawa mong mag ditch class" woah. naniniwala talaga sya sa drake na yan huh?! mam hindi yan totoo! trust me!

"oh pano ba yan manang? pumunta ka na sa detention room" sabi nya sabay ngiti, sinamaan ko lang sya ng tingin. bwiset wala na kong nagawa kundi pumunta ng detention room, kung kaya ko lang suntukin yang drake na yan ginawa ko na, pero pasalamat sya dahil babae ako. psh.

--

Umuwi na ko agad sa bahay, buti di nalaman ni kuya yung kanina, nung na detention ako, kung nalaman nya yun nako, kawawa ako sa pangaasar nya.

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now