Chapter Twenty Two

2.5K 45 2
                                    

Ngayon na ko dapat umalis, dahil sa kailangan daw, kahit na ayaw ko kailangan pa din, hayyss bwiset na 'kailangan' yan.

"ate devon, ngayon na po ako aalis, pakisabi na lang kay drake na nasa Korea na ko pag nagising na sya" sabi ko, inaantay na ko nila sofia at xyron, well habang inaantay nila ko, nag babangayan pa tss.

"oo naman cassey, mag ingat kayo" malungkot pa din sya, kasalanan ko talaga to eh, nagi guilty tuloy ako.

"sorry noona, kasalanan ko kung bat sya nagkaganyan, umamin na kasi sya sakin ng feelings nya tapos ni reject ko sya at ang sakit pa ng sinabi ko, sorry talaga" tumingin naman sya sakin.

"walang may gusto ng nangyare, at wala kang kasalanan di ako galit sayo cassey" sabi nya sakin ng nakangiti, buti na lang talaga ang bait nya.

"sige po ate devon, alis na kami" ngumiti lang sya tapos nag nod, tinignan ko lang si drake at agad ng umalis, pag labas na pag labas ko ng kwarto nadatnan kong nag aaway si sofia at xyron.

"ano bang nangyayari sa inyo?" at ang masaya, di nila pinansin yung sinabi ko at tuloy pa din sa pag babangayan.

"pasalamat ka nga ang gwapo ng kasama mo eh!" sino pa ba? edi si Xyron. tss.

"wow ha! gwapo na ba yan sa paningin mo? ghaad! ilang page ba yang muka mo ha?!" sabi ni sofia habang naka pamewang.


"so miss, sa tingin mo ba may page at ang gwapo kong muka?" sabi ni xyron with matching taas ng kilay.

"oo! siguro hanggang page 700 yan oh higit pa!" Tinitignan ko lang sila ng masama.

"oh talaga lang ha!? bakit nabilang mo ba ha?!" I sigh.

"ATTENTION LANG NAMAN SA INYO, PWEDE BA PANSININ NYO KO? KASI ANONG ORAS NA OH, ANG ALAM KO KASI MAY FLIGHT TAYO, KUNG MAG AAWAY NA LANG KAYO FOREVER, MAG PAPAALAM NA KO, KASI AYOKO MAIWAN NG EROPLANO, GETS?" buti kami lang yung tao dito, ang lakas kase ng sigaw ko.

"ETO KASING PINSAN MO EH!/ETO KASING KAIBIGAN MO EH!" sofia/xyron.

"wag mo nga kong sabayan!" sigaw ni sofia, nag roll eyes lang si xyron, di ba talaga sila na dala sa sigaw ko kanina? ang titibay ampfta.

"kung ok lang sa inyo, pwede na ba tayong umalis?" nag nod naman si sofia at lumapit sakin, sinamaan lang sya ng tingin ni xyron, para kong may alagang aso't pusa ngayon eh.


--

Korea.

Tinext ko si colleen at kyle, sabi ko na nandito ako sa Korea kasama tong dalawa, doon muna sila mag stay sa pinas dahil madami pa daw kailangan asikasuhin sa mga family buissness nila.

Naalala ko nanaman si drake, gising na kaya sya? sana naman ok na sya ngayon, sana di na lumala yung kondisyon nya ilang years din ako tatagal dito, teka paano kaya yung sa kanila ni deserie? pano kung pumayag syang mapakasal dun pagkatapos mag aral? aish. kung ano ano na iniisip ko.

"ang ganda pala dito!" sabi ni sofia habang iniikot yung tingin sa paligid.

"ngayon ka lang ba nakapunta dito? para kang batang dinala sa Luneta eh" tinignan naman nya agad ng masama si xyron, dont tell me may third round pa sila, yes third round, yung isa dun sa hospital, yung isa sa eroplano, next battle dito.

"sasabihin ko ba na ang ganda pala dito kung nakapunta na ko? duh" pagtataray ni sofia.

"tara punta tayo sa Namsan Tower?" agad namang ngumiti ng malapad si sofia.

"gusto ko yan!" ngumiti lang ako.

"bago tayo pumunta doon, sasakay muna tayo ng cable car ok?" nawala naman yung ngiti ni sofia, takot ba sya sa cable car?

"k-kailangan ba talaga?" nag nod lang ako.

"yea" tipid kong sagot.

"eh may Aerophobia ko, takot ako sa matataas" bigla namang natawa si xyron.

"grabe naman yun sopeng, takot ka talaga? HAHAHA! ang duwag mo" sabi ni xyron na ikinainis naman ni sofia.

"kasalanan ko ba na may takot ako?! at isa pa wag mo nga kong tawaging sopeng!" sabi nya sabay bato kay xyron ng sapatos nya, buti nasalo yun ni xyron.

"Oooh! buti gwapo ko kaya ko nasalo" connection, Failed.

"so what's the f*ckin connection? pag gwapo ka masasalo mo? tss" tumawa nanaman si xyron.

"ganon talaga pag pogi, sorry naman, kung kasalanan lang ang pagiging gwapo, baka na death penalty na ko" sofia rolled her eyes.

"eh kung patayin na kaya kita ngayon?!"

"wala pa namang batas na pinapatupad doon, wag ka exited sopeng" agad naman syang sinuntok suntok ni sofia sa dib dib, tawa lang sya ng tawa, nako naman, di ko na alam ang gagawin ko sa dalawang to.

"tara na! ano ba!" sabi ko, at agad naman silang tumigil sa pag aaway.

"pft. eto na" sabi ni xyron na papalapit sakin, nag pipigil pa ng tawa.

"nakakainis na yang pinsan mo! mahangin na gago pa" sabi ni sofia at agad namang nag react si xyron.

"Gwapo, hindi Gago." nag lip bite na si sofia sabay sigaw.

"ARGH! BWISET KA TALAGA! LECHE! PANIRA KA NG ARAW KO DITO SA KOREA! SAKSAKAN KA NG KAEPALAN! LECHE KA TALAGAA!" feeling ko, nakalunok sya ng microphone, sobrang lakas at tinis ng sigaw nya, ang sakit talaga nun sa tenga.

"HAHAHAHAHA! bwishet ka talaga! bwishet! HAHAHAHA!" ginagaya gaya pa ni xyron yung boses ni sofia, kaya kinurot ko sya agad.



"hahaha! oo na sorry na" sabi ni xyron at makikipag shake hands sana kay sope-- err. sofia, kaso tinabig nya yun.




"ayoko nyan!" sabi ni sofia, at lumapit sakin. "cass oh! yung pinsan mo"




"pwede ba? bigyan nyo naman ako ng katahimikan" sabi ko at agad ng naglakad paalis, di na lang ako pumunta sa Cable Car kase nga takot tong si sope-- I mean, Sofia.




"sorry na nga sopeng eh!"



"Yah! shut up!" hayys, rinig na rinig ko pa din sila, nasa likod ko lang eh. -.-





*beep!*



From: Halmoni (Lola)

Cassey, nasa Singapore ako dahil may inasikaso, makikipag kasundo ang company natin sa company doon.




Singapore? kakagaling ko lang doon ah? bat di nya nabanggit sakin doon? baka busy kasi sya, hayst so ang ending neto ako lang mag isa ang mag cocontrol sa aso't pusa na to.




Umuwi na kami agad, di pa din sila tumitigil sa pag aaway, kung di ko lang kaibigan si sofia, at kung di ko lang pinsan si xyron, baka hinulog ko na sila kanina sa eroplano.




"ang laki pala ng bahay nyo dito cass eh" sabi ni sofia, mag sasalita pa sana si xyron kaso inunahan ko na sya.




"oo naman, by the way, bukas mag eenrol na tayo mag pahinga na kayo, ikaw xyron umuwi ka na, utang na loob" sabi ko tumawa naman si xyron.




"yes mam!" sabi nya at nag sallute pa sabay alis.




New life again cassey, wala na si drake, wala na lahat noon, New life New you.





xxx

a/n: by the way, lemme tell you something guys, si Colleen totoong tao sya she's a friend of mine, pati si Kyle pinsan ko naman sya ;)

just sayin. HAHAHAHA.

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now