Chapter Thirty

2.1K 37 0
                                    

Sofia's POV

Nagka amnesia na pala talaga si drake, hays, kawawa naman si cass kailangan talaga nya mag move on ng bongga.

Nandito ako sa mall, siempre trip ko mag shopping eh! hahaha! kaso nakaramdam ako ng tawag ng nature kaya nag c.r muna ko, pag pasok ko sa cubicle naramdaman kong may pumasok din sa kabilang cubicle, pag labas ko nag hugas na ko ng kamay lalabas na sana ko ng c.r kaso naka lock yung pinto.

"oh my gaad! help! na lock kame dito oh!" sigaw ko, naalala ko yung tao na pumasok kanina sa cubicle kaya tinignan ko yun then lumabas na yung babae, teka? parang...

"anong ginagawa mo dito?!" sabi nya saakin.

"ikaw? anong ginagawa mo dito?! diba nasa singapore ka?!" bakit sa dinami dami ng pwedeng makita dito, etong deserie na to pa? bakit ba ang malas ko?!

"shut up my little sister, hindi ikaw ang may ari ng pilipinas" yes tama kayo ng basa, kapatid ko nga sya, she is Deserie Irene Zamora, ang walang hiya kong kapatid, alam ko ang tungkol sa kanila ni drake, kaya gumagawa din ako ng paraan para mapag hiwalay sila, di ko masabi kay cassey na kapatid ko tong bruha na to.

"yung sa inyo ni drake, itigil mo na yon wag ka na mag pakasal sa kanya!" tumawa naman sya.

"bakit ko ititigil? mahal nya ko at mahal ko din sya!" this time ako naman ang natawa.

"hindi ba't may amnesia na sya? kaya di nya alam kung sino ba talaga ang mahal nya! at dapat si cassey yun" nagka salubong naman ang kilay nya sa sinabi ko.

"you mean is, cassey bernardo?" nag nod ako, well kilala nya pala si cassey?

"oo sya! sya ang tunay na mahal ni drake at hindi ikaw" sabi ko, halatang galit na galit na sya.

"well para sabihin ko sayo ako na ang mahal ni drake ngayon!" grabe, feeling nya talaga mahal sya ni drake, lakas talaga ng sayad nya.

"nakalimutan nya lang si cassey! at under sya sa dad nya kaya ganon!" sigaw ko.

"shut up!" sabi nya at sinampal ako, gumanti din ako ng sampal sa sobrang lakas halos napaupo sya sa sahig.

"dont you dare to touch me! bitch!" sabi nya sabay tulak sakin, kaya nauntog ako sa lababo, sobrang sakit ng ulo ko kaya hinawakan ko yun, pagtingin ko may dugo na pala, nahihilo na ko kaya napapikit na lang ako.

**

Cassey.

Anong oras na wala pa din tong sopeng na to, asan na ba kasi yun? tinatawagan ko di naman sumasagot, nandito na din si xyron.

"ano sumagot na ba?" sabi ni xyron habang nakaupo sa sofa, umiling lang ako.

"baka naman naka silent yung phone nya?" sabi naman ni colleen.

"iba na kasi yung nararamdaman ko eh, gabi na kasi tapos wala pa sya" bigla naman nag ring yung phone ko, si sofia tumatawag na!

"Hoy ikaw na babae ka! kanina pa ko tawag ng tawag nag aalala na kami sayo, asan ka na ba? jusko after seven hundred years nag paramdam ka din!" sunod sunod na sabi ko yan sa kanya, kakalbuhin ko talaga sya pag uwi nya dito.

["ahm, sorry? pero nasa hospital po si miss Sofia Angelie Zamora"] napaupo naman ako sa sofa sa narinig ko.

"b-bakit?" nag aalalang tanong ko.

["nauntog po kasi yung ulo nya, dumugo po kaya dinala po sya ng kapatid nya dito sa hospital"] sabi nung.. nurse? doctor? ewan basta babae to.

"sige po saang hospital yan? pupunta kami" pagkasabi nya kung saang hospital yun, sino naman kaya yung kapatid nya na yun?

"Nurse saan po yung room ni Sofia Angelie Zamora?" tanong ko dun sa nurse, pagkasabi nya ng room agad na naming pinuntahan yun. nakita namin sya na may bandage sa ulo, wala pa din syang malay.


"asan kaya yung kapatid nya? kailangan natin malaman kung ano bang nangyari sa kanya" sabi ni xyron, halata namang nag aalala sya.




"sino kayo?" nagulat kami sa nag salita kaya agad kaming napatayo.

"d-deserie?" sya nga! anong namang ginagawa nya dito? baka naman mali sya ng room na pinasukan.

"oo Cassey, diba ikaw ang may gusto sa MAPAPANGASAWA ko? better back off, at ano? pati ba naman dito? naka epal ka? pwede ba, umalis na kayo dito dahil hindi kayo kailangan ng KAPATID KO" kapatid nya si sofia?! hindi ako makapaniwala, pero bakit di man lang sinabi saakin ni sofia yun?

"ano namang pakialam ko sa mapapangasawa mo? iyong iyo na sya, isak sak mo pa sa dalawang kidney mo" sabi ko at dumiretso na palabas ng kwarto, I mean, palabas ng Hospital sinundan naman ako ng tatlo.

"kapatid pala nya si sofia? ang layo ng ugali nila sa isa't isa ha" sabi ni colleen at nag nod naman si kyle.

"Layo ka dyan, match na match nga e" sinamaan naman namin ng tingin si xyron, at nag peace sign lang ang loko.

"ang kapal lang ng muka nya kanina, kung makaangkin kay drake kala mo sa kanya" sabi ni kyle.

"hayaan mo sya, kanya na kung gusto nya" oo mahal ko si drake pero may magagawa ba ko? wala naman diba.

"excuse me? diba ikaw si cassey?" napatingin naman kami sa nag salita. hanggang dito ba naman?

"talaga bang di mo na sya naalala bro?" mahinang sabi ni xyron, buti hindi nadinig ni drake yun.

"ahm, by the way, friends mo ba sila?" nag nod lang ako, nakita ko naman si kyle at colleen na di maka pag salita, nakakapanibago naman kasi.

"invited kayo sa kasal namin ni Deserie" nakangiting sabi pa nya habang binigay saakin yung invitation. "ah sige una na ko may pupuntahan pa kasi ako e" oo nga pala, I forgot, sila ang may ari ng hospital na kinatatayuan namin ngayon kaya sya andito.

"hindi tayo pupunta, masasaktan ka lang cassey" sabi ni colleen.

"oo nga insan, mas mabuti pang kami na lang ang pumunta para di nakakahiya sa kanya, diba uuwi ka na sa Korea sa date na yan?" napatingin ako sa date ng kasal, oo nga, itong date na to ako pupuntang Korea.

"Great idea, kayo na lang ang pumunta, tell him na uuwi na kasi ako sa Korea" nag nod naman silang tatlo, inabot ko na sa kanila yung invitation at agad na kong sumakay sa kotse ko, at lumabas na ang kanina ko pa pinipigilan.



TEARS.


xxx

Behind Her GlassesWhere stories live. Discover now