Chapter 21

1.7K 57 0
                                    



"Hey!!"

Napabitlag si andrei ng gulatin sya ni Emman. Sinamaan nya ng tingin si Emman. Nasa cafeteria sila at kumakain ng lunch.

Simula kasi ng maisip nya ang tungkol sa panliligaw nya kay AJ ay lumutang na ang utak nya. Nagdadalawang isip sya. Di nya alam ang gagawin.

"Ang lalim natin ngayon ah."

Biro pa ni Emman. Nakatingin lang sina julius at kinneth.

"Wag mo akong simulan."
"Emmanuel."

Seryosong saad naman ni andrei.  Tinakpan naman ni Emman ang bibig nya. Napangiti si Kinneth at tumawa naman si julius.

"Whoa."
"Bro."

Nagulat si Emman ng ibuhos ni Andrei ang inumin nya sa lamesa. Napaatras sila dahil baka mabasa ang damit nila.

"Call them."

Seryosong saad ni Andrei. Nagkatinginan naman sina Emman, julius at Kinneth.

"Those girls."

Paglilinaw ni Andrei. Tinutukoy nya ang apat na babaeng may kasalanan kung bakit may cast ang paa ni AJ.

Nasa may counter ang bitches 4. Nagdadala sila ng order ng ibang estudyante. Tapos na nila linisin ang restroom ng babae. At dahil lunch na, kaya sa cafeteria sila ngayon.

Itinaas ni Emman ang kamay nya para tawagin ang apat na babae. Pero dahil may ginagawa ang tatlo kaya isa lang ang lumapit. At si Shane yun.

"What?"

Mataray na bungad ni Shane. Nakapamewang pa ito.

"Clean this."

Maotoridad na saad ni Andrei. Seryoso din syang nakatingin kay Shane.

"Okay."

Saad ni Shane sa mababang boses. Lumapit sya kay andrei para punasan ang lamesa.

Habang nagpupunas si shane ay pinagmamasdan naman sya ng tatlong lalaki, si Emman, julius at kinneth. Nakabukas ang dalawang butones ng maid uniform nya kaya kitang-kita ang cleavage nya.

"Alis."

Matigas na saad ni andrei. Napahinto si Shane sa pagpupunas ng lamesa at napatingin  kay andrei. Maging yung tatlo ay tumingin din sa kanya.

"Hind---"

"Ang sabi ko, umalis ka na."

Putol ni Andrei sa sasabihin ni Shane. Napalakas din ang boses nya kaya tumahimik sa lugar. Lahat ata ng tao sa loob ng cafeteria ay napatingin sa kanya.

Dahil siguro sa pagkagulat at takot kaya mabilis na umalis si Shane doon. Lumabas sya ng cafeteria.

"AM."
"Beast mode ka ata ngayon?"

Saad ni julius habang nakapangalumbaba sa lamesa. Nag"tsked" lang si andrei. Umiiling-iling din sya. Tumayo na si andrei at naglakad palabas.

"Nangyari dun?"

Tanong naman ni Emman kina julius at kinneth. Nagkibit balikat lang ang dalawang lalaki bago tumayo at sinundan si andrei. Sumunod din si Emman habang iniiling-iling ang ulo. Inilagay nya din ang kamay nya sa bulsa ng pants nya.

Nakapamulsang naglalakad si andrei. Tinatahak nya ang daan papunta sa gym. Nakasunod lang ang tatlo kay andrei. Pinagmamasdan nila si Andrei.

"Problemado si AM ngayon ah."

Umakbay si Julius kay Emman at Kinneth ng sabihin yun.

"Wanted na siguro sya sa bahay ni AJ dahil sa nangyari."

My Dream GayWhere stories live. Discover now