Chapter 45

1.5K 52 0
                                    

Bagsak ang balikat na pumasok sa loob si Andrei. Tumutulo sya dahil basang-basa sya dahil sa ulan.

"Bro. Okay ka lang?"

"AM."

Tanong ni Julius ng sinalubong nila si Andrei sa may entrance ng hall. Tinapik naman ni Emman ang balikat nito.

"Where is she?"

Sumasalamin sa mata ni Andrei ang galit ng sabihin yun.

"Sino--"

"Oh. Hi there."
"Where's your date?"

Napalingon sila sa likuran nina Emman at Julius. Maarting nakahalukipkip si Shane. Nakangiting tagumpay pa ito.

"Ikaw!!!"

Sinugod ni Andrei si Shane at sinakal. Mabilis naman inawat ni Emman at Julius si Andrei. Kung di nila gagawin yun ay baka mapatay nya si Shane dahil sa sobrang galit nya.

"AM. Chill bro. Babae yan."

Pagpapakalma ni Julius. Nagpupumiglas si Shane sa taya'y di na sya makahinga dahil sa pagkakasakal ni Andrei sa kanya.

Nagsilapitan na din ang ibang estudyante para makiusyoso.

"Bro!! Stop!!"
"Mapapatay mo sya!"

Pilit inaalis ni Emman ang kamay ni Andrei sa leeg ni Shane. Di naman makagalaw sa gilid ang mga kaibigan ni Shane. Takot na takot sila kay Andrei.

"Wala akong pakialam kung mamatay sya!!"

Mas hinigpitan ni Andrei ang pagkakahawak nya sa leeg nito. Bumabagal na ang paghinga ni Shane hudyat na malapit na syang bumigay.

Natataranta na si Emman. Naikuyom na nya din ang kamay nya.

"An--dreiii!!!"

Buong lakas na sinuntok ni Emman ito. Di nya gustong gawin yun sa kaibigan pero yun lang ang tanging paraan na naiisip nya. At dahil sa lakas noon ay nabitawan ni Andrei ang leeg ni Shane at napasubsob sya sa sahig. Napaupo naman si Shane sa sahig at hinahabol nya ang hininga nya. Nanginginig ito dahil sa takot. May luha ding naglandas sa mata nito. Dinaluhan  sya ng mga kaibigan nya at agad na inilayo kay Andrei.

Tumayo si Andrei at pinahid nya ang dugong nasa labi nya dahil sa malakas na suntok na binigay ni Emman sa kanya.

"Ako na ang bahala sa kanila."
"Ikalma mo nga ang sarili mo bro."

Mahinahong saad ni Emman. Walang imik namang tumalikod si Andrei at lumabas ng lugar na yun. Gusto nyang mapagisa. Mabilis na pumasok si  Andrei sa sasakyan nya at agad na pinaharurot ito.

---

"Andrei."

Dinig ni Kinneth na daing ni AJ. Nakahiga sa kama ni Kinneth si AJ. Bago umalis sila sa school ay nakiusap si AJ kay Kinneth na wag syang iuwi sa kanila dahil ayaw nyang makita sya ng magulang at kapatid nya na ganun ang itsura nya. Napili ni Kinneth na sa condo na lang nya dalhin ang dalaga. Pasakay na dapat si AJ sa sasakyan ni Kinneth ng bigla na lang itong nawalan ng malay. Buti nga't nasalo ni Kinneth ito.

"Pwede bang pangalan ko naman ang sambitin mo?"

May lungkot na suyo ni Kinneth sa natutulog na si AJ. Hinigit na din nya ang comforter hanggang sa may leeg ni AJ. Marahan nya ding hinaplos ang buhok nito.

Walang ginawa si Kinneth kundi ang pagmasdan ang maamong mukha ng natutulog na si AJ. Ilang beses nya ding narinig na tinatawag nito si Andrei. Nasaksihan pa nyang may mumunting luhang lumalabas sa mata nito. Sobra syang nasasaktan dahil sa nakikita nya. Gusto nyang sugurin si Andrei at bigyan ito ng isang di makakalimutang suntok pero di nya magawa yun dahil ayaw nyang iwan magisa si AJ sa condo nya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now